CHAPTER 7

2232 Words
SABAY na nag-angat ng paningin ang dalawa nang may humila sa isang upuang nasa kaliwang bahagi niya. Nasa Catherine's Garden sila ni Alota. "Can I join you, ladies?” Naunawaan naman ng bagong dating ang ibinabadya ng mga tingin ng dalawang dalaga. “Ang project site namin ay nasa kabilang kalsada lang at natanaw ko kayong patungo rito." Napaismid si Amirah. "Sure. We really don’t mind. Um-order ka na lang dahil inaantay na lang namin ang sa amin," wika ni Alota na hindi ata naitago ang pagkakilig sa matangkad na lalaki. Dahil self-service ang restaurant ay tumayo ang lalaki at nagtungo sa counter para um-order ng para sa kanya. "Halatang-halata ka beshy. Kilig na kilig ka naman sa lalaking iyon," bulong ni Amirah sa kaibigan. "Mas pogi pala siya sa malapitan bes," nangigigil pa si Alota. Pero napalis ang ngiti nito nang makilala ang babaeng nakatayo sa tabi ng kahera sa counter. "Hindi ba at si Trisha ang nakaputing iyon?" Kinilabit siya ng kaibigan. Pumihit siya at sinundan ang itinuturo ng kaibigan. Si Trisha nga ang nakikita niya. Hindi siya sigurado kung napansin rin sila nito. Pasimpleng inaayos ng babae sa braso ang manggas ng off-shoulder nitong floral maxi dress. Matamis ang ngiting nakatitig sa kaharap na customer sa may counter. Sa palagay niya ay hindi naman ito napapansin niyon dahil ang atensiyon ay nasa menu. Matalas ang memorya ni Alota. Pangalawang beses pa lang na pagkakakita nito sa babae pero natatandaan niya ito. Unang beses ay nang kasama niya itong umuwi sa kanila to spend the weekend. Noon din unang nakita ni Alota si Cliff. Nakabalik na ang lalaki sa kanilang mesa. Pagkaupo ay ipinatong nito ang kanang braso sa topback ng kinauupuan ni Amirah. Kung titingnan sa malayo ay para itong nakaakbay sa kaniya. Umayos ng upo ang dalaga. Inilibot ng bagong dating ang paningin sa paligid ng restaurant. "I like it here. This is truly a place of beauty and comfort. The ambiance of the garden is just breathtaking, right my dear?" Tinapik pa ng lalaki ang balikat ni Amirah. Iniusod pa nito nang bahagya ang upuan palapit sa kanya. Nang lingunin niya’y nakatingin ito sa kanya. Sinalakay ata ng nerbiyos ang dalaga at mula sa ibabaw ng mesa ay itinago nito ang mga kamay sa ilalim. Ipinatong ang mga iyon sa ibabaw ng kanyang mga hita. Para namang naramdaman ng lalaki ang discomfort niya. Pasimple nitong ginagap ang kaliwang palad niya. Hinila niya iyon ngunit mahigpit na pinigil iyon ng binata. "Tama ka, " sang-ayon ni Alota. "Aside from their exquisite cuisine, you will also wander around the beautiful flowers and plants." "Kung magsalita ka naman ay akala mo lagi kang narito. Pangalawang beses mo pa lang ngayon ah," sabad ni Amirah na ang pinatutungkulan ay ang kaibigan dahil dito ito nakatingin. Siya namang paglapit ng babaeng naka-maxi dress sa kanila. Kasunod ang waitress. Nakita pa nito ang magkawak nilang kamay ng lalaki. Nang hindi inaalis ng babae ang mga mata roon ay pinawalan ng lalaki ang palad niya. Matapos mailapag ang mga pagkain sa kanilang mesa ay tumalikod na rin ang waitress. Nginitian si Amirah ni Trisha. "Hello, Amirah? Still remember me? Trisha Arguelles. Naging magkaklase tayo sa dalawang subjects sa La Salle." Ahead ng two years sa kanya si Trisha. Ang naaalala niya ay transfer student ito from FEU sa kursong Tourism din noon. Hindi