Para akong tuod na nakaupo sa front seat ngayon, nyeta talaga si Kuya Rin! Patay talaga siya sakin mamaya pag uwi. Para akong mababaliw sa sobrang katahimikan.
“I think I haven’t introduce myself formally, I’m Raine” sabi ko sabay tingin sa kanya at ngumiti.
Di man lang ako tinignan, mukha akong tanga na naka ngiti sa kawalan.
“Charles Jayden” sabi niya habang nakatingin pa rin sa daan.
Tahimik naman nito, bahala na nga andito na e.
“Sorry sa kapatid ko ah, naabala pa ata kita. Buti naging kaibigan mo yun e napaka balahura non” sabi ko.
Tumungo lang si Charles sa sinabi ko. Hirap naman kausap nito, delivered zoned lagi. Pero kahit ganoon ay dumaldal pa rin ako, dami kong sinabi kahit alam kong wala naman siyang pake.
“Ang tahimik mo no, pano mo nagagawa yan? Feeling ko kapag ako di nagsalita, mapapanisan ako ng laway.” Patuloy kong pagsasalita. Aba’t di pa rin ako pinapansin.
Nakarating na kami ng subdivision at hininto na niya ang sasakyan sa kanto ng Georgia Street. Kinalas ko ang belt ko at bago bumaba ay bumaling ako sa kanya.
“Thank you! Thank you sa abala. Joke” tumingin lang siya sakin at tumungo. Pagkalabas ko ng sasakyan ay pinaandar niya agad ang sasakyan.
“Ay sus napakasuplado naman, ok lang gwapo ka naman” natatawa kong sambit bago mag doorbell sa bahay nina Jerry.
Nakatayo ako sa harap ng gate at naririnig ko na paparating na si Jerry.
“Ano ba yan kahit bagong ligo ka Raine, mas maganda pa rin ako” bungad ni Jerry sakin. Pumasok na ako sa loob at inakbayan ko si Jerry.
“Ayaw mo ba talaga na ako maging girlfriend mo? Pwede kitang paliguan ngayon” biglang kinalas ni Jerry ang braso ko habang bakas na bakas sa mukha niya ang pandidiri sa sinabi ko.
“Mukha ba akong aso ha? Alam mo kung magkakalat ka lang lumayas ka na dito” sabay tulak sakin. Tinawanan ko na lang siya, kahit kailan talaga to nakakatuwang pikunin.
“To’ naman! Tara na nga” dumiretso na ako sa sala nila at umupo sa sofa. Mayaman naman kase talaga ang pamilya ni Jerry at suportado siya dahil nag-iisang anak.
Kinuha ko ang laptop ko at pinagpatuloy ang ginagawa ko kanina. Umakyat si Jerry para maligo at mag palit. Maya-maya ay nagulat ako nang bigla itong agawin ni bakla.
“Ano ba! Di ko pa na sa’save yun.” Umayos ako ng upo at nakita ko na iba ang ngiti ni Jerry.
“Maalala ko lang, Chika! Nakita ko kanina, hindi yun kotse ng kuya mo” nangunguhulugang sabi ni Jerry sakin.
“ Ay speaking of! Remember kagabi? Sa Central, yung sinabi kong target ko? Shuta sis kaibigan pala ni kuya. Bagong frenny ata ngayon ko lang nakita e.” Sabi ko habang kinukuha yung laptop. Mai’save muna ito bago pa mahuli ang lahat.
Bigla akong hinampas ni Jerry na kinikilig.
“Ang bilis mo talagang loka ka! Ano in’add mo na ba yun?” sabi sakin ni Jerry. Bigla kong naalala na nag send ako kay Charles ng friend request kagabi. Dali-dali kong kinuha ang phone sa aking bag para i’check ito.
“Nahanap ko na account non kagabi, nagsend ako ng friend request di ko lang alam kung in’accept na” sabi ko kay Jerry habang tinitignan ang phone ko. Pumunta ako sa f*******: app at binisita ang wall niya.
“Ay ligwak sis, hindi pa” sabi ko at napanguso. Arte naman.
Isasara ko palang aking phone ng biglang may tumunog na notification, at nang tignan namin iyon ni Jerry ay bigla kaming sumigaw at nag hampasan.
“Ay puta sis! Eto na ang start nito!” sabi ko. Hinawakan ni Jerry ang balikat ko at yinugyog.
“Chat mo na girl!” sabi niya.
“Tangek, pakipot muna tayo ng ilang days para di halata na malandi. Charot!” natatawa kong sabi. Tinignan namin ni Jerry ang wall niya at nakita namin halos mga tagged photos lang ang nandoon.
