KAIRI'S POV
Maaga akong nagising, nakita ko si Iceandra sa paligid kaya agad ko siyang nilapitan. Tinanong ko if pwede kaming maglibot-libot sa lugar na 'to, ang Labelone.
"Maganda?" tanong niya. "Maganda ba ang lugar namin?"
"Oo, sobrang ganda. Tila totoong lugar ito." mangha kong sabi habang nakatingin sa mga bulaklak.
Napansin kong ngumiti siya ng malungkot. Bakit kaya?
"Halika may ipapakita ako sa 'yo." sabi niya. Dumaan kami sa isang makitid na daan. Pagdating namin sa isang lugar na puno rin ng bulaklak ay nalungkot ako sa nakita ko.
"Kung namangha ka kanina sa ganda ng mga bulaklak roon, may nakatago rin ditong hindi na naalagaan, kumbaga nalanta na sila." malungkot na sabi ni Iceandra.
Hinawakan niya ang isang lantang bulaklak. "Alam kong alam mo na may nangyaring hidwaan noon dito sa mundo namin at sa mundo ninyo, hindi ba?"
Naalala ko ang sinabi ni Abraham dati. Sabi niya ang Gracean daw ay tungkol sa nawawalang anak ng Mahal na Hari, ang kanyang anak at asawa ay tao, sinugod ng mga taga-Gracean noon ang mga tao ngunit wala silang napala.
Sasabihin ko sana ang nalalaman ko ngunit napansin ko ang buwan sa itaas, nakita ko na naman ang babae sa loob nito. Sino kaya iyon? Iyon kaya ang simbolo ng nawawalang anak ng Mahal na Hari?
"Ahm, Iceandra, nakita ko kasi yung buwan, nacu-curious ako sa babae sa loob nito, ayon ba ang simbolo ng nawawalang anak ng Mahal na Hari? Saka asan ang Mahal na Hari parang gusto ko siyang makilala at baka matulungan ko kayo." mahaba kong tanong.
Umiling-iling siya. "Tulungan? Matutulungan mo kaya ang hari e isa ka lang naman tao? Paano? Saka sa tanong mo about sa buwan, oo, si Grace yan, ang nawawalang anak ng Hari. Nais ng Mahal na Hari na ilagay sa buwan ang simbolo ng kanyang anak upang malaman ng lahat na kung gusto naming tumaas ang aming rank ay dapat naming hanapin ang nawawala niyang anak sa mundo ng mga tao."
"Dahil sa mga sinasabi mo, mas lumalakas ang loob kong malaman ang buong katotohanan ng Gracean at matulungan kayo, baka lang may maitulong ako." tumingin siya sa akin ngunit walang ekspresyon ang kaniyang mukha. "Alam mo bang ang daming tanong sa utak ko. Like kung ano ang dahilan bat hinihigop ako ng rosas papunta rito? Bakit ko iyon nakita? Bakit ko napapanaginipan tong mundo ninyo? Bakit nananaginip ako na may gustong pumatay sa 'kin, bakit ako ang target nila?"
"May gustong pumatay sa iyo, sabihin mo sa akin kung ano ang itsura niya."
"Hindi ko nakita ang mukha niya. Madilim kasi ang paligid. Sabi pa niya, hindi na raw ako makakabalik sa mundo namin." sabi ko. Tinignan ko siya at parang hindi siya mapakali, inintertwine niya ang kanyang dalawang kamay habang luminga-linga sa paligid.
Hinawakan niya ang wrist ko. "May ibang nilalang na nakamasid sa atin, kanina ko pa siya napapansin."
"Ibang nilalang?"
Hinipan niya ang kamay niya at may lumabas na pana. Pagkatapos ay tinaas niya ito at bigla na lamang napuno ng mahika ang paligid ko.
"Shield barrier?"
"For your protection." sabi niya.
Agad na may mga panang tumutusok sa barrier ko. Tinatamaan naman ni Iceandra kung saan nanggagaling ang mga pana. Ngunit dalawang segundo lang ay natamaan siya sa balikat.
Kailangan ko siyang tulungan. Naalala ko kapag mas dumami ang pana sa katawan ay baka hindi na siya makaalala. Pero paano ko siya matutulungan?
Nakita kong lumalaki ang c***k sa barrier ko. Sinuntok suntok ko pa ito at lumaki ng lumaki. Napangiti ako.