lang sila naging magkaklase kundi dati rin silang magkasama sa apartment na inuupahan. Una niya itong nakilala sa social media nang magpost siya ng makakahati sa upa sa apartment na pinili ni Timothy para sa kanya. Pero sadyang hindi siya nasanay na walang nakakasama sa tinitirhan kanya humanap siya ng makakahati. Nahanap naman siya ni Trisha at laking gulat niya nang maging kaklase pa niya ito sa dalawang subjects. Ayon dito, ang dalawang subjects na kinukuha sa first year ay wala nito sa FEU kanya binabalikan ang mga iyon. Pagkaraan ng tatlong buwan ay nagpaalam na itong bubukod. At mula noon ay hindi na sila madalas magkausap ng babae. Nagpalit na rin ito ng f*******: account kaya wala na siyang naging balita tungkol rito hanggang sa araw na iyon. “Upo ka, Trish. Join us,” si Amirah. "Oh. No, thank you, Amir. Babalik rin ako sa counter. And who is this gorgeous guy here?" Sa lalaki na ito nakatingin. "Oh, our friend, Trish. Rustam Montelibano," si Alota na ang sumagot dahil na sense niyang tensed na ang kaibigan. Dala ng kagandahang asal ay iniurong ni Rustam ang upuan at tumayo. Magalang nitong iniabot ang mga palad kay Trisha. "Pleased to meet you, Trisha," naramdaman ng binata ang pagpisil nito sa kanyang palad pero ipinagkibit-balikat na lang niya iyon. "I hope you enjoy the place. Catherine is my aunt. Narito lang din ako for a vacation," pero bago tumalikod ang dalaga ay pasimple nitong hinaplos ang braso ng binata at nginitian ito. Hindi nakaligtas sa mga mata ni Amirah ang simpleng pag-flirt ni Trisha sa binata. Matalim na tinapunan nito ng tingin ang binata. Nahulaan naman ng huli ang ibinabadya ng mga mata niya at humihingi ng pang-unawa nitong tinitigan ang dalaga. "Small world talaga," usal ni Alota. "Certainly," mahina niyang sagot pero iba ang nasa isip. "Kain na ladies, masarap kaya ang mga i..." hindi na naituloy ng binata ang sasabihin dahil tumunog ang iphone ni Amirah. Walang anuman nitong dinampot ang telepono sa ibabaw ng mesa. Naniningkit ang mga matang tumipa sa screen ng cellphone ang dalaga. Pinagmamasdan naman siya ng dalawang kaharap. "Love, di ka ba tinuruan na masama ang gumamit ng telepono habang nasa harap ng pagkain," wika ni Rustam. Napilitang itabi ni Amirah ang telepono at hinarap ang pagkain. Habang kumakain ay para namang imbestigador ang kabigan ni Amirah dahil walang tigil ito sa pag-usisa sa kaharap na binata. "Regina Carlota, you sound like a reporter," babala nito sa kaibigan. "No. It's okay love," sa tuwinang tatawagin siyang love ni Rustam ay namimilipit naman sa kilig ang kaibigan kanya hindi niya maiwasang mapasimangot sa lalaki. "Sobrang taas ng competition ngayon sa real estate business, huwag ka lang malingat at maiwawala mo ang isang malaking project," pagpapatuloy ng binata. "Napakasipag mo naman at talagang hands-on ka sa mga projects ng kompanya ni’yo gayong marami ka namang pwedeng utusan," wika ni Alota. "Nag-iingat lang ako na mahanapan ng butas ng mga kapatid ni Mama. Dahil kapag nagkataon, maaaring mawala sakin ang posisyon sa kompanya. Sa palagay ko, hinihintay lang nilang magkamali ako ng kahit konti lang at nakahanda silang magpetition at patalsikin ako sa kompanyang dugo at pawis ni Papa ang naging pundasyon," biglang lumamlam ang mga mata ng binata. Awa naman at pag-unawa ang nasa mga mata ng dalawang babaeng