“Boring naman ng buhay nito.” Sabi ko. Napadaan kami sa isang post, isa itong video na last week lang nai’upload. Mukha itong isang party, pinanood namin at nakita namin si Charles na lasing ata habang nakikipag sayaw sa isang magandang babae. Sobrang lapit nila.
“Puta sis ekis, may jowa ata” sabi ni Jerry. Pinagpatuloy ko ang panunuod at nakita ko na ibang-iba ang Charles sa video sa kinakausap kong Charles kanina. In’exit ko na ang wall at pinatay ang aking phone.
“Ano ba yan, target locked pa naman ako doon.” Nanghihinayang kong sinabi ko kay Jerry.
“Sis, hanap na lang tayo. Sa school ni Veronica daming papabels na may datung” natatawang sabi ni Jerry sakin.
“Tara na nga at gawin ang final project, nang mabawasan yung gawain natin” sabi ko kay Jerry. Tumayo si Jerry at kinuha ang laptop niya, ganon din ang ginawa ko. Nagdala din siya ng snacks at gumawa siya ng legendary iced coffee dahil alam niya doon ako kumukuha ng sipag gumawa.
“ Je, di ka naman kasing hampas lupa ko pero ba’t nagtitiis ka sa small business natin?” tanong ko kay Jerry. Bumaling siya at nagkibit balikat.
“Ayoko naman kase magpakasasa sa pera ng magulang ko. Pera nila yun, siyempre kapag dating sa luho ko mas masarap sa feeling kapag sariling pera. You know that” natatawang sabi ni Jerry habang patuloy na ginagawa ang final project niya sa laptop niya.
“Sabagay sis” sabi ko at napanguso na lamang. Pinagpatuloy ko na ang ginagawa ko.
Pagdating ng ala una ay kumilos na kami ni Jerry.
“ Dalhin ko na lang yung kotse? Ang init te” sabi ni Jerry.
“ Ikaw bahala, kala mo naman napakaganda ng kutis mo” natatawang sabi ko, pabiro akong sinabunutan ni Jerry kaya lalo akong natawa.
“Bruha ka talaga! Maglakad ka sa initan bahala ka diyan” sabi ni Jerry. Yinakap ko si Jerry at bumaling ako sa kanya.
“To’ naman! Lika na nga” Binuksan ko ang gate at inantay ko na ma’ilabas ni Jerry ang sasakyan niya. Minsan lang niya ito dalhin at isa ito sa mga araw na to. Nang mailabas niya na ito ay sinarado ko na ito at ni’lock dahil binigay sakin iyon ni Jerry kanina.
Pumunta na ako sa sasakyan at binuksan ang front seat, sumakay na ako dito at nangalikot para makapag patugtog. Maraming beses na rin akong nakasakay dito kaya di na bago ito sa akin. Nilagay ko na rin ang bag ko sa back seat at pinaandar na ni Jerry ang sasakyan niya. Mayaman naman talaga to, sadyang ayaw lang niya na ipagmalaki iyon dahil parehas kami ng paniniwala. Mas maganda kapag sarili mong bulsa ang pinanggastos sa luho.
Wala pang 30 minutes ay nasa school grounds na kami. Dumaan muna kami ng Cafeteria dahil di pa kami nag lulunch. Umupo na kami at si Jerry na ang umorder ng pagkain namin, nadala siguro siya last time. Nung ako kase ang bumili ng lunch namin, malapit na ako sa lamesa ng bigla akong nadapa. Grabe nakapabad shot nung araw na yun. Buti na lang talaga may Jerry akong tagapagligtas, siya nga daw ang Wonderwoman sa buhay ko.
“Here, bilisan na lang natin” linapag na ni Jerry ang lunch namin at sabay na kaming kumain.
Katatapos lang ng isang subject at may one hour vacant kami ngayon, lumabas kami ng campus at nagpasama ako kay Jerry na pumunta kina Mang Jojo para magpaprint ng tarpaulin. Para di na hassle at ma’rush kung sa thursday ko pa ito dadalhin.
“Mang Jojo, I’m back!” masigla kong bati, sobrang bait kasi nito ni Mang Jojo. Para ko na siyang lolo, di ko naranasan yun dahil patay na ang lolo at lola ko both kina mommy at daddy.
“ Oh ganda, may papagawa ka ba ulit?” tumayo si Mang Jojo at sinalubong kami.
“Opo, tarpaulin” sabi ko.
“Joshua! Assist mo muna nga itong si Raine” tinawag ni Mang Jojo ang isang binata na dito rin nagtatrabaho.
