KAIRI'S POV
We are currently walking our path to Labelone. Walang umiimik. Pansin ko rin itong katabi kong si Zi ay kanina pa seryoso.
"Aray ko!"
Bumagsak ako sa lupa. Nasa kanila kasi ang tingin ko at hindi ko nakita ang isang medyo malaking bato sa dadaanan ko.
Lumapit agad sila sa 'kin.
"Kairi! Okay ka lang?" alalang tanong ni Iceandra.
"OMG! Kairi my friend!" sabi naman ni Avri at hinawakan ang kamay ko.
"Kaya mo bang tumayo?" tanong ni Clyde. "Kung hindi, sakay ka na lang sa likod ko."
"Ako na. Sa likod ko ikaw sasakay, Kairi." sabi naman ni Zi.
"Ako na, mas alam ko ang mundo namin kaysa sa 'yo." pagtalo naman ni Clyde.
"Ako na, pareho naman kaming tao." sagot ni Zi.
Akmang sasagot na sana ulit si Clyde nang inawat ito ni Iceandra.
"Hep hep! I think si Clyde muna ang magbubuhat kay Kairi, dahil mas alam niya ang daanan."
Walang nagawa si Zi kundi ang tumango at hinayaan akong sumakay sa likod ni Clyde.
Sumakay na ako at nagpatuloy kami sa paglalakad-- este sila pala dahil buhat-buhat naman ako ni Clyde.
Medyo nahihiya ako kay Clyde kaya tinanggal ko ang kamay ko na nasa harapan niya. Tumingin siya sa akin.
"Bakit mo tinanggal? Gusto mo bang mahulog at masaktan ulit?"
Ang lapit niya sa 'kin. Bumilis ang t***k ng puso ko.
Bakit ganito ang nararamdaman ko pag magkalapit kami?
Lagi kong pinapangarap na sana siya si Clyde sa mundo namin. Pero malabo, dahil magkalayong-magkalayo ang ugali nila.
Mukhang mahaba-haba pa ang lalakbayin namin kaya naisipan kong umidlip muna.
Narito ako ngayon sa isang eskinita. Hindi pamilyar 'tong lugar na 'to sakin nang may nakita akong palasyo. Binilisan ko ang paglakad at sinubukang pumasok.
Pagkapasok ko roon ay bigla akong napanganga sa ganda. Ang ganda na nga sa labas, pero dito sa loob mas maganda pa sa inaasahan ko. May nakita akong trono, may mahabang hagdan roon na magarbo, kumikinang at puno ng bulaklak sa bawat hawakan.
Pumunta ako sa hagdanan, sinubukan kong umakyat pero pagka hakbang ko palang sa isang step ay may boses akong narinig.
"Silencio"
Tumingin ako sa likod ko ngunit wala naman akong nakita. Sinubukan ko ulit umakyat sa ikalawang step, pagkahakbang ko ay may boses na naman. Iyong boses din kanina.
"Silencio"
Tumingin ulit ako sa likod ko ngunit wala pa rin akong nakita hanggang sa biglang may humawak sa paa ko at hinihila ito.
Sinubukan kong tignan kung sino ang humihila ngunit bigla nalang namatay ang mga ilaw pati ang kinang ng mga bagay kaya ang nagawa ko nalang ay sumigaw.
"T-tulungan n-niyo ako! T-tulong!"
"Kahit sumigaw ka pa diyan, walang makakarinig sa iyo, at isa pa, hindi ka na makakabalik sa mundo n'yo!" tumawa pa siya ng malakas gaya ng isang witch.
Umalingawngaw sa buong palasyo ang tawa niya kaya sobra ang takot at nginig ko. Hindi ko alam ang gagawin ko nang...
"KAIRI! gising!"
Napabalikwas ako sa pagkakahiga nang marinig ko ang boses iyon ni Zi. Hingal na hingal ako habang lumuluha.
Tinignan ko siya at nakita kong nag-aalala siya.
"Okay ka lang ba, Kairi? Narinig ko kasing umuungol ka kaya pinuntahan kita at baka ay binabangungot ka." alala niyang sabi.
"M-may nagsabing hindi na raw ako makakabalik sa mundo natin." iyak ko.
"Shh, makakabalik din tayo." niyakap niya ako ng mahigpit. Habang nakayakap siya sa akin ay pinunasan ko ang luha ko at nakita ko si Clyde sa pintuan, ngunit nang makita niya ako ay agad siyang umalis.
