"HAY, thank You, Lord natapos na rin," sambit ni Louise sa sarili habang inililigpit at isa-isang isinisilid ang mga gamit pabalik sa kaniyang bag. Bakas pa sa mukha ang pagkahapo sa katatapos lang na panel discussion.
Umabot din ng halos tatlong oras ang thesis defense ni Louise para sa kinuha niyang Business Management course sa isang sikat na Unibersidad dito sa Singapore. Dalawang taon din ang kaniyang ginugol sa pag-aaral nito. It's an Open University course kaya naging convenient for her situation as a single mom and an entrepreneur at the same time. Hindi kasi siya pwedeng maglagi sa Singapore dahil nag-aaral sa Pilipinas ang dalawa niyang anak na nasa pangangalaga ngayon ng kaniyang ina. Bukod dito ay may naipatayo din siyang iba pang negosyo na ipinagkatiwala naman niya ang pamamahala sa kaniyang ibang mga kapatid bilang tulong na rin sa kanila.
Bago siya umuwi sa kaniyang Penthouse ay nagpasya na muna siyang puntahan ang isa sa mga suppliers nila ng fabrics para sa Z-Squared Apparel. Kailangan niya kasing mag-place ng Purchase Order dito dahil ayon sa report na in-email sa kaniya ni Dave, ang aking Executive Assistant, ay hindi nila nai-deliver sa kanilang Warehouse sa Taguig ang tamang order na kakailanganin nila para sa last quarter ng taon. Peak season na iyon kaya kailangan nilang makasabay sa ibang sikat na clothing business. Marami-rami na rin kasi silang mga empleyadong umaasa lang sa kikitain nila sa kompanya.
Ayaw niya pang umuwi dahil baka makita na naman niya ang antipatikong Tae-bin na iyon, kaya nagpasya na rin siyang mag-ikot-ikot sa pinakamalapit na mall para mamili ng mga ipapasalubong niya sa kaniyang mga anak at mga pamangkin. Hindi ko na namalayan ang oras, madilim na pala sa labas. "Maggagabi na pala," sambit nito habang hinahamplos ang kaniyang tiyan. Nakaramdam na rin siya ng pagkalam sa sikmura kaya naisipan na rin niyang bumalik ng hotel. "Doon na lang ako kakain," ika pa nito.
Matapos niyang iparada ang kaniyang Toyota Corolla Altis sa designated parking space para sa kaniya sa basement parking ng hotel ay agad niyang inilabas sa compartment ang kaniyang mga pinamili nang biglang may isang pares ng kamay na bumuhat sa naiwang shopping bags--si Tae-bin!
Para siyang nakakita ng multo dahil yung taong kanina pa niya gustong iwasan ay nasa harapan niya ngayon mismo. Mabilis din siyang nahimasmasan. "Excuse me?!" she exclaimed.
"Damn paparazzi!" bulalas ni Tae-bin na nagmamadaling lumabas ng elevator nang makalapag ito sa basement parking. Nabungaran niya kasi sa lobby ang kumpolan ng photographers at naulinigan niya na siya ang usapan kaya daglian siyang bumalik sa elevator at pinindot ang B1 dito.
Paglabas niya ay nasilayan niya agad si Louise papalabas din ito sa kaniyang kotse. Napangiti siya at mabilis na binagtas ang papunta sa direksyon nito.
Hindi napansin ni Louise ang paglapit nito sa kaniya kaya nang tangkain niyang hawakan ang naiwang shopping bags sa compartment nito ay kita niya ang pagkagitla ng babae. "Excuse me?! pagtataray nito sa kaniya. Sinulyapan lang niya ito nang tangkang agawin ni Louise ang hawak na niyang shopping bags.
"Let me help you," maalumanay na wika nito sa kaniya.
"I can manage," she rolled her eyes.
Hindi siya pinansin ni Tae-bin bagkus ay dinampot pa ang ilang shopping bags at dumiretso na ito sa loob ng elevator. Pasarado na ang elevator nang napansin ni Tae-bin na hindi pa nakapasok si Louise. Nasa b****a lang si Louise. Nakabusangot ito at matalim ang tingin sa kaniya.
"Aren't you coming in?" aniya habang nakaharang ang isang paa para hindi tuluyang sumara ito. Wala nang nagawa si Louise kundi ang sumunod na rin dahil ramdam na niya ang pagod at gutom.
Walang imikan ang dalawa. Walang may gustong magsalita. Tumikhim si Tae-bin sabay lapit ng mukha nito sa tainga ni Louise, "are you avoiding me?" tanong nito sa kaniya. Nailang si Louise kaya bigla nitong nailayo ang mukha, "why would I?" banas na tanong niya pabalik dito. "Then, don't make a scene," he smirked.
