BUONG buhay ni Jane ay hindi pa siya nakaramdam ng ganoong pagkainis at pagrerebelde. Ayaw niyang mag-away sila ni Charlie sa harap ng ibang tao kaya nagdesisyon siyang magtungo na lamang sa washroom upang kalmahin ang sarili. Subalit hindi pa siya nagtatagal doon, pumasok naman si Vanessa. Na-tensiyon siya at napatingin lamang sa babae. “Look at you, wala sa hitsura mo ang gagawa ng eksena pero muntik mo nang gawin kanina,” biglang sabi ni Vanessa na nakaangat ang isang kilay. “Ayaw na ayaw ni Charlie sa lahat ay ang babaeng kulang sa pansin, alam mo ba `yon?” Naglapat nang mariin ang mga labi ni Jane. “Sumunod ka ba sa akin para lang sabihin `yan?” “No. Marami akong gustong sabihin kaya kita sinundan.” Lumapit ang babae at tumalim ang tingin sa kanya. “Leave Charlie. H

