THERE was a raging emotion burning inside Charlie’s chest. Mahapdi at nakakawala ng kontrol. Kagagaling lamang nila ni Vanessa mula sa isang importanteng meeting at niyaya siya ng babae na mananghalian. Sa totoo lang, ayaw sana niyang pumayag subalit dahil malaki ang naitulong ni Vanessa sa kanya nitong mga nakaraang linggo, naisip niyang pumayag para lamang ipakita ang pasasalamat niya. Kahit ang totoo, wala siyang ibang gustong gawin kundi ang puntahan si Jane dahil malapit lamang doon ang gusali ng negosyo ng pamilya nito. Dalawang linggo na mula nang huli niyang makita ang dalaga at araw-araw siyang hindi mapakali dahil gusto niyang makita ang mukha ni Jane, ang marinig ang tawa nito nang harapan, ang mahawakan at mahalikan. Mabuti na lang pala at hindi nagpunta si Charlie, kung

