“Viz, makinig ka, huwag ka munang mag-organize ng party, ha. Secret muna. Kailangan ko munang makausap ang Papa ko at si Nivan. Gusto kong ako mismo ang personal na magsabi sa kanila at hindi iyong maririnig lang nila mula sa ibang tao ang tungkol sa pagbubuntis ko,” ani Nessa. Nagsalubong ang mga kilay ni Viz, nabura ang ngiting kanina ay nakapagkit sa kanyang mga labi. Nakahinto na sa tapat ng mataas na gate ng mga Santana ang sasakyan niya. Gusto sana niyang ihatid hanggang sa pinakatapat ng bahay si Nessa, kaso ay matigas itong tumanggi. “Why should we keep it a secret? We're not teenagers anymore. Hindi na tayo mga menor de edad. Ang tanda na natin, Nessa.” Mapait sa panlasa niya ang ideyang itago muna nila ang tungkol sa pagbubuntis ni Nessa. Dahil ang totoo’y gustung-gusto na niya

