BLACK

247 Words
Chapter 5 black "Sorry nakaidlip. Pagod from work eh. " Message mo. "Ok lang. Cge rest ka na... Gud nyt" reply ko. Sige na magrest ka na pagod ka na sa kin... Ang reply na nasa isip ko. Binaba ko ang cp sabay hawak sa dibdib ko na muli na namang nakaramdam ng sakit. " I love you" sunod mong text. Kahit gustong gusto ko marinig mula sa yo yan. May kaakibat na nakatanungan sa utak ko kung totoo pa ba nga yan nararamdaman mo, dahil kahit matamis ang salita mo na yan may pait akong nalalasahan. Ilang mensahe pinagpalitan natin mula ng pagbigyan mo ko sa aking kahilingan. Ilang kamusta, ilang pag-alala sa dating tayo, pgbuo ng pangarap magkasama ulit. May oras malambing ka pero kadalasan ramdam ko ang pag-iwas mo. May bigat ang tugon sa bawat mensahe ko. Urong-sulong ang utak mo. Naguguluhan. Alam ko dahil ganyan ako dati. Naninimbang sa pagmamahal at tama. Ako na lang ang nakahawak. Ako na lang pumipilit sa tayo. Wala na nga espasyo sa puso mo para sa kin .Awa na lang nadarama mo. Mga katotohanang pilit ko winawaksi. Hindi na tayo ang dati. Kagaya ng black coffee- puno na tayo ng pait. Gusto ko pa sana duktungan ang tayo. Gusto ko pa sana hanggang dulo kasama ka.. Mahal kita pero nasa dulo na tayo at nag-iisa na lang ata ako. Sa pag pikit ng mata, isang dasal ang binulong- matutunan ko sana bitiwan ka na. "Tara kape tayo"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD