SA KABILA ng mainit na halik na pinagsaluhan nila, ikinagalak ni Jane na hindi nagkaroon ng awkwardness sa pagitan nila ni Charlie. Sa katunayan ay nag-enjoy siya sa pagluluto at pagkain nila na para bang matagal na nilang ginagawa iyon na magkasama. Pagkaligpit nila ng pinagkainan ay iniikot siya ni Charlie sa loob ng rest house. Nalaman ni Jane na mas malaki pala kaysa una niyang akala ang bahay na iyon. May limang silid at dalawa sa mga iyon ay guest room. “Ang dalawang silid na `yan lang ang ipinapagamit ko sa mga kaibigan ko kapag nagpupunta sila rito,” sabi ni Charlie na hinila ang kamay ni Jane upang lumakad pa. “This is the entertainment room. We can watch a movie later if you want. Itong isa ay library.” Binuksan ng binata ang pinto ng library. Napasinghap si J

