ALAS-ONSE na ng gabi ay hindi pa rin nakakatulog si Jane. Nakatitig pa rin siya sa kisame ng kanyang kuwarto. Kahit paulit-ulit na sinasabi sa sarili na hindi siya dapat mag-alala, palagi pa rin niyang naiisip sina Charlie at Vanessa. Saan kaya nagpunta ang dalawa? Ano ang pinag-uusapan nila? Gaano katagal silang magkasama? At kung ano-ano pang isipin kaya gising na gising pa siya. “Wala akong dapat ipag-alala. Sigurado akong walang interes si Charlie sa babaeng `yon. Si Vanessa ang may interes kay Charlie. Wala silang ibang relasyon,” pagkausap niya sa sarili. Huminga nang malalim si Jane at pumikit. Susubukan niyang matulog uli. Subalit wala pang isang minutong nakapikit ay tumunog naman ang kanyang cell phone. Mabilis siyang dumilat at hinablot ang cell phone sa bedside tab

