Author's Note: Hello everyone, another Dark POV nanaman, gusto niyo bang malaman pinaggagawa niya? Ano nga bang mayroon sa mafia world na ginagalawan ni Dark? At bakit kaya ang galing galing ni Dark sa kama? Anong klaseng exercise ang ginagawa niya? Well, malalaman natin lahat ng yan sa susunod na chapter! Happy reading!! Chapter 20 Nakatayo ako sa harap ng floor-to-ceiling window ng hotel suite ko, hawak ang isang baso ng mamahaling whiskey habang pinagmamasdan ang city lights sa ibaba. Tahimik ang paligid, pero sa loob ng utak ko, puro ingay. Tumunog ang telepono sa bulsa ko. Isang tawag mula sa tauhan ko. Agad ko itong sinagot. "Another mess?" malamig kong tanong, hindi na nag-abala pang bumati. "Sir, may problema tayo. Nagkamali ng kilos ang isa sa mga tauhan natin. May nakakita—

