CHAPTER 29

1475 Words

PAULIT-ULIT na huminga nang malalim si Jane habang naglalakad papunta sa opisina ng kanyang ama. Ilang beses na rin niyang sinulyapan ang hawak na makapal na folder na pinaglagyan ng mga shoe design na pinili niya sa napakaraming ginawa sa mga nakaraang taon. Kahit anak siya ng may-ari ng shoe boutique ay kabado pa rin siya. Hindi niya alam kung tatanggapin ng kanyang ama ang mga nilikhang disenyo.      Dalawang linggo na mula nang magpunta sila ni Charlie sa rest house nito sa Tagaytay. Ganoon na rin katagal mula nang huli silang magkita kahit pa minsan ay tumatawag ang binata sa kanya para lang mangumusta. Kahit paano ay napapasaya siya ng mga tawag na iyon ni Charlie. Dahil sa totoo lang, miss na miss na niya ito. Dalawang linggo pa lang ang lumilipas, unti-unti na siyang nagiging mise

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD