It’s been a few days after Charles chatted me about my handkerchief. Sinabi ko na lang ibigay niya na lang kay kuya if magkikita sila or kung tatambay sila sa bahay after their basketball game. Sabado ngayon kaya naghahanda ako na pumunta sa printing shop dahil ngayon ipi’pick up ng tauhan ni Mayor ang mga tarpaulins na pinagawa. Nakasuot lang ako ng high waist shorts at white sando, siyempre ay may long checkered sleeves na pamatong. Nakasuot din ako ng white shoes para komportable. Nag ayos ako ng very light para naman presentable ako kahit papano. Magpapasama sana ako kay Jerry today kaso may family gathering sila. Bago ako bumaba ay nag text muna ako sa client namin kung sino ang magpipick up ng tarpaulins dahil madami-dami rin iyon. Nagreply din naman agad si Mayor kung sino ang kukuha non.
“ Goodmorning Ms. Ricafort, I’ll send my nephew to pick up the tarpaulins. Naka L300 siya. “
10 o’clock ang time of pick up namin, almost 9:30 na kaya bumaba na ko. Maagang umalis si Kuya Rin at di ko alam saan naman siya pumunta, wala din si Daddy kaya no choice ako kung hindi mag commute ngayon. Kinuha ko na ang aking totebag at nilagay ang aking cellphone at wallet. Lumabas na ako ng bahay at ni’lock na ang pinto at gate. Pinasok ko ang aking susi at kinuha ko ang aking payong. Naglakad na ako papuntang guard house para makasakay ako ng jeep.
Mabilis naman akong nakasakay ng jeep. Kinuha ko ang aking wallet at kumuha ng pamasahe.
“Bayad po” sabi ko sabay paabot ng pamasahe. Kinuha ko ang aking earphones at sinalpak iyon sa aking tenga.
Habang nasa biyahe ay nagtingin muna ako sa f*******: at nag scroll. Nag react sa mga memes at nag share ng mga videos. Napadaan sa aking newsfeed ang tagged photo ni Charles kasama ang isang petite na babae na nakasuot ng dress. Nakaakbay yung babae kaya medyo nakatungo si Charles na nakasuot ng rayban at white Tshirt. May caption ito na “What a great reunion Bessyy!” Nakangiti ang dalawa at naka peace sign si Charles.
Infairness, ampogi pala nito kapag nakangiti.
Namumukhaan ko yung babae, di ko lang matandaan kung saan ko iyon nakita. Nakita ko na halos nasa tapat na ako ng printing shop kaya pumara na ako. Bumaba na ako at pumasok na sa shop. Wala si Mang Jojo ngayong araw, siguro ay nagpapahinga siya. Dumiretso ako sa cashier at pinakita ang receipt.
“Ma’am, dito po” sinamahan ako ng isang babae papunta sa isang table na puno ng tarpaulin na iba-iba ang size.
“Kayo lang po ba ang kukuha? “baling sakin nung babae. Umiling ako at ngumiti.
“May kasama ako, intayin ko muna” Ngumiti ang babae at bumalik sa pwesto niya. Lumabas muna ako saglit para abangan ang L300 ni Mayor.
Maya-maya pa ay may pumarada na L300 sa harap ko. Ito na siguro yon. Bumukas ang driver’s seat at lumabas dito ang isang matangkad na lalaki na nakasuot ng puting tshirt, pants at white shoes.
Bakit andito to?
Nginitian ko si Charles at lumapit ako sa kanya.
“Hi! Ikaw ba yung pamangkin ni Mayor?” tanong ko. Bumaling siya sakin at tumungo. Wow! What a small world nga naman.
“Tara sa loob. Wala ka bang kasama? Marami pa naman yun” sabi ko sakanya. Diretso pa rin ang tingin.
“I can manage” sabi niya. Sabagay, ang firm ba naman ng muscle niya. I wonder... May abs kaya to?
Napasapo ako sa noo sa isip ko. Tinuro ko ang mga bubuhatin at kumuha na rin ang ilan. May tumulong na din sa pagbubuhat para mapadali ang trabaho. Pagkatapos ilipat lahat sa L300 ay bumaling sakin si Charles.
“Tita said I should bring you. Dun ka daw niya babayaran” tumungo ako at napanguso.
