Hindi mapakali si Nessa sa kanyang kinauupuan. Hindi niya alam kung para saan ang interview na iyon. Ang alam lang niya ay inimbitahan ang Pamilya Santana. Matagal na raw iyong naka-schedule, pero ngayon lang natuloy. Hindi na nagawang kanselahin ni Senador Santana dahil um-oo na ito bago pa man na-ospital ang esposa nitong si Natalia Santana. Si Nicolasa ay wala roon dahil ito ang nagbabantay ngayon sa ospital sa Mama nila. Naroon din sa studio si Attorney Cain Blanco bilang ito ang Chief Adviser ng legal team ng nangungunang senador ng bansa. Hindi naman niya matanggihan ang ama niya nang sabihin nito sa kanya ang tungkol sa interview. Pero ngayon nga ay hindi halos mapirmi ang pang-upo niya sa isang puwesto. Galaw siya nang galaw at palingap-lingap siya sa paligid. Imposibleng hind