Binigay ko ang flashdrive at binigay ang size at intstruction sa mga tarpaulin na ipapa’print namin. Marami-rami rin kasi iyon at may isang napakalaki. Pagkatapos ko makipag usap at bayaran ang tarpaulin ay pumunta ulit kami ni Jerry kay Mang Jojo para mag paalam.
“Mang Jojo, una na po kami. Mag ingat po kayo palagi at wag mag papagod ha. Sa sabado ko na po iyon babalikan.” sabi ko kay Mang Jojo, parehas kami nagmano kay Mang Jojo.
“O siya sige, kayo rin Raine at Jerry ay mag iingat ha” sabi ni Mang Jojo. Lumabas na kami ng printing shop at napagkasunduan namin ni Jerry na kumain muna ng street foods.
“Grabe! Namiss ko talaga kumain ng proven at chicken skin” sabi ko habang kinakain ang binili kong proven.
“Luh girl, parang di ka nakakain niyan ng isang taon” sabi ni Jerry habang kinakain ang kwek-kwek niya.
“Tse! Tara na nga, sa loob na natin ko kainin” pumasok na kami sa campus para antayin ang susunod na klase.
Katatapos lang ng klase at sobrang lakas ng ulan. Buti na lang ay dala ni Jerry ang sasakyan niya kaya nag offer siya na ihatid ako. Dumaretso kami ng parking, nag share kami sa iisang payong dahil di naman mahilig mag dala tong si Jerry. Hassle daw kasi. Arti much!
“Grabe kung gaano kainit kanina, biglang bagsak ng ulan ngayon” sabi ni Jerry habang nagpupunas ng dahil medyo nasa siya ng ulan. Ganon din ang ginagawa ko. Pagkatapos kong mag punas ay sinuot ko ang sweater ko na nasa bag ko kanina pa.
“Kaya nga, buti na lang talaga at may dala kang sasakyan. Panigurado ay basang sisiw na naman tayo” natatawang sabi ko. Naalala ko dati na parehas kaming walang payong at sobrang lakas ng ulan. Sumugod kami sa ulan para lang makapunta sa kotse ni kuya sa labas ng campus dahil nagpasundo kami. Ayun, kinabukasan parehas kaming absent dahil parehas kaming nilagnat.
“Ikaw te? Wala ka pa bang balak mag invest sa kotse? Laki na ng savings mo diba?” sabi ni Jerry habang pinapaandar ang kotse. Malaki na nga pero sa tingin ko, sakana kapag may well-established company na kami. Wala naman akong pinupuntahan na malayo.
“Sakana sis, wala naman akong pinupuntahan na malayo” sabi ko kay Jerry. Kinuha ko ang phone ko para i’text si Kuya Rin na pauwi na ako at wag nang sunduin. Kapag kasi naulan at automatic sinusundo niya agad ako.
Nakarating na kami sa tapat ng bahay at nakita kong nakaabang si Kuya na may bitbit na malaking payong. Pumunta agad si Kuya sa kotse at sinundo ako don.
“Bye Je! Ingat ka, chat me ok!” paalam ko kay Jerry.
“Of course, sige na baka lalo pang lumakas ang ulan. Sinarado ko na ang pinto ng kotse at pumasok na kami ni Kuya sa loob ng bahay.
“Si Daddy?” tanong ko kay Kuya dahil tuwing tuesday ay maaga ang uwi niya. Pero ngayon ay di ko siya nadatnan na nanonood ng t.v.
“Over time daw siya, hindi ba nagtext sayo?” umiling ako at dumiretso ng kusina para uminom ng tubig.
“Bakit kaya di na lang mag retire si Daddy? Scholar naman ako at kaya naman natin bayaran ang expenses sa bahay” sabi ko kay kuya. Malakas naman ang side hustle ko at knowing kuya alam kong marami siyang business pero di ko na iyon pinapakealaman.
“ Sinabi ko na sakanya yan, ayaw daw niyang maburyong dito sa bahay” sabi ni kuya habang nagluluto ng pagkain. Napakasimple talaga ni Kuya Rin, akala mo hindi magiging C.E.O ng company nila. Oo, nila. Dahil business iyon ng side ng mommy niya. Only child ang mommy niya at si kuya at nag iisang anak din kaya panigurado siya ang magmamana. Kung ano ang business ay wala akong alam dahil di naman namin iyon pinaguusapan.
“Magpapalit lang ako” sabi ko kay Kuya at dumiretso na sa kwarto. Naligo ako at nagbihis ng pambahay. Kinuha ko ang aking phone at nagcheck ulit ng mga inquiries at questions ng client namin. Yung iba ay nasagutan na ni Jerry kaya sinagutan ko na lang ang mga natitira.
Nagulat ako ng biglang may nag pop up na chat head.
“You forgot your handkerchief in my car”