Tumigil ang elevator sa upper ground floor where the hotel lobby is located and some passengers came in. Medyo naging crowded sa loob kaya halos magitgit si Louise ng dalawang lalaki na nasa gilid at harapan niya. Napansin ni Tae-bin na iritado si Louise dahil bakas sa mukha nito. Nahuli niya ang isang lalaki sa tabi ni Louise na pilyong nakangiti at kitang kita niyang pasimpleng ikinikiskis nito ang kaniyang braso sa tagiliran nito Louise at natatamaan ang gilid ng kaniyang dibdib. Hinatak niya si Louise at nagpalit sila ng pwesto. Iniharang nito ang katawan against the pervert guy at sinimplehan niya ito ng pagsiko. Kunot noong lumingon sa kaniya ang lalaki pero bigla rin itong bumawi dahil mas matangkad siya rito.
Napangiti naman si Louise sa tinuran ni Tae-bin. Parang nakaramdam siya ng kilig. Para kasi itong possessive na boyfriend lang na ayaw masagi ng ibang lalaki ang kaniyang girlfriend. "Ano ba ito? Kinikilig ba ako? Hala! Hoy Louise umayos ka! Tanda mo na ah!" siya na mismo nagalit sa sarili.
Busy ang pilya niyang utak kaya hindi niya namalayan na sobrang lapit na pala sa mukha niya ang mukha ni Tae-bin. "Which floor?" bulong na tanong nito sa kaniya habang papalabas na ang ibang pasahero kabilang na ang dalawang lalaki. Parang may boltahe ng kuryente na dumaloy sa kaniyang sistema nang maramdaman niya sa kaniyang tainga ang mahinang hangin mula sa bibig ni Tae-bin. Halos magkadikit na ang mga katawan nila kaya 'di maiwasang ma-tense ni Louise.
Mas lalo siyang nakaramdam ng discomfort nang mapansin niyang panay ang tingin ng tatlong babae sa kanila. Sila na lang kasi naiwan dito. The girls recognized Tae-bin.
"OMG! It's Kim Tae-bin!" 'di napigilang sambit ng isa na may kasama pang kilig.
"Who is she?" anang isa naman.
"Is she his new PA?" anang isa pa na medyo ikinataas ng kilay ni Louise.
They are taking selfies with Tae-bin while trying to include her in the frame. Naiilang si Louise. Ikinukubli ang mukha kada flash ng cellphone camera ng mga babae. Napansin iyon ni Tae-bin kaya pasimple niyang inihaharang ang kaniyang malaking bulto kay Louise para hindi siya mahagip ng camera.
Binalingan siya ulit ng tingin ni Tae-bin, sinenyasan siya kung saang floor siya na inginuso ang pindutan ng elevator. Akma na sana niyang pindutin ang 'P' but then she suddenly realized, ayaw niyang malaman ni Tae-bin kung saan siya tumutuloy. She unconsiously pressed the number 10. Huli na ng mag-popped up sa utak niya na doon din ang room nina Tae-bin. Her eyes widened. Natutop ang bibig. Nasapo ang noo. Samantalang Tae-bin narrowed his eyes habang pinagmamasdan siya.
Nagmadali siyang lumabas sa lift, pilit niyang kinukuha ang mga shopping bags na hawak ni Tae-bin but he insisted na ihatid na siya sa kaniyang room. Dahil hindi naman talaga doon ang kaniyang room, naglakad siya pabalik-balik; kanan tas balik ulit pakaliwa naman habang kunot noong nakasunod lang sa kaniya si Tae-bin.
"Hey! Are you sure your room is in this floor?" Hindi na hinintay ni Tae-bin na sumagot si Louise, mabilis niyang hinawakan sa pulsuhan nito at inakay tumakbo papalayo sa mga makakasalubong nilang paparazzi.
"Damn!" he exclaimed.
"There he is!" sigaw ng isa sabay turo at takbo sa direksyon nila
may sisigaw "ayun siya!" ayun si kim tae-bin!
Agad silang pumasok sa nakabukas nang room nina Paul at Chen na nakaabang na pala sa kanila dahil nalaman nilang may mga nag-aabang na paparazzi sa lobby ng hotel. Saktong papalabas sila para balaan sana si Tae-bin nang makita nila itong tumatakbo kasama si Louise.
"Whew! That was close!"
"Kim Tae-bin!/Abraham!" sabay na sambulat sina Chen at Paul. "What happened, dude? Where have you been? We've been looking for you for an hour now and we're trying to call you but no where to reach?" histerikal na salitan sa pagtatanong sina Chen at Paul.
"Hey, chill! I'm back now and I'm safe...we're safe," he chuckled.
"And why are you two together anyway?" takang tanong ni Paul sa kanilang dalawa. Parang nanunudyo ang mga ngiti nito habang nakatitig sa dalawang bagong dating. Bakas sa mga mga mukha nila ni Chen ang pagtataka.
Samantala, nagkakagulo naman ang mga paparazzi sa hallway. "I saw them run in this direction," anang isang kamot batok. "Did you capture any photo?" tanong naman ng isa sa kapwa photographer. "And who is that girl with him?" everyone's puzzled.
"Ba't ba ako na-drag sa sitwasyon ng lalaking ito?" Banas at yamot si Louise sa nangyayari.
