“Viz, paano itong organizational chart ng—” Naudlot ang pagbigkas ng tanong ni Nessa nang mapatingin siya kay Viz. Nakalapat ang gilid ng ulo nito sa kamay na nakapatong sa mesa, ang mukha nito ay nakapihit paharap sa dako niya. Pikit na pikit ito at bahagyang nakaawang ang mga labi. Para itong anghel kapag natutulog. Napakaamo ng mukha. Tila hindi gagawa ng masama. Nasa loob sila ng isa sa mga bakanteng meeting rooms. Doon sila hinatid ng Executive VP na halos hindi makatingin nang derecho kay Viz. Hiningi rin ni Viz ang mga materyales na makakatulong para mas maging pamilyar siya sa kompanya ng mga Santana. Nagpresenta pa si Esther na ito na lang ang magtuturo sa kanya ng mga kailangan niyang malaman, subalit matigas na tumanggi si Viz. Kaya na raw nitong gawin iyon. Isa pa ay pamilyar