kaharap. Itinigil na rin ni Alota ang pag-usisa sa binata. Inako na ng binata ang bill ng kanilang kinain. At nang makalabas ang tatlo ay hindi na nila napansin ang matalim na tinging ipinukol ni Trisha sa kanila. Nang makaakyat sa opisina ang magkaibigan ay nag-usisa si Alota. "Si Cliff ba ang nag chat sa iyo kanina?" Ipinakita nito sa kaibigan ang picture na ipinadala ng nobyo. Napa-OMG si Alota. "Alam mo duda talaga ako sa Trishang iyan noon pa," nagpupuyos ang kaibigan. Hindi na lang niya pinalaki ang issue. Gusto niyang mag-explain sa nobyo kanina pero binura rin niya ang mga na-i-type na mensahe. Mas pinili niyang i-off na lang ang cellphone at nang hindi nito siya makontak. Sigurado si Amirah na kung hindi siya matawagan online ay tatawagan siya nito sa kanyang numero at raratratan. Naisip niyang palipasin muna ang araw na ito bago ito kausapin. Nakatakda pa naman niyang i-review ang mga customers' suggestions na ipina summarize niya sa HR ng Omega. Ayaw muna niyang mag-isip ng iba maliban sa kanyang trabaho. Nang makauwi nang hapong iyon ay hindi na nagulat si Amirah nang datnan ang binatang Montelibano sa kanilang drawing room o ang bahagi ng kanilang bahay na tanggapan ng mga bisita. Binati lamang niya ito at nagtuloy na sa kaniyang kwarto para magshower. Naisip niyang siguro ay may pakay siya sa kanyang Papa. Nang makapagbihis ay hinugot ang cellphone sa bag at ch-in-arge. Bumaba na siya at nagtuloy sa kusina. Bigla siyang ginutom sa pag-iisip kung paano magpapaliwanag sa nobyo. Gusto niyang ibunton ang sisi kay Rustam ngunit naisip niyang palalakihin lang niya ang issue kung ko-komprontahin pa niya ang binata. Naghanap ng makakain sa refrigerator. Nakakita naman siya ng left over na slices ng cake. Nagdesisyong magkakape na lang. Hindi kaya sobrang late na para magkape? Baka hindi na siya makakain ng dinner. Hay, whatever. Mas kailangan niya ng stress reliever ngayon. Nang pumihit ay nagulat pa siya nang mapansin ang pamilyar na bulto na nakasandal sa hamba ng pinto. Muntik pa niyang mabitiwan ang cake na hawak. "May kailangan ka?" pormal niyang tanong na hindi tumitingin sa lalaki. Ipinatong niya ang cake sa mesa at kumuha ng dalawang tasa sa cupboard. Yes. Dalawa pero ang unang balak niya ay siya lang ang magkakape. Lumapit ang binata. Matapos humila ng silya sa tapat niya ay naupo roon. Bigla namang na conscious ang dalaga. Naghanap ng percolater at nagpainit ng tubig. "Instant coffee lang ang kaya kong gawin, okay lang ba sa iyo," ipinagpalagay niyang magkakape rin ito. "Yes. That's fine with me. Basta ikaw ang may gawa," pagkatamis na ngumiti ang binata. Biglang nalito ang dalaga. Hindi malaman kung ano ang unang pupulutin. "Relax," hinuli ni Rustam ang isang kamay niya. Noon pa niya nararamdaman ang ganitong uri ng damdamin kapag nasa malapit si Rustam. Bigla siyang nauumid o di kaya ay ninenerbiyos. Ipinagkakanulo siya ng kanyang damdamin para sa lalaki. May pakiramdam siyang noon pa man ay may pagtatangi na siya sa binata. Hindi lang niya maamin sa sarili iyon. Alam niyang mali dahil hindi pa niya nareresolba ang conflict nila ni Cliff. Nang maisip ang nobyo ay tila naman siya nahimasmasan. Saka lang niya napansin na si Rustam na ang gumagawa ng kape nila. "Here," inilapag nito ang para sa kanya sa harap niya. Naupo na rin siya pero nananatiling hindi