SA ISANG komunidad sa Payatas dinala ni Charlie si Jane. Noong una, nagulat si Jane nang makitang ibang sasakyan ang dala ng binata, mas simple iyon kompara sa luxury car na regular nitong gamit. Subalit nang humimpil sila sa hilera ng marami ring sasakyan ay napagtanto niya kung bakit. Weird na magdala ng kahit anong marangyang bagay sa lugar na iyon habang sa paligid ay pulos kahirapan ang makikita. At least, hindi insensitive ang mga volunteer sa feeding program na iyon. Bumaba sila ng sasakyan at agad na napunta ang tingin ni Jane sa malaking espasyo sa harap nila na inadornohan ng mga palawit na tila fiesta. Sa dulo ay may malaking stage na may malaking sound system. Sa stage ay nakasabit ang malaking banner ng TV8 Foundation. Pumapailanlang ang masiglang tugtog. Halos lahat yat