Kung nakamamatay ang pag-irap ay kanina pa pinaglamayan si Tae-bin sa sama ng tingin na ipinupukol sa kaniya ni Louise.
"Bwisit talaga ang antipatikong lalaking ito! Argh!" 'di niya mapigilang ngitngit nito.
"What?" tanong ni Tae-bin sa kaniya.
"Antipatiko!" yamot na bulong nito habang nakabusangot pa rin ito na nakayuko.
"I heard you. And I know what that means," maalumanay na tugon ni Tae-bin, nakahalukipkip ang mga braso habang nakasandal sa pader. Nakatitig kay Louise habang pinag-aaralan ang galaw nito hanggang sa mapansin niyang hinaplos ang tiyan nito. "Are you hungry?" maalumanay pa rin niyang tanong kay Louise.
Inirapan lang niya ulit si Tae-bin. Tahimik na nagmamasid lang din naman sina Paul at Chen sa kanilang dalawang.
Tumango si Tae-bin kay Chen na parang automatic namang na-gets nito ang ibig sabihin ni Tae-bin. Agad na dinampot ni Chen ang handset ng telepono at nag-order ng pagkain.
Habang hinihintay ang order nilang pagkain ay tinawagan ni Louise si Gelai para ipaalam na may mga nakapasok na paparazi sa hotel at nagkalat ngayon sa mga pasilyo ng 10th floor.
"Hello, Best, magpadala ka ng Security Personnel ngayon na dahil nakakahiya sa ibang customers na maaabala. Nasa harap sila ng room ni Kim Tae-bin ngayon."
"Oh sige, Best. Papunta na sila doon."
"OK, thanks!"
Gelai is about to end the call but she suddenly realized, "wait lang, nasaan ka ba? Papano mo nalaman na may mga paparazzi dito sa hotel at nasa harap ng room nila Ginseng? Nandito ka na ba sa hotel? Sabi ng staff hindi ka pa daw dumarating."
Natigilan si Louise. Para siyang nabuhusan ng isang timbang yelo. Pano nga ba niya lulusutan ang tanong na yun? Hmmmm
"Ah basta magpapunta ka na lang ng Security Guards... ng Police... Sundalo... bahala ka na. Bilisan mo na kasi baka mawalan tayo ng customers kapag nagreklamo yang mga yan, sige na bye." aniyang kabutil na ang pawis sa pagpapalusot.
Paglingon niya sa tatlong lalaki ay seryosong nakatingin ang mga ito sa kanya. "What?!" kibit balikat nito sa kanila sabay kumpas ng dalawang palad. Saktong tumunog na ang doorbell. "Room Service," anang boses ng lalaki sa labas ng pinto. Paul opened the door and took the tray of food inside the room. Pasimple din siyang sumilip sa labas...kaliwa...kanan...Ooopps may mga mga paparazzi pa rin...Haist.
Hindi pa man din sila nangangalahati sa pagkain ay biglang may nakatabig sa pitcher ng juice at kamalas-malasan nga naman ay kay Louise natapon ang halos lahat ng laman nito.
Gulat na napatayo si Louise dahil sa lamig na rin ng juice. "Ahh shhhh..." hindi natuloy na pagmumura nito sa banas. Hindi na rin nagsalita pa ang tatlong lalaki dahil feeling nila sasabog na sa galit si Louise. Nagmadali siyang lumakad palabas ng pinto. Hindi pa mandin siya nakakahabang palabas ay biglang bumalik din.
Napaalis nga ang mga paparazzi pero mga fans naman ang pumalit na nag-abang sa labas ng room nila. Gusto nang sumabog ni Louise sa inis. Dumagdag pa sa irita niya ang basang damit at nanlalagkit na katawan dahil sa tumapong juice sa kaniya.
"Why not change first then let your clothes dry?" mungkahi ni Tae-bin na hindi sure kung ang tingin na ipinukol sa kaniya ni Louise ay galit na sasaksak ng tao o galit na mangangain ng tao.
"Paano aber?! iritadong tanong niya. Sinasadya niyang magsalita ng tiyak niyang hindi maintindihan ni Tae-bin dahil inis nga siya dito. "Now what?! How would I change? I don't have anything to wear!" atungal nito sa lalaki na hindi na niya mapigilan ang magtaas ng boses.
Inakay siya ni Tae-bin sa isang kwarto ng two-bedroom suite na iyon para makapagpalit ng damit. "Argh Abraham!" Aangal pa sana si Paul dahil siya ang nakaokupa dito pero tinapunan lang siya ng seryosong tingin ni Tae-bin.
Mabuti na lang at may naiwan siyang t-shirt niya noong isang araw na tumambay siya dito. Inabot niya iyon ay Louise. Ayaw pa sana nitong kuhanin pero wala na siyang choice dahil nanlalagkit na siya talaga. Pumasok siya sa banyo at mabilis na nagtanggal ng basang blouse at maong na pantalon. Nabasa rin pala pati bra niya kaya wala siyang nagawa kundi tanggalin pati ito.