nakatingin sa binata. Walang imik ang dalawang nagkakape. Si Amirah naman ay nilalaro lang ang slice ng cake sa platito. "Hindi ka na nakakibo?" narinig pa niyang sabi nito. Nang nananatili siyang walang imik ay dumukwang ang binata at niyuko siya. Mabilis nitong na-i-dampi ang mga labi nito sa kanya. "I missed this, love," mahinang sabi nito na halos bulong na lang pero tumama ang hininga nito sa kanyang mukha. Amoy kape pa ang hininga nito. Uulitin pa sana ni Rustam ang ginawang paghalik pero naramdaman iyon ni Amirah kanya naitulak niya ito. "Ano ba? Namimihasa ka na," nag-tapang-tapangan ang dalaga. "Hahalikan mo ako kung kailan mo gusto at kahit saan. Nasa pamamahay ka namin Mr. Montelibano," napalakas ang boses niya. Siya namang pagpasok si Alesandra sa kusina. Nagkunwari si Amirah na parang walang nangyari. Si Rustam naman ay hindi inaalis ang mga mata sa kanya. "Instant coffee?” nagtawa ang nakatatandang kapatid nang mapansin ang mga plastic ng instant cofee sa mesa. “Ok din ang trip niyo ah. May coffee maker naman. Ayaw ba ni’yo ng brewed?" "Para maiba naman," sagot ni Rustam sa kapatid niya. "Naghihintay si Papa sa study room Rustam. Sumunod ka na lang daw doon," lumabas na rin ang babae. “Yeah, susunod na’ko,” tugon ng binata rito. Nang mapatingin si Amirah ay nakatawa ito at nang walang ano-ano ay sumeryoso. "Magkaibigan ba talaga kayo ni Trisha?" "Bakit naisip mong itanong iyan?" "Huwag mo akong sagutin ng tanong, Amirah," mariing sabi ng binata sa mababang boses. "Bakit mo ba pinakikialaman ang mga affairs ko? Kung kaibigan ko man o hindi si Trisha, e ano naman sa iyo. Kanina mo lang siya nakilala ah" angil niya rito. "Bakit may nahihimigan akong selos, hmmm, Amirah?" Tumayo ang binata at naupo sa tabi niya. Ihinarap siya nito at ginagap ang mga kamay. Inipit ng mga hita niya ang mga hita ng dalaga. Bumitiw ang isang kamay nito't hinawi ang mga hibla ng buhok niyang nakakalat sa mukha niya. Napasinghap si Amirah. "Can you not call me by my first name, love? Bakit nang muli kitang makita, Mr. Montelibano na ako sa iyo?" napatitig si Amirah sa binata. Naguguluhan. Mula naman nang makilala niya ito ay hindi niya tinawag ito sa kaniyang pangalan. "Mahirap ba sa iyong tawagin ako sa pangalan ko?" pagpapatuloy nito. Hinila ni Amirah ang mga kamay nito sa kaniya at itinulak ang mga hita ng binata. Ngunit para iyong mga bakal sa tigas. Ni hindi man lang niya natinag. "Alam mo bang kanina pa kita sa garden gustong halikan. I really can't get enough of you," bumubulong na ito sa kanya. At para namang kuryenteng dumaloy ang sensasyon sa kanyang mga ugat. Biglang -bigla ay parang may mga paru-parong namahay sa kanyang sikmura. Ganito ba talaga kalakas ang dating ng lalaking ito sa kanya? "Rustam, please!" Humugot ng malalim na buntung-hininga ang binata at pinakawalan siya. "I'm sorry," wika nito. "Tutuloy na ako sa study room. Kanina pa naghihintay si Tito." Naiwan naman siyang natutulala. Sa palagay niya ay hindi na niya kayang tagalan ang discomfort sa harap ni Rustam. Lalo na ang sa tuwina'y laging nangangailangan siya ng pagpapaliwanag sa kaniyang kasintahan na hindi niya malaman kung kanino kumukuha ng mga impormasyon sa mga nangyayari sa kanila ni Rustam. Kailangan na talaga niyang gumawa ng hakbang para maiayos ang lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD