LINGGO. Walang pasok si Jane kaya ang balak sana niya ay matulog lang maghapon. Hindi pa rin siya tinatawagan ni Charlie. At sa pagkakataong iyon ay napigilan niya ang sariling tawagan ang binata. Sigurado kasi siya na itatanong lang niya ang tungkol sa Vanessa na iyon at ayaw niyang maramdaman ni Charlie na apektado siya ng babaeng ni hindi pa nga niya nakikita nang personal. Nakadapa pa rin siya sa kama at babalik na sana sa pagtulog nang makarinig ng katok sa pinto ng kanyang silid. “Jane, buksan mo ang pinto,” tawag ng kanyang ina mula sa labas ng pinto. Napabuga siya ng hangin at bumangon sa kama. Ni hindi na niya inayos ang magulong buhok, tutal ang mama lang naman niya ang haharapin niya. Mabilis na binuksan ni Jane ang pinto. “Bakit ho—” Bumara sa kanyang lalamu

