Nalito si Nessa nang dalhin siya ni Viz sa isang pribado at prestihiyosong ospital. Bumaba ito ng sasakyan at pinagbukas siya ng pinto. Tapos ay kaswal nitong inabot sa valet ang susi ng SUV nito. Ni hindi niya alam na may valet parking service pala ang ospital na iyon. Pero sa katulad ni Viz na nanggaling sa kilalang angkan at bukambibig ng mga taga-alta sosyedad ang pangalan ay maraming serbisyong bukas nitong nagagamit. “Kaya pala ayaw mong bumili ako ng gamot sa convenience store, sana sinabi mo agad na plano mo naman palang magpunta ng ospital para ipagamot iyang mga pasa at sugat mo,” aniya. Nag-alala pa siya rito na baka ma-impeksyon ang sugat nito, iyon pala ay ipapagamot din naman pala nito iyon. Hindi ito umimik. Tikom lang ang mga labi nito. Hawak pa rin nito ang kamay niya

