Pagka-uwi ko galing Central ay dali-dali akong naglinis ng katawan at nag skin care. Nagsuot lang ako loose shirt at dolphin shorts. Kinuha ko ang aking laptop at tinignan kung nai’send na ba ni Jerry ang hinihingi kong file. Pagkatingin ko sa aking sss ay nandoon na ang hinihingi ko. Binuksan ko ang aking phone at nag’chat kay Jerry.
“Tinitignan ko na yung file, pagdating talaga sa graphic designing lodicakes na talaga bakla. Ikaw na lang kaya gawin kong boyfriend.” Natatawa kong pinindot ang send button. Paniguradong abot hanggang langit na naman ang pandidiri nito sakin.
“EW! JUST EW LORRAINE! Alam ko naman na pinanganak akong maganda at talented but sorry ayoko ng pechay. Di ako vegetarian” nang mabasa ko ang chat ni Jerry sakin ay humagalpak ako sa tawa.
“HAHAHAHAHAHA Oh my God!” tawa pa rin ako ng tawa habang may ginagawang modifications sa ginawa ni Jerry.
Hindi naman ako nagtagal mag modified ng commission na ito dahil knowing Jerry, ginawa na niya ito ng masinsinan. I took a picture of it and send it to Jerry.
“Here is the final format bakla! FINALLY I CAN GET SOME SLEEP! See you in my dreams baby Jerry, sana naman this time may s*x nang kasama HAHAHAHA” natatawa ko itong sinend kay Jerry dahil panigurado putok na naman ang fuse niya sakin. Agad rin naman niya itong nabasa at nag reply.
“EW! LORRAINE RICAFORT ISA PA TALAGA AND I’M BLOCKING YOU, ITATAKAS KO TALAGA PERA NATIN AT HAHAYAAN KANG MAGING HAMPAS LUPA FOREVER” Halos maubusan ako ng hininga kakatawa sa sinabi ni Jerry at nagulat ako nang biglang sumigaw si Kuya Rin.
“PUNYETA RAINE! KUNG DI KA MATATAMIK DIYAN, PAPATAHIMIKIN NA KITA HABANG BUHAY” sigaw ni kuya, s**t baka nag re’review siya for his board exams.
“Sorry Kuya! Imma go to sleep na, labyu” sigaw ko pabalik kay kuya.
Inayos ko na ang aking laptop at dumiretso na sa aking kama. Nagcheck muna ako ng aking social media at naalala ko bigla yung lalaking nakita ko sa Central. Pinindot ko ang aking search button at tinype ang “Charles” Shuta naman to si Veronica di nga pala nasabi buong pangalan.
Ang daming lumabas na Charles ang pangalan pero ni’isa don ay wala ang hinahanap ko. Naisip ko na bumisita sa profile ni Veronica dahil since same school sila sa tingin ko ay friend sila sa f*******:. Tinignan ko ang friend list niya at hinanap ang Charles na pangalan. May lumabas doon na profile na ang pangalan ay “Jaden Rivera (Charles)” Pinindot ko ang profile niya at nakita ko na siya ang profile picture nito. Nakita ko na may mutual friends kami, wow small world talaga.
“Bingo!” sambit ko. Binisita ko ang wall niya pero halos wala akong makita kundi birthday greet from the previous years, grabe private na private. Dahil di na uso ang pagiging “Maria Clara” ay nag send ako ng friend request. Nakaramdam din ako ng antok kaya napagpasiyahan ko na bukas ko na titignan kung ia’accept ba niya o hindi ang friend request ko. Chinarge ko muna ang aking phone at natulog.
Kinabukasan ay maaga akong nagising. 5:30 a.m pa lang at mamaya pang 8:00 a.m ang first class ko since tuesday ngayon. Kinuha ko muna ang aking laptop at tinignan kung mga inquiries ba sa advertising commission namin. Nagsagot lang ako ng mga inquiries, updates at questions ng mga clients at possible clients. Halos isang oras din akong nakatutok kaya napagpasiyahan ko nang bumangon. Naghilamos ako ng mukha at nagmumog. Bumaba ako at tinignan ang munti naming kusina kung may almusal na.
