Dala ang bigat ng damdamin at ng bag sa balikat ko, mabilis kong dinial ang numero ni Cheska. Alam kong siya lang ang tanging pwedeng puntahan ko sa ngayon. Isang ring lang at sinagot niya agad. "Hello? Quicee? Bakit—" Hindi ko na siya hinayaang matapos. "I need your help," diretsong sabi ko, ramdam ang panginginig ng boses ko. "Papunta ako sa condo mo. Umalis ako sa bahay." Tahimik. Ilang segundong katahimikan bago siya muling nagsalita. "Wait, umalis ka? What happened?" Napatingin ako sa madilim na kalsadang nilalakad ko. Huminga ako nang malalim, pilit nilulunok ang sakit na kanina pa bumabara sa lalamunan ko. "I just... I can’t be there anymore, Cheska. I just can’t." Narinig kong napabuntong-hininga siya sa kabilang linya. "Okay, just come here. I'm waiting." Sa wakas, may pupun

