Awkward.....
Nakaupo ako ngayon sa sofa at naasiwa sa nakikita ko. Akala ko ba may jowa to? E bakit ganto makalingkis tong “Bessy” niya. Napakagat ako sa ibabang labi ko habang tinitignan sila. Bumitaw na si ate ghurl sa pagkakayakap at doon niya lang napansin na may tao sa paligid nila.
“Who is she? I feel like I see her before” tinuro niya ako at tumingin kay Charles. Pinipigilan kong mag eye roll, I don’t like her. JOWA KA TE?
“Uhm Mel, this is Raine. Lorenzo’s sister. Raine, this is Melanie.” Ngumiti na lang ako. This Melanie-girl plastered her fake smile at me. Chill ka lang Lorraine, wala ka sa bahay niyo.
“ You’re Lorenzo’s sister pala. I’ve heard about you, Lorenzo is talking about you a lot when we we’re in Manila.” I nodded and put up a smile. Sa arte nito, pano to naging kaibigan ni Kuya Rin?
“ Wait me here Raine” umalis na si Charles para siguro kunin yung panyo ko. Umupo si Melanie sa harap ko. She stared at me like she’s accusing of something.
“So what’s the catch? Why are you here anyway?” Aba tong babaeng to naka cross arms pa.
Inhale. Exhale. Chill Raine.
“Naiwan ko sa kotse niya last time yung panyo ko. I said he can give it to my brother if ever na magkita sila. Coincidentally, siya ang nag pick up ng tarpaulin for Ate Jus. So he offered me to give back my handkerchief.” Tamad kong siyang tinignan. Why am I explaining anyway?
“ Like I’d believe you. You’re just making excuses to be with him. From the looks of you, its obvious that you like CJ” And she rolled her eyes at me.
WOW. SHE. JUST. ROLLED. HER. EYES. AT. ME.
Huminga ako ng malalim para mapakalma ang sarili ko. Pag to umisa pa, bi’bingo to sakin.
“ Yeah, I like him as a person. I know my limits, unlike you makapulupot ka akala mo walang girlfriend yung tao. No wonder mukha kang anaconda.” I stared at her.
“CJ doesn’t have—“ but before she finish her sentence, Charles appeared.
“Here.” Inabot niya sakin ang panyo kaya kinuha ko na ito at tumayo.
“Thanks. I think I should go” sabi ko at ngumiti nang bahagya. Dahil kapag nakasama ko tong babaeng to ng mas matagal, baka masiraan ako ng bait.
“You should eat first. It’s lunch time” sabi niya sakin.
“No I’m still fu—“ pero bago ko pa matapos ang sasabihin ko ang biglang tumunog ang tiyan. BADSHOT NAMAN!
Biglang nagkaroon ng awkward silence. Bahagyang napangiti si Charles sa akin. Napanguso ako sa hiya at naglabas siya ng onting tawa.
Luh? Ba’t ganon, iba ugali nito kapag nasa labas ng bahay nila?
“ Dali na. Masarap magluto si Manang” and again, he flashed his smile at me. Si Melanie naman ay nag walk out at dumiretso na siguro sa kusina. Amfeeling talaga niya sis!
“Ok...” nauna si Charles maglakad at sinundan ko na lang siya pumuntang dining area nila. May split personality ata to. Nagiging mabait kapag nasa bahay nila, pero kapag nasa labas napakatahimik na medyo masungit.
Habang naglalakad papunta dining area ay napansin ko na napakaganda talaga ng bahay. Pwede ng pumasa sa hotel.Grabe naman lawak ng bahay nito. Samin kase from sala to dining area, konting kembot lang gagawin mo.
