Napatingin ako kay Jayten nang may malalim na interes. "Kung gano’n, sino naman yang first kiss mo?" tanong ko, may halong pang-aasar sa boses ko. Napansin kong nagdadalawang-isip pa siyang sumagot. Kumurap-kurap siya bago iwasang tingnan ako. "Si Cheska," mahina niyang sagot. Nanlaki ang mga mata ko bago ako napasigaw, hindi ko na napigilan. "Ano?! AHHH! Jayten!" Natawa siya sa naging reaksyon ko, pero halata sa mukha niya ang pamumula. "Paano ‘yun nangyari?! Kailan?! Ngayon lang?!" sunod-sunod kong tanong habang kinakalog siya sa balikat. Umiling siya, napapangiti. "Baliw, grade five pa ‘yun. Sa may dining namin." Saglit akong napatigil. "Grade five? Hala! Anong nangyari? Sinong nag-initiate?" Natawa siya ulit bago ngumiti nang parang naaalala niya ang eksena. "Ako." Lalong lumak

