Hindi ko mawari kung ano ang magiging reaksyon ko sa ginawa nyang pag-halik sa kamay ko. Hindi ko sya maintindihan, nakakapagtaka na sa loob lamang ng dalawang linggo naming pagkakakilala ay ganito na sya kung umasta na parang matagal na kaming magkakilala. Ramdam ko ang paninitig nito habang ako'y naka-tingin lang sa bintana at pinapanood ang pag-andar ng mga sasakyan. Saglit ko itong sinulyapan ngunit nanatili itong seryoso na nakatingin sakin kaya hindi kona mapigilan ang mag-salita.
" Can you please stop staring at me?" sabi ko dito, pero nag-kibit balikat lang ito at umayos na ng upo at nagsalampak ng earphones. I pursed my lips at bumalik na lang sa pagkakatitig sa labas. Hindi ko namalayan ang oras at ng magising ako ay nakapatong na ang ulo ko sa balikat ni Lazarous. Nahihiya kong inangat ang tingin dito at nakahinga ng maluwag nang makita ko itong natutulog habang nasa dibdib ang mga braso. Inayos ko ang buhok at kinapa ang gilid ng labi kung may natuyo ba akong laway, ng wala akong makapa na kahit ano ay balak ko na lang sana ipagsawalang bahala ang kahihiyan ko ng biglang nag-mulat si Lazarous, and look at me mockingly.
"Ang bigat ng ulo mo." Napapahiya akong nag-yuko ng ulo at sasagot na sana, when he put some of the strand of my hair behind my ears. Kanina pa talaga ako nagugulat sa mga kinikilos nya, wala sa sarili akong napahawak sa noo nya para damhin kung mainit ba ito.
" Wala ka namang sakit, but why are you acting like that?" I said, confusedly. Hindi ito sumagot at tinanggal lang ang kamay sa noo nya. Balak ko pa sana itong tanungin at kulitin ng tinawag na kami ng professor namin at binalita na nakarating na kami sa tamang destinasyon. Agad na bumaba ang mga estudyante pero dahil ayaw kong makipagsiksikan ay minabuti kong mag-pahuli nalang pero mukhang ganun din ang balak ng katabi ko. Nang maubos na lahat ng estudyante sa bus ay agad kong kinuha ang mga bagahe ko na may kabigatan at naglakad na palabas. Pero hindi pa ako nakakalahati ng lakad ng mapansin ko ang paggaan ng kaliwang kamay ko kung saan bitbit ko ang bag, pero paglingon ko dito ay wala na akong bitbit na kung ano at nakita ko nalang ito na dala na ni Lazarous at nauna ng maglakad palabas ng bus.
Pagbaba ng bus ay agad akong lumanghap ng sariwang hangin at nilibot ang paningin, sa hindi kalayuan makikita si Tom na kasama si Lazarous bitbit ang bag ko at nakatingin lang sa akin habang nakikinig sa kausap. Iniwas ko ang tingin dito at nalipat sa dalawang taong naka-away noon ni Tom sa cafeteria, yung babaeng boses ipis ay nakakapit sa braso ng lalaki habang may binubulong, nang tignan ko ang lalaki wala sa babaeng kasama nito ang atensiyon nya at patuloy lang na sinasamaan ng tingin si Tom na walang kaalam-alam.
"SERENE!" Napatingin ako sa sumigaw ng pangalan ko at agad na lumapit kanila Gen. Nang makapalapit ito sa akin ay binunggo-bunggo ako nito sa balikat at may binulong na ikinapula ko.
"Uyy!! ano yung nabalitaan kona ang sweet nyo daw ni Lazarous kayo ba huh?" aniya nito, at kumikinang pa ang mata, nang tignan ko sila Stacey para humingi ng tulong ay nag-iwas lang sila ng tingin at pasimpleng tumawa. Tinignan ko si Gen ng may nababagot na tingin.
" Hindi ko alam ang sinasabi mo." sagot ko dito at naglakad palayo pero hindi talaga ito tumitigil sa pangungulit nya.
"Weh? marami kayang nakakita sa inyo, sabi pa nga nila magkasintahan daw kayo eh." sabi nito, hinarap ko ito at inis na pinag-salitaan.
" That's nonsense okay? 2 weeks palang kaming magkakilala paanong naging magkasintahan na agad kami?" sabi ko dito pero lumagpas lang ang tingin nito sa likuran ko, nagtataka naman akong napatingin sa tinitignan nya, para harangan lang ng isang malapad dibdib. Ang amoy nito na humahalimuyak at hindi nakaksawang amuyin. Nag-angat ako ng tingin para lang makita si Lazarous na bitbit parin ang bag ko at kasama si Tom na nakatitig sakin.
" Let's go, don't go anywhere." sabi nito na nag-ani ng tili sa mga nakarinig at isa na dun si Gen. Nahihiya ko namang pilit na kinukuha ang bag ko sakanya, pero sadyang matigas ang ulo nito at inilalayo ang bag ko. Instead he reach for my hand, at iyon ang ang hinawakan nya ng mahigpit. Pilit akong kumakawala sakanya pero para syang matigas na bato kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod dito. Tinignan ko si Gen ng may pahiwatig sa mata at mukhang naintindihan naman nito ang ibig kong sabihin kasi may ibinulong ito kanila Stacey tyaka sila naghiwa-hiwalay. Si Gen sumunod ng palihim kay Tom at Ganun din sila Stacey at Jenny dun sa mag-syotang ipis, while me? I'am stuck with this guy.