Pagkarating namin doon ay nakaupo na si Melanie. Nakahanda na rin ang pagkain at lalo akong nagutom sa amoy. Shet ADOBO! MY FAVORITE! Target locked na ako sa adobo, grabe ang bango naman. Umupo ako sa tapat ni Mel, Charles naman ay umupo sa kabisera. Tatlo lang kami ngayon sa long table nila. Pang labin dalawang tao ata kasya dito. Ganon ba kalaki pamilya nito?
Naunang mag sandok ng pagkain si Melanie. Halatang sanay siya na kasama lagi si Charles. Tinignan ko ang niligay niya sa kanyang plato. Napaka konti naman nitong kumain. No wonder, kaya napakapayat. Inabot sa akin ni Charles at kumuha ako ng “katamtaman” na amount ng kanin. Pag angat ko ng tingi ay napansin ko na medyo natatawa si Charles.
Luh? Problema nito?
Tinaasan ko lang siya ng kilay at sumandok naman ng adobo. Nag ningning ang mata ko habang pinagmamasdan ang adobo sa plato ko. Huhuhuhuhu, feeling ko maiiyak ako sa bango nito. Mukhang masarap nga magluto yung kasambahay nila.
“I thought you’re full” natatawang sabi ni Charles. Inimisiran ko na lang siya at napansin ko na grabe makatitig sakin si Melanie. Kulang na lang ay awayin ako. Hinayaan ko na lang siya at kumain.
Kumuha ako ng juice at iinom na sana ako ng biglang may sumampang aso kaya natapon ang juice sa damit ko.
“Winter! I’m very sorry Raine.” napatayo si Jayden at kinuha yung siberian husky nakasampa sakin. Hindi na ako nag react dahil aksidente naman ang nangyare.
“ No, its ok. Aksidente lang naman.” Ngumiti ako at tumayo para kunin ang panyo sa bag ko. Nagulat ako nang biglang may pumasok na lalaki at hiningal.
“Winter, come here! Pinagod mo kong aso ka.” Natatawang sabi nung lalaki, lumapit siya kay Winter at kinuha yung leash nito. Sinamaan siya ng tingin ni Charles at binatukan.
“ Wag mo nga papabayaan si Winter na magtatakbo kung saan-saan. Natapunan tuloy si Raine” lumapit si Charles at tumingin naman yung lalaki sa akin.
“Kukuha lang ako ng t shirt ha. Wait me” umalis si Jayden. Bumaling naman yung lalaki kay Melanie na walang imik.
“Who is she ate Mel? Girlfriend ni kuya?” parehas kaming nanlaki ang mata ni Melanie.
“No, I’m not!”
“No, She’s not!”
Sabay kami na nagsalita at napatingin sa isa’t isa. Di niya ba girlfriend yung nasa video?
“ Oh, Hi I’m Christian Jed” nilahad niya ang kamay niya sa sakin at tinanggap ko iyon.
“Raine” ngumiti ako at tumango.
“Sorry about the accident. She’s hyper when she know that there is new person here” ngumiti siya sa akin at saktong dating ni Jayden.
“I think you should come with me” he suddenly grabbed my wrist and pulled me. Biglang tumawa si Christian at napansin kong inirapan na lang ako ni Melanie.
“ Someone is afraid!” natatawang sabi Christian. Nagpatangay na lang ako sa Charles at narinig ko sina Melanie at Christian na nagbabangayan.
Pag akyat namin ng hagdan at lumiko kami sa isang hallway. Ilang beses ko na bang nasabi na napakaganda at laki ng bahay nila? Pumasok kami sa isang kwarto sa bandang dulo. Bumungad sa akin ang isang kama na siguro ay queen size. May study table siya at may t.v rin. Napansin ko na rin na may sariling balcony ito. Shala! May pa’ref si papabels.
Binitawan niya ang pulsuhan ko at bumaling sa akin.
“Uhh sorry. I’ll get you a shirt” sinundan ko na lamang siya ng tingin papunta siguro sa walk in closet niya. Sana all!
