BARAKO - 1 MORE CUP

312 Words
Chapter 7 Barako part 2 Nagawa mo ako iblock sa sss pero hindi ang tawag at text ko. Nagkasundo tayo mag usap sa huling pagkakataon. "Paalam mahal na mahal ko. Soul mate ko. " Paalam ko sa yo pagkatapos nating mag-usap para isara ang pintuan natin. Kinailangan ko lunukin ang pait. Tiisin ang sakit para pakawalan ka at kahit takot na takot ako mawala ka kinailangan ko maging matapang. "Paalam my greatest love" yan huli mo message bago tuluyan iblock ako. Sa mga oras na yun alam ko na kahit ano ang gawin ko wala na ako paraan para tumakbo pabalik sa yo. Sarado na ang pinto at mga kalsada patungo sa yo. Ibinaba ko ang cellphone ko, inakap ang puso ko na nuon punong puno ng sakit. "Ang daya ng buhay" Nagtago ako saka ko inilabas ang mga luha na pilit ko pinigilan mula sa pagdaloy. Hawak ang dibdib ko na para sasabog sa sakit, nilunod ko sa luha ang sarili. Walang makakaalam na nagdurusa ako kundi ang 4 na pader ng silid. "Ang daya daya ng buhay" muli ko sambit. Mahal na mahal natin ang isat isa pero hindi pwede. Mahal natin ang isat isa pero may hangganan. Mahal natin ang isat isa pero ayaw umayon ng tadhana. Pinagkait na sa tin ang pagkakataon magkasama, pati pagluluksa ko sa tuluyang pagbitiw mo ipinapagkait din. Mamaya lalabas ako ng silid na ito , walang bakas ng pagguho ng mundo ko. Walang magiging bakas parang tayo. Ramdam ko ang tunay na pagmamahalan natin pero para sa mundo isa itong huwad. Mayroong tayo pero wala bakas. May storya tayo pero wala makakabasa o makakarinig. Mayroong tayo pero sa mundo wala. Ikaw ang gusto ko kasama sana habang buhay pero ang lungkot dala ng pagkawala mo ang magiging kasama ko. Hindi na maghihilom pa ang sugat. Ang daya ng buhay. "Tara kape tayo "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD