Pagkarating namin ni Cheska sa condo, napansin kong bahagyang nakabukas ang pinto. Napakunot ang noo ko at agad akong napalingon kay Cheska. "Iniwan mo bang bukas ‘to?" Mahinang tanong niya, halatang nag-aalala rin. Umiling ako at dahan-dahang itinulak ang pinto. Napahigpit ang hawak ko sa bag ko, nag-iingat sa kung anuman ang posibleng madatnan namin sa loob. Ngunit imbes na kung sino mang masasamang-loob, ang bumulaga sa akin ay ang dalawang taong hindi ko inakalang makikita ko rito—si Mommy at si Daddy. Napaatras ako sa gulat. "Mom? Dad?" Napalingon sila sa akin. Pareho silang seryoso, ngunit halata sa mata ni Mommy ang lungkot. Si Daddy naman, gaya ng dati, hindi mo mababasa ang ekspresyon. "Quicee," mahinang tawag ni Mommy. Tumayo siya mula sa sofa at lumapit sa akin, ngunit hind

