Nalukot ang mukha ni Viz nang sabihin dito ng front desk staff na wala ng natitirang bakanteng kuwarto. Parang natakot pa ang kausap nito dahil sa paglitaw ng malalim na linya sa pagitan ng mga kilay ni Viz. Inalis nito ang salamin sa mata at napahugot ng malalim na paghinga. Siya naman ay nakatayo lang malapit sa pinto ng Casa Ballete, sa may entrada. Nasa labas naman si Mang Savio at hindi talaga ito umalis hanggang hindi nito natitiyak na makakakuha sila ng kuwarto sa loob. Naisip siguro nito na malaki ang posibilidad na okupado na ang lahat ng mga silid. Tuluyan nang kinalas ni Viz ang pagkakabuhol ng kurbata nito, pero hinayaan lang nito iyong nakasampay pa rin sa leeg. Pinaraanan nito ng mahahabang daliri ang magulo na nitong buhok. Nagulo na iyon kanina sa chopper palang, idagdag