"Wag mo 'yan sirain, tao." tumingin ako sa nagsalita at nakita ko si Abraham.
"Ikaw?" nginitian niya ako. "Wag mo sirain iyan, ako na ang tutulong kay Iceandra, tao." nakita siya ni Iceandra at bumaling agad sa pagpapana.
Hinipan ni Abraham ang kamay niya at lumabas roon ang isang napakahabang machete. Itinurok niya ito sa lupa at bigla na lamang gumulong gulong papunta sa amin ang isang lalaking may hawak na pana. Duguan ito at halos hindi na humihinga.
Kasabay ng pagbagsak ni Iceandra ay ang pagkatanggal ng shield barrier sa paligid ko.
"Iceandra!" Sigaw ko. Nilapitan ko siya agad.
Binuhat siya ni Abraham at sinabing dadalhin daw namin siya kina Avri upang magamot.
Pagdating namin doon, ay sinalubong kami ni Avri at Zi na may halong alala. Kasunod nila si Clyde na seryoso ang mukha.
Nagbago ang ekspresyon nila nang makitang buhat ni Abraham si Iceandra.
"Iceandra anong ginawa mo kay Kairi!" nagbago ang kulay niya. Ngayon ko lang siyang nakitang ganito.
"Kumalma ka, Avri. Wala siyang ginawa sa 'kin. Siya ang may sugat, kailangan mo siyang gamutin upang hindi umepektib lalo ang sumpa sa kanya." pagkasabi ko nun ay pinahiga ni Abraham si Iceandra sa kama at agad siyang ginamot ni Avri ngunit ganun pa rin ang kulay niya.
Tahimik kaming nakamasid kay Avri habang ginagamot si Iceandra. Lumapit sa akin si Zi.
"Ayos ka lang ba, Kairi? Hindi ka ba sinaktan ng lalaking iyon?" Tanong niya.
"Ayos lang ako, siya ang nagligtas sa amin ni Kairi sa lalaking gustong pumana sa akin." paliwanag ko.
"Sorry, wala ako doon to protect you. Sabi ko pa naman ay poprotektahan kita." malungkot na sabi niya.
I hold his shoulder. "Ano ka ba? Since nung hinigop ako nang rosas papunta rito at nung nakilala kita, pinagtanggol mo na ako, diba nga sinalo mo yung pana na para sa 'kin?"
Hindi siya sumagot. Napatingin ako kay Clyde sa pintuan na nakatitig sa kamay kong nakahawak sa shoulder ni Zi. Lumabas ito.
Akmang tatayo ako nang pigilan ako ni Zi. "Saan ka pupunta?"
"Magpapahangin lang." sinungaling kong sagot.
"Mag-ingat ka." tumango ako at bago ako lumabas, tumingin sa akin si Abraham saka ngumiti at yumuko. Nginitian ko siya pabalik at lumabas na.
Hinanap ko si Clyde. Nakita ko siya sa kung saan ko siya nakita kanina.
"Ngayon alam mo na, na napapahamak ang iba kapag andyan ka."
"Sorry." yumuko ako.
"Bukas na bukas rin ay pupunta tayo kina Sin upang matulungan kayong makabalik sa mundo ninyo." tumango nalang ako. "At kapag nakabalik kana sa mundo ninyo, pwede bang huwag ka ng lumapit sa rosas upang hindi ka na makapunta rito?" seryosong utos niya.
"Bakit parang ayaw mo sa presensya ko, Clyde?" nangingilid na ang luha ko.
"Dahil isa kang tao, at naninirahan ka sa mundo ng--"
"Mga tao? Sa mundo na kinamumuhian ko? Sa mundo na ipinagkakait sa akin ang lahat? Sa mundo ng puno ng sakit? Sa mundo na ang tingin ng lahat sa akin ay salot, pabigat, at walang kwenta? Sa mundo na puro nalang lungkot?" umiiyak kong sabi. "Hindi mo alam ang buhay ko roon, kaya wag na wag mo akong sasabihan ng ganyan. Dito lang ako sa Gracean nakaranas ng saya, walang sakit at walang pinoproblema. Wala kang alam sa pinagdaanan ko!"
Iniwan ko siya roon. Hinayaan ko ang paa ko kung saan ang gusto niyang puntahan. Basta ang alam ko lang ngayon ay gusto kong mapag-isa. Ang sakit-sakit.