"Where are you going?" tanong ng binata sa kaniya pero hindi niya ito pinansin bagkus ay binuksan niya ang pinto at umalis.
Kahit nahihirapan siya ay mabilis siyang tumakbo at sumakay ng taxi. Mariin siyang napapikit sa kahihiyang nararamdaman saka niya inihilamos ang palad sa mukha.
Ng nakarating siya sa bahay nila ay qgad siyang nagtungo sa kwarto niya at naligo. Tinitigan niya ang kaniyang sarili sa salamin. Halos mapuno ng kissmark ang buong dibdib niya at apat sa leeg niya. Napaawang ang labi niya dahil may dalawa din doon at tatlo sa hita niya.
"Ang wild naman nun" hindi makapaniwalang saad sa kaniyang sarili.
Tinapos niya ang kaniyang pagligo at pagkatapos ay ginawa ang night routine niya. Hindi mawala sa isip niya kung paano siya nagmakaawa sa binata na hawakan siya.
"Ano bang iniisip mo Allison?" saad niya at tinapik tapik ang sarili niyang mukha.
Natutop niya ang bibig ng naalala na hindi man lang nila inalam kung anong pangalan nila.
"Paano ko siya hahanapin para sabihing gawin ulit yun" biglang wika niya sa kaniyang sarili.
Mahinang sinampal ang sarili niya dahil sa sinasabi niya. Tinignan niya ang oras at mag-a alas dose na pala. Tumaas ang kilay niya ng may nag notif kaya naman tinignan niya it at gc pala nilang magkakaibigan.
Samantha: " Allison Cruz is missing"
Zein : "I am drunk but I saw her with a hottie guy"
Bianca : "Really?"
Malia : "Ask niyo kung virgin pa siya. Online naman siya"
Biglang nagvideo call si Zein kaya wala siyang nagawa at nakijoin.
"What's up guys?" kaswal na bati niya.
"Masarap?" nakangising tanong ni Zein.
"Ang alin?" nagmamaang m niyang tanong.
"Ulol ka dzaii halatang may naiwang marka diyan oh" sarkastikong saad ni Bianca sabay turo sa cleavage niya kaya napapikit siya.
"oh ano? itatago mo pa samin ah" taas kilay na saad ni Sam at nagtawanan sila.
"so?" mataray na tanong niya.
"well girl baka nakakalimutan mong ikakasal kana" nakangising saad ni Bianca .
"I rather lost my virginity to that hottie guy kaysa mapapangasawa ko" nakakunot noong saad niya at narinig niyang nagtawanan sila.
"Paano kung mabuntis ka?" seryosong tanong ni Malia kaya natahimik siya sapagkat hindi iyon pumasok sa isip niya.
"Gumamit ba kayo ng condom?" tanong ni Zein pero umiling siya.
"Hindi ka nag-iisip Alli. Ano na lang sasabihin ng magiging byenan mo at ng magiging asawa mo" seryosong wika ni Bianca.
"I don't know and besides kung sakaling ganun baka hindi na matuloy ang kasal" nakangiting saad niya.
"Hindi mo tutuparin ang huling hiling ni Tito" hindi makapaniwalang wika ni Sam kaya napakagat labi siya.
"I don't know" mahinang saad niya.
"Problema nga naman" saad ni Malia kaya natahimik siya.
"Goodnight girls" saad niya at nag left sa video call nila.
"Ang tanga tanga mo Allison" naiinis na saad sa kaniyang sarili at hindi niya namalayan na napaluha na siya.
Dalawang linggo simula ng may nangyari sa kanila ng estranghero at dapat last week pa siya datnan ng period niya pero hanggang ngayon wala pa.
Nakakaramdam na din siya ng morning sickness, pagsusuka at pagkakahilo. Napahawak siya sa puson niya at biglang kinabahan.
"Hindi kaya buntis ako?" bulong na tanong sa kaniyang sarili.
Agad siyang kumuha ng jacket niya at nagmamadaling lumabas . Pinaharurot niya ang kaniyang kotse at nagtungo sa malapit na drugstore ng pregnancy test.
Nahihiya pa siyang magtanong pero kinapalan niya ang kaniyang mukha na bumili. Tatlo ang binili niya at iba't ibang klaseng pregnancy test ito. Agad siyang bumalik at nadatnan niya ang mama niya sa sala.
"Where have you been Allison?" tanong nito.
"Nag-street foods lang Ma" mahinang saad niya, buti na lang talaga nasa jacket ng bulsa niya ang binili niyang pregnancy test.
