PROLOGUE
Ingay.... y'an ang madalas mong maririnig pag nakarating ka sa canteen ng Antonette University. Kabilaang ingay sa bawat linya ng mga lamesa na kanilang pinag-kakainan. Mga lugar kung saan kaliwa't kanan sila kung mag-kwentuhan. Bawat paghinga naririnig ng kabila na para bang ito na ang mga huling oras na sila ay makakapagkwentuhan.
Isa ito sa mga lugar na pinaka-ayaw kong puntahan dahil bawat paghinga nila ay aking naririnig at nakiki-
"Miss hindi kapa ba uusad?" sabi ng nakapila sa likod ko. dahil lunch break ngayon nandito ako sa canteen para bumili ng makakain.
Nagulat nalang ako ng biglang hinablot ng babaeng nakapila sa likod ko ang suot kong headset at nagsalita sa tainga ko.
" Miss Hindi kapa-" unti-unti akong nilamon ng kadiliman at namalayan ko nalang na wala na ako sa pila. Hindi ko alam kung nasaan ako basta ang tanging nakikita ko lang ay ang abandonadong gusali at ang madilim na kalangitan. Napatingin pa ako sa paligid at masasabi kong secluded at bihira ang mga taong nakakapunta dito.
Lalakad na sana ako palayo ng sa hindi kalayuan ay may narinig akong ingay ng mga bakal at kadena. Unti-Unti akong lumapit sa pinagmumulan ng ingay at namalayan ko nalang na papasok pala ito sa loob ng lumang gasali. Pagka-pasok sa loob maririnig mo ang mga tawanan at iyak ng isang babae. Unti-unti akong lumapit dito at nakita ang masalimuot na lagay ng isang babae. Nakahubad ito at duguan ang mukha habang patuloy itong ginagalaw ng isa sa mga lalaki na sa palagay ko ay nag-aaral din sa pinapasukan kong eskwelahan. hindi malinaw sakin ang mukha ng mga taong pumapaslang sa babaeng namumukhaan ko. Sinubukan kong lumapit ngunit hindi ko maigalaw ang aking mga paa at patuloy lang na lumuluha sa aking kinatatayuan samantalang ang mga hayop na lalaking ito ay tuwang-tuwa sa nakikita at may nagvi-video pa. Ilang sandali lang ay sinubukang manlaban ng babae ngunit hindi nito nagawa dahil agad syang pinukpok ng bato ng lalaking nakadagan sakanya. agad namayani ang katahimikan sa grupo ng mga lalaki at hindi nagtagal ay bakas ang pagkataranta sa kanila mukha at agad na nag-ayos ang lalaking nakapatong sa babae.
"Enrique anong ginawa mo? sh*t! baka may makaalam sa ginawa mo!" sabi ng lalaking nag yoyosi lang kanina sa gilid.
" What did you say Jacob?ako lang may gawa nito? My father is a government official that is higher than your parents. at kung sakaling magkahulihan nga sa tingin mo sinong mas papaniwalaan sa ating dalawa?" sagot nung Enrique, hanggang ngayong hindi parin malinaw ang kanilang mga mukha.
Hindi nakasagot ang lalaking Jacob ang pangalan kaya nilapitan sya ni Enrique at tinapik sa balikat.
" Kaya kung ayaw mong mangyari yun clean this mess." sabi nito at inagaw ang yosi sabay labas ng abandonadong gusali. Napadaan pa ito sa tabi ko pero ganun parin dahil hindi ko maaninag ang mukha nya dahil sa dilim ng lugar dinaanan nya. pero nabigyan ako ng tyansa na masilayan ang oras sa suot nyang relo dahil nag-glow in the dark ito. 11.45 pm...
" tol san natin toh ilalagay?" nagising ang diwa ko ng biglang magsalita ang lalaking nagvi-video kanina. Napatingin ako sakanila ng binuhat nila ang bangkay ng babae at nilang sa drum. Pagtapos nun ay agad nilang nilinis ang lugar ng kremen at sabay na umalis. Agad akong sumunod sakanila hanggang sa labasan at nilibot ang aking paningin sa signage na nakalagay papsok sa street. Mabini st..
" Ang kailangan lang nating gawin ay ang manahimik tama?" tanong ng lalaking kasama ni Jacob. Tumango lang ito at agad ng umiba ng daan. Susundan kopa sana si Jacob kaso bigla nalang umikot ang paningin ko.
"Miss! Hindi kapa ba uusog?" nagising na lamang ako na nasa pila parin ng counter. Naglibot ako ng tingin at napansin na lahat sila ay nakatingin sa akin.
" Miss-" naputol ang sasabihin ng babae ng mapitingin s'ya sa akin.
" Miss why are you crying? May nagawa ba akong masama?" Dun ko lang namalayan ang tumutulo kong luha na agad ko namang pinahid.
" Sorry..." I said bago ko kinuha ang headset ko sa kanya at dumeretso na sa counter para kunin ang pagkain na inorder ko.