Nang inilayo ako ni Zi sa kanya ay luminga-linga ako sa paligid.
"Asan tayo?" tanong ko.
"Nasa Labelone na tayo. Nakatulog ka kasi sa likod ko kay--"
"Sa likod mo? Akala ko kay--"
Ginulo niya ang buhok ko. "Sa hinaba-haba ng nilakbay natin ay nakatulog ka kaya nung napagod si Clyde ay ako naman ang bumuhat sa 'yo hanggang sa makapunta tayo rito."
"Asan sila?"
"Nasa labas sila. Punta lang ako sa kanila. Diyan ka lang muna, 'wag ka muna lalabas, pahinga mo muna ang paa mo." Hinalikan niya ako sa noo bago umalis.
Hinawakan ko ang noo ko. Bakit kailangan niya akong halikan? Ano ibig sabihin?
Ibinaling ko na lang sa iba ang iniisip ko, nakita ko ang kwartong ito ay punong-puno ng magagandang bulaklak na animo'y parang garden.
Bumaba ako sa kama at pumunta sa bintana. Binuksan ko ito at nakita ko ang iba't ibang nilalang na kagaya ni Iceandra.
Nakita ko si Clyde mukhang paalis siya, hindi ko alam kung saan pupunta.
Hindi ko alam pero kusang gumalaw ang mga paa ko at sinundan siya. Ngunit nang makahalata siyang may sumusunod sa kaniya ay nagtago ako sa isang puno.
Ano ba 'tong ginagawa ko?
Sinundan ko pa siya at nagtago ulit sa isang puno ng makaramdam siya at natagpuan ko ang sarili kong nasa isang lugar din na puno ng bulaklak.
Nagulat ako nang bigla siyang umimik. "Lumabas kana riyan, alam kong kanina mo pa ako sinusundan."
Wala akong nagawa kundi lumabas habang nakayuko.
"Bakit mo ako sinusundan?" tanong niya.
"A-ano k-kase--"
"Ayos na ba ang paa mo?"
"Ha?"
"Mukhang ayos na ang paa mo." tinignan niya ang paa ko. "Mukhang epektibo ang gamot na inilagay kanina ni Avri."
Magsasalita na sana ako nang magsalita siya ulit.
"Bumalik ka na roon, tigas din ng ulo mo e." utos niya bago sumipol sa hangin.
Biglang may dumating na isang malaking makulay na ibon malapit sa amin. Hinaplos ito ni Clyde at ngumiti. Ngayon ko lang siyang nakitang ngumiti ng ganito.
"Bakit hindi ka pa umaalis?" tanong niya sa akin.
"Uhm..aalis ka ba?" tanong ko habang nakayuko.
"Oo." malamig na sagot niya.
Nabigla ako nang hawakan niya ang kamay ko at inilagay sa likod ng ibon at hinaplos ito. Nadisappoint ako nang bitawan niya ang kamay ko.
"Haplusin mo siya, gustong-gusto niya ang hinahaplos." sabi niya.
Hinaplos ko ito at humuni ito ng maliit na tweet tweet. Napangiti ako dahil doon.
"Pana." tumingin ako kay Clyde pero sa ibon siya nakatingin kaya tumingin din ako roon. "Pana ang pangalan niya, natagpuan ko kasi siya noon sa isang kagubatan na puno ng pana ang likod, nahirapan ako dating tanggalin at gamutin ang likod niya pero buti nalang tinulungan ako nila Avri." mahaba niyang paliwanag tungkol sa ibon.
"May kasama ba siya?"
"Wala. Saka nakakagulat nga e kasi kahit madami ang panang tumama sa kanya e buhay pa rin siya ng datnan ko. Napaka strong." paliwanag ulit niya.
Ngumiti ako at hinaplos si Pana. "Pareho pala tayo, Pana. Kahit puno na ang katawan ko, isip, at puso ng masasakit na salita, nakakaya ko pa ring mabuhay."
Napansin kong tumingin sa akin si Clyde.
"Nga pala, next time ka nalang sumakay. May pupuntahan kasi ako. Diba gusto mong lumipad?" tanong niya.
Napatitig ako sa kanya dahil sinabi niya at nginitian ko siya ng malawak.