Umihi siya at kumuha ng konti sa kaniyang ihi at nitry niya ang binili niyang pregnancy test. Naghintay lang siya ng ilang minuto at inisa isa niya ang mga yun at lahat yun ay iisa lang ang kinalabasan.
"Positive" mahinang saad niya at napaupo.
"Anong gagawin ko?" natutulirong tanong niya sa kaniyang sarili.
Napatulala na lamang siya at hindi niya alam kung anong gagawin niya. Huminga siya ng malalim at inayos ang kaniyang sarili. Wala siyang dapat gawin kundi ang alagaan ang bata na nasa sinapupunan niya. Napangiti siya dahil kahit papaano ay may regalo ang lalaking gusto niya ulit makita.
Napalingon siya sa kaniyang cellphone ng tumunog ito.
Agad niya itong sinagot. " Hello Sam" bati niya at humiga sa kaniyang kama.
" What are you doing? " tanong nito.
" Nakahiga lang. Bakit?" tinatamad na saad niya.
"Wanna join us. Punta tayo sa birthday ng pinsan ko" wika nito.
Nag-isip muna siya bago sinagot niya ito. "Sure. What time ba?".
"Just be ready now. Susunduin kita" wika nito sa kaniya.
"Sure. Casual dress ba?" tanong niya dito.
"Yes beshy" sagot nito kaya nagpaalam na siya at ni-end ang call.
Huminga siya ng malalim at tinitigan ang kaniyang tiyan at saka siya napangiti.
Isang red fitted long maxi dress ang ang sinuot niya at pinaresan niya ito ng 4 inches red stilleto. Inipit niya ang kaniyang mahabang buhok at light make up lang ang inilagay niya sa kaniyang mukha.
Bumaba siya at nadatnan niya ang kaniyang ate at mama nakatingin sa kaniya.
"May pupuntahan po akong birthday party. Isasama ako ni Samantha" mahinang saad niya.
"Anak galit kapa ba samin" naluluhang tanong ng kaniyang ina.
"Hindi po ako galit sa inyo Ma. Kailangan ko lang po mag-isa at unti-untiin na tanggapin ang mga nalaman ko" tipid na ngiting wika niya.
"Patawad anak" sinserong saad ng kaniyang ina.
"Wala kayong dapat hingian ng tawad Ma. Naintindihan kona po lahat" nakangiting saad niya.
Napayakap siya sa kaniyang ina ng yinakap siya nito. Tumingin siya sa kaniyang ate at nagngitian silang dalawa.
Narinig niyang may bumusina kaya napahiwalay siya sa mama niya.
"Gotta go Ma" nakangiting saad niya at tinanguan ang kaniyang ate bago siya umalis.
Nadatnan niya ang kaniyang kaibigan sa labas ng bahay nila na nakatayo. Kumunot ang noo niya dahil seryoso ito na para bang hindi maganda ang daloy ng dugo sa kanaiyang sistema.
"Are you okey?" nakakunot tanong ng nakalapit na siya dito.
Hindi siya nito sinagot kaya nagkibit balikat na amang siya.
"Let's go" tanong nito sa kaniya tumango siya.
Sabay silang pumasok at nagtataka siya sa dahil mukhang wala sa mood ang kaniyang kaibigan.
"Are you okey , Sam?" nag aalalang tanong niya dito.
Huminga ito ng malalim bago siya nito sinagot. " I'm not okey Alli" mahinang saad nito.
" What's wrong ? what happened?" tanong niya.
" Mukhang pareho tayo ng tadhana " nakangising saad nito .
" Anong ibig mong sabihin mo?" nagtatakang tanong niya.
" Ipapakasal din ako sa lalaking hindi ko mahal pero kilala ko kung sino" wika nito sa kaniya.
" ows" yun lang ang nasabi niya.
"Mabuti nga sayo at kilala mo pero sa akin hindi.Hindi ko alam kung matanda ba o gwapo eh"natatawang wika niya kaya natawa ang kaibigan niya.
"Alam mo ba kung sino ang mapapangasawa ko? " tanong nito sa kaniya.
" Hindi.Malalaman ko palang " sarkastikong wika niya.
"ang lalaking minsan na akong sinaktan" saad nito kaya natahimik siya.
Isa lang ang pumasok sa kaniyang isip.Iyon ay ang ex nitong minahal ng sobra ng kaibigan niya.
"Tumakas ka" suhestion niya dito.
"Ikaw nga hindi mo kayang suwayin ang magulang mo ,ako pa kaya" natatawang saad nito sa kaniya.
" Ano den ang gagawn mo?" nag aalalang tanong niya dito.
" Hindi ko alam pero bahala na.Kung ito man ang tadhana ko ay tatanggapin ko na lang." wika nito at nginitian siya.