“Ok!” tumungo na ako sa front seat at sumakay. Si Charles ay nasa driver’s seat at sinumulan ng paandarin ang sasakyan. Bago kami umalis ay bumaling siya sakin.
“About your handkerchief, I’ll give it to you later. Is it ok kung sumama ka sa bahay?” sabi niya.
Ay shet! Bahay agad. Napanguso ako at tumango bilang pag sang ayon. Pinaandar na ni Charles ang sasakyan.
“Matagal ko nang client si Mayor, kahit bago pa siya mag Mayor. Didn’t know you’re her nephew.” Sambit ko at bumaling sa kanya. Seryoso ang tingin niya sa daan habang nagmamaneho.
“ I just moved here. This year lang.” Sabi ni Charles. Napatungo ako at napatingin na din sa daan.
“By the way, pano mo nakilala si Kuya?” bumaling ako sa kanya. Tumingin siya sa akin saglit at ibinalik niya ulit ang pansin sa daan.
“Lorenzo? I met him in Manila. Social Gathering.” Ahhh siguro isa yun sa mga party na about sa mga business churva. Napatungo na lang ulit ako, ang tipid ba naman sumagot nito. Nakakapagtaka tuloy paano niya naging kaibigan si Kuya Rin.
“ May business din ba kayo? Ang alam ko kase may business ang grandparents ni kuya tapos may mga paganap ganon. Sa ganon ba kayo nagkakilala?” tanong ko sa kanya. Bumaling siya sakin at medyo tumagilid ang ulo niya habang tinitignan ako na puno ng pagtataka.
“Yeah, you didn’t know what’s your grandparents business?” tanong niya sa akin. Umiling ako at napanguso.
“ Kuya is my stepbrother. Long story though. Di rin naman ako nagtatanong, buhay nila yun” natatawa kong sambit. Napatungo na lamang siya at tinuon ulit ang tingin sa daan.
Maya-maya pa ay nakarating na kami sa bahay ni Mayor. Ang daming tao na nag aasikaso ng mga gamit, malapit na kasi ang opening ng business niya. Lumabas na ako ng sasakyan, sabay kaming pumasok ni Charles sa bahay ni Mayor. Kahit ilang beses na ako nakapunta dito ay namamangha pa rin ako sa mga disenyo.
“Raine! Good you’re here” bati sakin ni Mayor. Bumeso siya sakin kaya ganon din ang ginawa ko, bagets pa tong mayor na ito, almost 29 palang siya pero ang dami na niyang accomplishments. Helping the community is in her blood.
“Goodmorning den, Mayor” nakangiti kong bati.
“Oh my god Raine, Just call me ate Justine. Akala mo namang iba ka na sakin” natatawang sambit niya. Nakasama ko siya dati sa Youth Convention nung high school ako. Doon kami unang nagkakilala and after that she always contact me for comissions, kaya lalo rin kaming naging close. She supports small business and I love her for that. Tumikhim si Charles sa tabi ko at nagsalita.
“The tarpaulins already here, just give her the payment already.” Sungit naman, akala mong hindi niya tita ang kausap.
“Sungit mo talaga Jayden, I guess you already know each other’s name?” lumapit sakin si Ate Justine at bumulong.
“Pagpasensiyahan mo ha kung nasungitan ka man agad niyan” natatawang niyang sabi. Napangiti na lang ako at tumikhim ulit si Charles.
“Don’t talk about me as if I’m not here.” Sambit niya at umalis, pupunta sigurong kusina. Sinukbit ni Ate Justine ang braso niya sa akin at hinila ako patungo sa office niya.
“Sorry if pinapunta pa kita dito, I just want to invite you personally. Here” pagkaabot niya ng payment ay sunod niyang ibinigay ang isang invitation.
“What’s this Ate?” sinuri ko ang envelope na kulay puti na may nakalagay ng family name namin.
“ It’s a turn over party. Dad decides to turn over his company to me. I hope you would come” sabay ngiti sakin ni Ate Justine.
“Oh my God! Congratulations ate! Of course I’ll come. It’s one of your milestone” I smiled and hugged ate Justine. I’m so happy for her! Biglang may kumatok sa pinto at pumasok si Charles.
“ Tita Jus, Raine and I should go. Dadaan pa kami sa bahay, may isasauli ako” I nodded and turn to Ate, I hugged her again and bid myself goodbye.