" Bitawan mo nga ako! bakit ako yung kinukulit mo? bakit hindi ka doon kay Tom?" sabi ko dito pero sinulyapan nya lang ako at humigpit ang hawak sakin. Hindi naman masakit ang pagkakahawak nito sa akin sapat na para hindi ako makawala.
"No. It's better to this, at baka mapahawak kapa. and I will never allowed anyone to hurt you." sabi nito na nakapag-patulala sakin sandali at hindi kona mapigilan ang magtanong ng bumabagabag sakin.
"Matagal naba tayong mag-kakilala?" Sandali itong natigilan sa tanong ko, akala ko hindi na ito sasagot pero nag-iwan ito ng mga katagang nag-pagulo sa isip ko.
" It's not yet the right time, but I promise that I will tell you in the future." hindi kona ito sinagot dahil nakarating na kami sa lugar kung saan kami maglalagay ng mga tent. Nilibot ko ang tingin ko sa lugar, mahahalata mo na alagang-alaga ang lugar nito dahil sa matatayog na puno at malalagong d**o, makikita mo rin sa gilid ang mga upuan at lamesa na gawa sa kahoy. Dahil nasa taas na lugar kami kitang-kita mula sa kinatatayuaan ko ang mapuputing ulap pati narin ang karagatan sa likod ng kagubatan.
Lumapit ako sa dulo ng bundok at dinama ang malakas na hampas ng hangin at dininig ang mga paghampas ng alon. Napaka-ganda sa paningin kung hindi lang pangyayarihan ng krimen. Umusog pa ako konti para damahin ang nakakalulang pakiramdam pero napigilan ako ng isang taong humawak sa beywang ko.
"Careful..." Lazarous said in a husky tone. Dama ko ang malalim nitong pag-hinga na tumatama sa batok ko, sa pwesto namin aakalain mong nakayakap ito sakin ng patalikod. Nang tignan ko ito sa mga mata ay dama ko ang malakas na kalabog sa dibdib ko sa hindi malang dahilan. Para akong hinihila ng mga seryoso nitong mga sa kailalim ng aking kaibuturan. Tila agad naman akong natauhan sa pwesto namin at kumalas sa kanya at marahang umatras mula sa dulo ng bundok.
" I already told you that don't go anywhere without me, bakit napaka-tigas ng ulo mo?" he said, habang nakakunot ang noo. Hindi ako nagsalita at napanguso nalang sa paraan ng tono ay parang tatay ko sya. Parang natauhan din ito sa tono ng pagsasalita nito at sandali na ginulo ang buhok bago ako hinawakan sa beywang at hinila sa mga kasamahan namin. Napatingin ako sa kamay nito sakin pero hindi ako makapalag dahil alam kong may kasalanan din ako at pinangunahan ako ng takot ng makita ko itong matalim ang tingin sa dinadaanan namin, at isa pa may hindi ako maipaliwanag na nararamdaman sa tuwing magkalapit kami. Nararamdaman kong may umiikot sa loob ng tiyan ko siguro guto lang ako kasi wlaa pa akong almusal kanina bago umalis. Sakto naman na tumunog ang tiyan ko kaya napatingin sakin si Lazarous.
"You haven't eaten yet?" Nakangiwi akong umiling dito saka nag-iwas ng tingin, nakita ko pa ang pag-angat ng labi nito bago ako marahan na hinatak sa tabing upuan, sya narin ang nag-ayos ng kanya-kanya naming tent at kayo ay nananatili lang na nanonood sakanya. Nang matapos ito sa ginagawa ay binalikan ako nito ang bag nito tyaka naglabas ng isang box ng gatas at tinapay na paborito kong kainin. Nagtataka ko syang tinignan dahil papaano nito nalaman ang paborito kong kombinasyon ng almusal wala naman akong sinasabi dito, pero ngiti lang ang sagot nito sa akin at sy na mismo ang nagbukas at nag-abot sakin ng pagkain kaya wala na akong nagawa kundi kainin ito. Umupo ito sa tabi ko at gaya ng lagi nyang ginagawa ay nakatitig na naman ito sa akin, hindi ko nalang ito pinansin at hinanap sila Gen na kasalukuyan paring malapit kay Tom ng hindi nagpapahalata at kanila Stacey na nag-uusap pero sa mag-syotang ipis nakatingin. Bilib rin ako sa kakayahan ng mga ito kaya nagpapasalamat ako na gusto nila akong tulungan pero, hindi ko pa kayang magbigay ng buong tiwala. But I know to myself that I treat them as my friend it's just that it is hard for me to give my full trust, not yet just not yet.
nang matapos ako sa kinakain ay tinapon ko lang ang pinagbalatan sa malapit na basuran at bumalik sa pinagpwestuhan ko kanina. Ilang minuto pa ng mapahikab ako dahil sa antok at mukhang na pansin ito ni Lazarous kaya maraan nya akong hinila.
"Come on sleep for a while, gigisingin nalang kita pag first activity na." hindi na ako pumalag dahil parang babagsak na ako sa sobrang antok at nagpatianod nalang sa paghila nito sakin sa tent ko. Maayos ako nitong inihiga at kinumutan ng dala kong kumot na hindi ko manlang alam na nakalabas na pala sa bag ko. Mukhang naayos nya na lahat bago pa ako makapunta dito.
Sandali nitong inayos ang bag kong ginawang unan at ang pagkakakumot sakin, humikab pa ako at unti-unti ng nagpalamon sa antok pero bago yun narining ko pa si Lazarous.
"Sleep tight babe." he said, at hinalikan ako sa noo. Hindi na ako nakapag-protesta at hinayaan nalang.