Agad akong naghanap ng mauupuan at malapit sa bintana at nilantakan ang pagkain ko. You see I don't have any friends. Hindi dahil sa walang gustong makipag kaibigan sakin.Dahil ako mismo ang gumagawa ng ikakalayo nila sakin. I can see their future everytime I heard their breathing. I don't know when did it start basta nung 7 years old ako at may batang sumigaw sa tenga ko dun ko nakita na maaaksidente sya akala ko nung una guni-guni ko lang yun but It gaves me trauma nung nasaksihan ko yung pag kamatay ng kaibigan ko sa aksidente. Simula nun ako na mismo ang lumalayo sa kanila maski sa pamilya ko hindi ako lumalapit at lagi lang nasa kwarto, But they undertand it. Alam nila ang kakayahan ko kaya pinoprotektahan nila ako. Isa din sa mga rason kaya ako laging nakasuot ng headset ay ayaw kong marinig ang bawat paghinga nila at makita ang hinaharap. Pagkatapos kumain ay niligpit ko na ang mga kalat at balak nang bumalik sa classroom. Papalabas palang ako ng canteen ng mahagilap ko ang isang babae na nakikipagkwentuhan sa mga kaibigan nya hindi kalayuan sa pwesto ng pinagkainan ko. Agad na nagtama ang paningin namin pero inirapan nya lang ako at agad na nagpatuloy sa pakikipag kwentuhan sa mga kaibigan nya.
Hindi ko nalang ito pinagtuunan ng pansin at agad na naglakad palayo. Habang naglalakad sa mataong hallway napaisip na naman ako sa mga nakita kong hinaharap ng babaeng yun. Ito nanaman ako hindi ko naman kakilala yung babae pero hindi ko alam kunng paano ko sya matutulungan, Hindi korin naman nakilala ang mukha ng mga suspek at hindi rin naman sya maniniwala kung sasabihin ko yung mga nakita ko. Pero para sa ikakapanatag ng loob ko bumalik ako sa pinanggalingan ko kanina at inantay ang babae. Ilang minuto din akong nag-intay bago ko syang nakitang naglalakad kasama ang mga kaibigan nya.
Sinalubong ko sila na agad naman nilang ikinatigil sa paglalakad at tumingin sakin. Agad na nalipat ang tingin ko sa babae at nagsalita.
" Can I talk to you?" sabi ko ng deretsahan. Agad naman itong napasimangot at inirapan ako.
" Do you know her Gen?" Sabi ng isa nitong kaibigan na simple lang kung manamit pero malakas ang dating.
" No, Look miss if you don't have any important things to do please stop bothering me. Nakakahiya yung ginawa mong pag iyak kanina." Sabi nito at umirap. Agad naman akong napayuko hindi dahil sa hiya kundi dahil sa inis kakairap nya.
" Stop it Gen! pigilan mo yang bibig mo wala namang ginagawa sayo yung tao." sabi ng isang babae na sa unang tingin palang alam mo ng marunong makipagsuntukan dahil sa bandage nito sa kamay.
" But-" tututol pa sana yung Gen pero sinamaan na sya ng nung babbaeng may bandage sa kamay.
" Stop it you two.. I'm sorry Miss we have to go." sabi nito at hinila ang dalawa. Ngunit hindi pa sila nakakalayo ng hinatak ko ang braso nung Gen.
" Ano ba-"
" Please this is very important." I said almost pleading. Tila nakakaintindi naman yung babaeng mukhang mabait at pinagsabihan si Gen.
"Go on Gen we will just wait you here." she said and smile at me. tumango lang ako sakanya at naglakad na kami ni Gen sa may Gilid kung saan walang makakarinig sa amin.
" spill it! make sure na importante to you're wasting my time.We still have a class." she said at umirap na naman.
hindi kona nakayan at umirap din.
" Aba't-" Hindi nya na natuloy ang sasabihin ng pinutol ko s'ya.
" Wag kang dadaan sa mabini St. mamayang gabi kung ayaw mong may mangayari sayong masama." I said while looking straight at her eyes. Makikitaan mo ng pagkalito ang kanyang kayumangging mata pero agad din itong nawala.
" What are you talking about? sabi na eh sasayangin mo lang oras ko." saad nito at agad na tumalikod.
" Gusto lang kitang balaan para rin ito sa ikakabuti mo." inis ito humarap sa akin at nagsalita.
" Ano bang alam mo? siga nga anong mangyayare sakin?" sabi nito ng may halong inis
" You will be r*pe and killed on the abandoned house" Shock is written at her face but still hindi parin mawala ang pagdududa at kawalan ng tiwala sakin.
" Paano mo nalaman yan?" she said, agad akong natigilan at nawalan ng sasabihin. Sibukan kong ibuka ang bibig ko ngunit walang boses na lumabas mula rito. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya ng maniwala sya. But I don't have a choice kailangan kong sumugal.
" I saw it." I said but she just laugh at me
" you're crazy aren't you? ano ka si madam awring? Girl we are already at the 21st century tapos naggaganyan kapa? sabi na at sinasayang mo ang oras ko." sabi n'ya at tumawa pa.
" But-" Hindi na ako natuloy makapagsalita dahil tumalikod na sya.
"Kung gusto mo akong maniwala. Be more convincing sa paggawa ng kwento or better yet bring some evidence ok?" sabi nito at sandalian akong nilingon at tumakbo na sa mga kaibigan n'ya. Hindi ko na s'ya mahabol at hindi korin naman s'ya macoconvince kung ang pagsasalita at ang nakita ko lang ang pagbabasehan.