“See you again Ate! And Congrats!” Nginitian ako ni Ate Justine at bumaling siya kay Charles.
“Iuwi mo to’ ng buo. Sige na you should go. Take Care!” tumungo na ako sa pinto at sabay kaming lumabas ng bahay.
Nandito kami ngayon sa parking lot, ang akala ko ay sa L300 ulit kami sasakay kaya doon ako pumunta.
“ What are doing there? My car is here” he points out the black car. Di ko alam tawag dahil wala naman akong alam sa ganon, pero sa unang tingin pala alam kong mahal yun. Ilan kaya sasakyan nito? Di naman ito yung gamit niya nung hinatid niya ako kina Jerry. Napanguso na lamang ako at naglakad ng dahan-dahan papunta sasakyan niya.
“Okie..” dumiretso siya sa driver’s seat kaya binuksan ko ang front seat at doon sumakay. Sinuot ko na ang seatbelt at yinakap ang totebag ko. Bumaling ako sa kanya ng bahagya at pinaandar na niya ang kotse.
Tinahak namin ang pamilyar na daan patungo sa subdivision nina Jerry, doon nga rin pala nakatira to.
“ Sa may SeaGates Subdivision ka nga rin pala nakatira no? Saan banda?” bumaling ako sa kanya at ngumiti.
“Around Phase VI” sabi niya habang diretso pa ring nakatingin sa daan. Wow yaman! Ang alam ko kase yun na yung exclusive part ng subdivision na yun.
Medyo malayo ang bahay nina Ate Jus dahil sa ibang subdivision sila nakatira Di ko na talaga keri ang katahimikan kaya kinuha na ang cellphone ko.
“Pwede makiconnect? Para may music tayo” tumungo lang siya at may kinalikot sa may dashboard. Pagkatapos ko iyon mai’connect ay nagpatugtog na ako.
Unlike nung unang beses niya akong hinatid, binawasan ko na ang kadaldalan ko. Ekis may jowa kasi. Di naman tayo sobrang harot para sumampid pa sa may jowa. Grabe naman, nagalmusal naman ako kaninang umaga pero nagugutom ako. Sinilip ko ang wrist watch ko at nakita ko na almost 12 noon na pala. Nagugutom na ako!
Maya-maya pa ay nakarating na kami sa bahay nila. Wow high tech! Kusa ba namang bumukas yung gate nila at nagsara agad after makapasok ng kotse niya. Iba din, edi siya na! Bumaba na ako ng kotse kaya bumaba na rin siya.
“Let’s go inside” nauna siyang maglakad at ako ay sumunod na lamang.
Grabe ang ganda naman ng bahay nila. Napakalaki! Parang kasya na ata benteng pamilya dito.
Pero siyempre di ko pinahalata ang pagka mangha, tinignan ko yung front garden nila. Ang buhay tignan gawa ng mga halaman at bulaklak. Nang makapasok kami ay sumalubong sa kanya ang isang maliit na aso. Oemgheee ang cute naman nito! Binuhat ito ni Charles at bumaling sakin. Nagulat ako nang bigla siyang ngumiti. First time sis!
“ Uhh Raine, this is my baby Kein! Pet her, mahilig siya sa ganon” dahan-dahan kong hinawakan ang aso at nagulat ako ng bigla siyang tumalon sakin para magpakarga.
“Hala!! Ang cutiepatootie naman nito. Swap ko na lang sa panyo.” Natatawa kong sabi. Napangiti siya ng bahagya at napahawak sa tenga.
“ Nope, never gonna happen” natatawa niyang sabi. Kung alam ko lang na aso lang magpapafriendly sa kanya edi dapat kumuha na ako ng aso sa kalye at sinama sa kotse.
“ First time niya tumalon papunta sa iba. Dati di naman siya ganon. I’m jealous” natatawa niyang sabi. Napangiti ako sa biglang transformation niya, parang kanina lang hirap niyang kausap. Biglang tumalon si Kein at tumakbo paalis.
“Upo ka muna, kunin ko lang yung panyo.” Pagkaupo ko ay nagulat ako sa biglang sumigaw.
“CJ! You’re Here! I miss you already!” paglingon ko ay nagulat ako sa bigla niyang pag yakap kay Charles.
Eto yung babae sa picture kanina ah?