Tumingin ako kay Daddy habang naglalakad kami papunta sa sasakyan niya. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan, pero kailangan kong sabihin. Hindi naman sa gusto kong lumayo sa kanya, pero gusto ko rin naman maranasan kung paano maging independent. "Daddy... I want to explore too," mahina kong sabi. Napahinto siya at tumingin sa akin, kita ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya. "What do you mean, Quice?" Ngumiti ako nang bahagya at nilaro ang daliri ko. "Alam mo ba, nung umalis ako sa bahay, natuto na akong magluto kasama si Cheska? Hindi na ako umaasa lang sa pagkain na nakahain sa mesa." Napailing siya at tumawa nang mahina. "At proud ka doon?" may halong biro sa boses niya pero ramdam ko ang tuwa. Tumango ako. "Oo naman! Hindi mo ka ba proud?" ngumiti ako nang mas malaki. Huminga s