Lumakad ako papunta sa isang desk at nakita ko ang iilang mga pictures. Ang daya naman, ba’t ganon kahit bata pa siya, pogi na siya. Samantalang ako mukhang gusgusin na uhugin. Napadako sa isang picture frame kung nasaan may dalawang batang lalaki at dalawang batang babae. Sa tingin ko ay yung dalawang lalaki at sina Charles at Christian. Na’recognized ko din agad si Melanie at yung isang babae ay di ko na kilala.
“Raine” Napalingon ako at nakita ko sa Charles na may dalang white tshirt.
“There is the bathroom. Doon ka na magpalit.” Kinuha ko ang damit at ngumiti.
“Thank you!” tumungo na ako sa isang pinto kung saan siya pumasok. Bumungad sa akin ang walk-in closet na connected sa bathroom. Napaka linis naman nito, mas dugyutin pa ako dito ah. Dali-dali akong nagpalit. Nilagay ko na lang ang white sando sa bag ko, buti na lang lagi akong may ziplock na dala. Tinuck’ in ko ang white tshirt at pinulupot na lang ang long sleeves ko sa aking bewang. Ang laki naman nito, tiniklop ko ang magkabilang mangas para di masyadong mahaba tignan. Lumabas na ako ng bathroom at nadatnan kong nakaupo si Charles sa kama.
“I’m done, I think I should go na den” ngumiti ako sa kanya at tumayo na rin siya.
“I’ll ride you home” ngumiti siya ng bahagya at sabay na kaming lumabas ng kwarto.
“Ilang taon ba ang tanda mo sa kapatid mo? Mukhang magkaedad lang kayong dalawa” bumaling siya sa akin at ngumiti ng bahagya.
“I’m just a year older” tumungo at napanguso.
Pagka’baba namin ay wala na sina Melanie at Christian. Dumiretso na kami ng car park nila. Sumakay ulit kami sa kotse niya at umalis na.
“Uy papatugtog ulit ako ha” tumungo naman siya. Balik na naman ba to sa pagiging tahimik? Wow limited edition ang boses gorl?
“Kanina, tinanong ako ng kapatid mo kung girlfriend mo daw ba ako.” Sabi ko habang nakatingin pa din sa daan. Lumingon siya sakin na para bang nagtataka.
“Di ba nila kilala girlfriend mo?” pagpapatuloy ko.
“ Wala akong girlfriend Raine.” Natatawang sambit niya. Ako naman ngayon ang tumingin sa kanya na nagtataka. E sino yung kasayaw niya sa video? Fling?
“Oh.. I thought you have. I saw a video of you. Uhh dancing.” Napakagat ako sa ibabang labi ko at nag iwas tingin. Seryoso ka ba Raine? Tatanong mo talaga? Hayaan na nandito na e.
“Video? What video?” nagtatakang niyang sabi. Sumilip ako ng bahagya sa kanya at nagsalita.
“ You and a girl dancing. Akala ko girlfriend mo” sambit ko. Nagulat ako nang bigla niyang tinigil ang kotse at tumingin sa akin.
“ Wala pa akong nagiging girlfriend Raine. Although I have someone I particularly like.” He looks at me with full of intensity in his eye. Di ako makahinga sa tingin niyang iyon.
“Oh..” yun lamang ang nasambit ko. Hindi pa rin niya binabali ang tingin niya sakin at nagsalita ulit siya.
“Ask me who? You’re curious, aren’t you?” feeling ko malalagutan ako ng hininga at napaiwas ng tingin. Dun lang ako nakabawi ng hinga ng naputol ang tingin ko sa kanya.
“ Then who?” pabulong kong sabi.
Pinaandar niya ulit ang kotse at di niya sinagot ang tanong ko. Siraulo to, pagkatapos ang akong pakabahin ng bongga. Ganon-ganon na lang?
“ Soon, you’ll know who” napalingon ako sa kanya at tahimik na naming tinahak ang daan papuntang bahay.