Hindi mapakali si Nessa habang nasa pantry sila at magkaharap sa mesa ni Viz. Ramdam niya ang mga titig ng mga taong nasa palibot nila. Alam niyang nakasunod sa bawat kilos nila ang mga mata ng mga nakapaligid sa kanila. Kanina palang nang pumila si Viz para ikuha siya ng makakain ay nakasunod na rito ang malalagkit na titig ng mga kababaihan. He bought two chicken pita sandwiches. Isa para rito, at isa para sa kanya. Bumili rin ito ng dalawang double chocolate chip muffins, at dalawang iced tea. “May iba ka bang gustong kainin?” tanong nito sa kanya nang mapuna nitong hindi niya ginagalaw ang mga pagkaing inilapag nito sa ibabaw ng mesa. Umiling siya. “Ahm, ano kasi… uhh.” Atubili siyang napalingap sa paligid. Umangat ang mga kilay ni Viz at napansin nito ang pagkailang sa anyo ng

