SHAMELESS

2286 Words

HINDI KO alam kung dapat ba akong matawa o magalit sa sinasabi ni Danica. Twenty minutes? Para saan? Para ipaliwanag niya kung bakit niya sinira ang pagkakaibigan namin? Para sabihin niya na hindi niya sinadyang agawin si Henry? O baka para lang saktan ako ulit? Tinitigan ko siya ng matalim, pilit na hinahanap sa mukha niya ang dahilan kung bakit pa niya ako kinakausap. Pero ang totoo, kahit ano pang sabihin niya, hindi ko na mababawi ang mga nasira na. "Danica, I've already wasted too much time on you and Henry. Hindi ko na gustong magbigay pa ng isa pang minuto para lang marinig ang mga palusot mo." Hindi ko na napigilang maging prangka. Sa loob ng ilang linggo na hindi ko siya nakita, pinilit kong kalimutan ang sakit at galit. Pero ngayon na nasa harap ko siya, parang bumalik lahat

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD