NAPAGTANTO ni Jane na totoo ang sinabing iyon ni Charlie nang dalhin siya sa kusina. Pinaupo siya ng binata sa isang silya. Pagkatapos ay nagsimula itong maghalungkat sa refrigerator at maglagay ng kung ano-ano sa lababo. “Magluluto ka?” manghang tanong ni Jane. Sumulyap si Charlie sa kanya at nakangiting kumindat. “Ross told me that women dig men who can cook. And you love food, right? Hindi nga lang kasinsarap ng pagkain sa mga restaurant ang luto ko, pero may alam akong ilang putahe since I live alone.” Tila may nagliparang paruparo sa sikmura ni Jane habang nakatitig sa mukha ng binata. Pakiramdam niya, iyon ang unang beses na talagang tinibag ni Charlie ang pader na nakapaligid sa sarili nito laban sa ibang tao. For the first time, she felt that he totally opened up

