Warning: This chapter contains graphic s*x scenes and adult language intended for mature readers only. Not suitable for young readers or sensitive minds. _____ Nakatayo na sa tapat ng entrada ng gusali si Nessa wala pa mang alas siyete ng gabi. Ipinikit niya ang mga mata nang umihip ang panggabing hangin at ninamnam ang lamig niyon sa kanyang balat. “Nessa?” Napatingin siya sa pinanggalingan ng boses na iyon. At nakita nga niya si Viz na hindi maipinta ang mukha. He still wore the corporate suit from work, but had already loosened the tie around his neck. Nakarolyo na rin hanggang siko nito ang manggas ng damit. Naka-park sa tapat ng gusali ang sasakyan ni Viz. Nakatayo ito ilang dipa mula sa kinatatayuan niya at malalaki ang hakbang na nilapitan siya. Hinawakan siya agad nito sa m