Nakita ko na may toasted bread at scrambled egg na nakatakip sa lamesa. Umupo ako sa dining table at nagsimula nang kumain. Habang nakain ay chineck ko ang social media accounts ko. May mga walang kwentang nag wave na di ko naman kilala at mga maiingay na group chat. Tinignan ko muna ang group chat namin sa isang major subject. Nakita ko na nag announce ang president namin sa subject na iyon.
“Mr. Santos would not be able to attend today’s class. Gamitin na lang daw ang oras niya para gawin ang final project sa kanya at titignan daw niya next meeting kung nausad na daw tayo” sumunod doon ay ang mga chat ng mga blockmates ko na nagdidiwang dahil kahit isang buwan pa bago ang deadline ay feeling namin ay nag ca’cram na kami. Mamayang 2:00 p.m pa ang next class ko at 6:00 p.m naman ang uwian.
Mukhang mahaba-haba ang oras ko ngayon para ayusin ang final project ko ah. Umakyat muna ako saglit para kunin ang laptop ko kung nasaan ang ineedit kong final project, nagpuyod na rin ako ng buhok dahil ang init talaga sa bahay na ito. Nilapag ko ang laptop sa dining table dahil dito ako nagbabalak gumawa, tumungo ako sa kusina para gumawa ng iced coffee, kahit gusto ko man mag mainit na kape ay sa tingin ko ay di pa naman ako ganon kademonyo para uminom pa ng mainit gayong sobrang init sa bahay.
Pagkatapos kong gumawa ng iced coffee ay umupo na ako sa harapan ng laptop ko para magawa na ang kailangan gawin. Binasa ko ang sticky note na nakadikit sa may giilid ng laptop ko na may nakasulat na “BAWAL TATAMAD-TAMAD KUNG AYAW MAGING HAMPAS LUPA FOREVER” Di naman kase talaga kami mayaman, may kaya lang. May bahay, nakakakain ng tatlo o minsan higit pa at nakakabili ng mga luho paminsan-minsan. Kaya rin pinush ko itong small business ko para kahit papano ay may sarili akong pera at hindi na asa kay Daddy. Si Kuya Rin naman ay pinamanahan ng mommy niya ng napakalaking pera. Mayaman kasi ang side ng mommy niya at alam ko ay may business rin. Madalas ay doon siya sa mga lolo’t lola niya natuloy. Ayaw rin kasi ako kwentuhan dahil baka daw magpalibre ako ng magpalibre na lang sa kanya. Napakakuripot talaga. Ang mommy ko naman kakamatay lang last four years ago dahil nagkakomplikasyon siya sa puso. Buti nga at matatag si Daddy dahil nakayanan niya na mawalan ng dalawang babaeng minahal niya, pero paminsan-minsan ay nakikita ko siyang umiiyak sa may lanai namin.
Kaya hangga’t maari ay ginawa ko ang best ko para sa kanya. Dahil siya at si Kuya Rin na lang ang meron ako. Matagal-tagal na rin akong nakaupo dito nang marinig ko ang sasakyan ni Kuya na pumarada, galing siguro sa basketball kasama si Kuya Troy. Pinagpatuloy ko lamang ang pag gawa ko at naririnig ko ang ilang boses na papasok na sa bahay. Siguro mga kalaro iyon ni kuya, di na ako nag abala para mag ayos dahil madalas ko na naman sila makita at wala naman silang pake kung dugyot ako ngayong araw.
Pagkapasok nila ay binati ako ni Kuya Rin. Lumapit siya sakin at ginulo pa ang buhok kong magulo na.
“ Wala kang pasok?” sabi ni kuya at sinilip ang ginagawa ko. Ang mga tropa ni kuya ay kanya-kanyang upo na sa sofa, nakikita ko sila dahil halos magkatapat lang ang sala at dining area namin.
“Wala, kaya ginagawa ko muna itong final project ko.” Uminom ako ng iced coffe at pinagpatuloy ang ginagawa ko. Ang mga tropa ni kuya ay maiingay pa rin at nangunguna na si Kuya Troy dito.
“Hoy Troy manahimik ka nga! Baka madistract si Raine sa ingay mo” sabi ni kuya at tinawanan lang siya nito. Nagulat ako nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang isang lalaki na bago sa paningin ko.
“ Oy Jaden, tagal mo naman” sabi ni kuya Troy.
Biglang naisip ko si Charles, yung in’stalk ko kagabi. Puta naman, sana naman kapangalan lang. Dahan-dahan akong sumilip at nakita ko ang lalaking naka pang basketball outfit.
“Need to drop off Jace kay Ate” sabi ni Jayden. Bigla siyang lumingon sakin. Nakatitig ako sa kanya at nakita niya iyon kaya napakunoot ang noo niya. Buti na lang ay hinila na siya ni Kuya Troy sa sofa.
Punyeta naman, ba’t ngayon pa kami nagkita kung kailan ang dugyot ko!
Bigla akong tumayo at nagulat si kuya don. Dali-dali akong umakyat at sa may kitchen ako dumaan dahil may access don. Bad shot naman! Nagmadali akong naligo at nagbihis, kila Jerry nga muna ako tatambay. Buti na lang at nabitbit ko ang aking phone. Nag chat ako agad kay Jerry na doon muna ako tatambay. Pumayag agad siya dahil wala din naman daw siyang kasama sa bahay nila.
Sa University na pinapasukan ko ay walang uniform, kahit ano pang suot mo ay pwede. Nagsuot square pants at nagsuot ng fitted na white shirt. Kumuha na rin ako ng sweater dahil sa kung gaano kainit sa bahay ay sobrang lamig naman sa room. Nilagay ko iyon sa aking backpack. Nag ayos ako ng mukha, aba syempre dapat lowkey fresh ako kahit sobrang stressed na. Nagsuot na ako ng sapatos at dali-dali nang bumaba. Naabutan ko ang mga tropa ni kuya na pinagkakaguluhan ang laptop dahil pinag yayabang ni kuya kung gaano kagaling ang kapatid niya. Pero si Jayden ay busy sa kanyang cellphone, ay wow di man lang sinilip gawa ko.
“Oy akin na nga yan, masira niyo pa yan.” Kinuha ko ang laptop ko at sinave ang file.
“Oo nga, sensitive pa naman yan sa mga panget. Kayo talaga” sabi ni kuya Troy. Isa-isa siyang binatukan ng mga kabigan nila. Natatawa kong tinago ang laptop sa aking laptop. Lumapit sakin si Kuya Rin at nag tataka dahil nakabihis na ako.
“Akala ko wala kang klase ngayon?”Tanong sakin ni Kuya. Bumaling ako sa kanya at sinukbit ang bag ko.
“Emergency lang sa commission, kaya pupunta muna ako kina Jerry” kahit ang totoo naman ay nahihiya lang talaga ako sa bagong bisita ni Kuya.
“Sakto pala, pauwi na rin si Jayden at same sila ng subdivision ni Jerry. Oy Jayden, sabay mo na tong si Raine ha!” ay depungal, kaya nga ako aalis dahil nahihiya ako don. Tumungo si Charles na senyales ng pagpayag niya. Kinurot ko si kuya sa tagiliran pero mahina lang.
“Luh kuya wag na, nakakahiya” pinitik ni kuya ang noo ng napakalas kaya napahawak ako doon.
“Aray ko naman!” sabi ko habang sinasapo ang noo ko.
“Kelan ka pa natutong mahiya, sige na sumabay ka na. Sayang pamasahe” tumayo na si Jayden at tinulak ako ni kuya.
“Come on, let’s go. “ sabi ni Charles. Kinuha ni Kuya Rin ang bag ko at pilit na hinatid sa tapat ng sasakyan ni Charles. Pumasok na sa driver’s seat si Charles at binuksan ni kuya ang front seat.
Tinulak ako ni kuya kaya napaupo ako. Bumaling si kuya kay Charles.
“Pakiingatan to ha, tanga pa naman madalas yan. Sa may Georgia street lang yan. Ibaba mo na lang sa kanto” sabi ni kuya. Grabe ang kapal talaga ng mukhan nitong kuya ko.
“Kuya naman, parang tanga.” Sabi ko.
“Bye Raine!” inabot ni kuya ang bag ko at sinarado na ang pinto. Pinaandar na rin ni Charles ang sasakyan.
So much sa pag iwas Raine. Nice!