"Amara tumigil ka na sa pag-iyak! Wala ng magagawa ang mga luha mo para baguhin ang sitwasyon!" inis na bulyaw sa'kin ni Dani habang nasa isang sulok kami ng cafeteria. "Hoy bàliw bakit mo naman sinisigawan si Amara!" saway ni Migz kay Dani habang inaabutan ako ng tissue. "Kasi naman nakakainis! Amara bakit ka naman nagpaapi sa Danica na 'yon!? Dapat sinabunutan mo at iningudngod mo ang mukha niya. Ang kapal ng mukha niya para sabihin sa'yo na ikaw pa ang nang-agaw kay Henry! Siya naman itong naging kabit! Tangina talaga ng babaeng 'yon! Kapag nakita ko siya sa marketing department mamaya kakalbuhin ko 'yon." "Hayaan mo na 'yon, Dani..." pahikbing sagot ko habang tinatanggap ang tissue mula kay Migz. Hindi ako 'yong tipo ng babaeng makikipag-away o makikipagsabunutan. Kahit gaano pa kas

