CHAPTER 66

2800 Words

Habang naglalakad kasama ang HR Manager ng Santana Group, para ipakita sa kanya ang lahat ng mga departamento at kung paano nag-o-operate ang kompanya araw-araw, ay hindi makapag-focus si Nessa. Hindi niya maintindihan kung bakit parang nahihilo siya. Dahil ba matapang ang pabangong ginagamit ng HR Manager? O dahil ba pagod siya? Hindi niya alam. Hindi niya matukoy kung ano ang dahilan at biglang bumigat ang pakiramdam niya. Natutop niya ang tapat ng bibig nang maramdamang tila siya masusuka. Parang binabaligtad kasi ang sikmura niya. Ano ba, may nakain ba siya? Nasira ba ang tiyan niya? Napaungol siya at saglit na ipinikit ang mga mata, saka pinisil ang batok at ang gilid ng ulo, sa bandang sentido. Baka maibsan kahit kaunti ang pagkahilo niya. Huminto siya sa paglalakad, huminga na

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD