Naglalakad ako palabas ng faculty room matapos kausapin si Coach nang maramdaman kong may sumusunod sa akin. Hindi ko na kailangang lumingon para malaman kung sino—ramdam ko na ang presensya niya. "Ang bilis mo namang umalis," malamig na boses ang umalingawngaw sa likuran ko. "Para ka namang iniiwasan ako, Quicee." Napahigpit ang hawak ko sa strap ng bag ko pero hindi ako lumingon. Masyadong maraming tao sa hallway, hindi ako maaaring magpakita ng kahit anong reaksyon. "May klase pa ako," sagot ko nang walang emosyon, pilit pinapanatili ang normal na lakad ko. Ngunit hindi siya natinag. Sa halip, mas lumapit pa siya—sapat na para maramdaman ko ang init ng katawan niya sa likuran ko. "Ang galing mo kagabi," bulong niya sa tono ng tinig na alam kong sinadya niyang iparinig lang sa akin.

