Chapter 8

3564 Words
Mag-out ka nang maaga mamayang hapon, Amirah, anak at pakihatid kay Senyor Agusto ito," itinaas ni Timothy ang tangan na brown envelop upang ipakita kay Amirah. Nilingon iyon ng dalaga. Inilagay ng ama iyon sa glove compartment ng sasakyan. "Hindi ko ata kabisado ang daan patungo sa bahay ng senyor, Papa?" Si Amirah ang nakahawak sa manibela. Nag-prisinta ang dalagang samahan ang ama na bumisita sa isang endocrinologist. Lately, napapansin nilang madali itong mapagod at hapong-hapo. Nag-aalala ang ina na baka tumaas ang sugar ng ama. Alam nitong diabetic si Timothy. Ang duktor ng ama'y naka-resident sa Navarro Hospital at ang ospital ay nasa Isabela. Nakatayo ito sa unang bayan na madaraanan paglabas ng Quirino. "Madali lang nama'ng hanapin ang kanila, Amirah. Sundan mo lang ang kalsadang papasok sa baryo nila at nasa tabing-kalsada lang naman ang Montelibano farm." Tumango ang dalaga. Nang mabanggit ng ama ang mga Montelibano ay naalala nito si Rustam. Tatlong linggo na niyang hindi nakikita ang anino nito buhat nang huling magpunta ito sa kanila. Maaaring nakabalik na ito sa Manila. Ang kanyang ate Alessandra naman ay nakabalik na rin sa Batangas. Gustuhin man nitong magtagal sa kanila ay panahon naman ng pitasan ngayon sa kanilang manggahan. Nagkataong magsasaka ang napangasawa ng kanyang kapatid. Hindi na nakasama sa kapatid ang bayaw dahil ihinahanda raw nito noon ang mga tao nila sa kanilang farm para sa pagha-harvest ng mga mangga. Nang marating nila ang ospital ay itinigil ng dalaga ang sasakyan sa silong ng mataas na kaimito na nasa kaliwang tagiliran ng ospital. Nag-iisa lamang daw ang ospital sa bayang iyon. Kasunod ang ama, dumeretso sila sa information at ipinagtanong si Dr. Rodriguez. Itinuro naman ng nurse kung saang room nito matatagpuan ang duktor. Ang inaasahan niya ay isang duktor na nasa 40s ang dadatnan sa loob. Hindi niya sukat akalain na batang-bata ang duktor at magandang ngumiti. Bumati ang ama dito at ipinakilala siya. Tinanguan lang naman siya nito. Ipinagkibit-balikat na lang iyon ni Amirah. Hindi bale at hindi naman siya interasado rito. "It's good to see that your blood sugars are normal, sir," wika nito sa ama pagkaraang ma-test ang blood sugar nito. "It must be the medication that I am on, Justin. Isa pa, I have drastically reduced my carbs intake," ang Papa niya. Napakunot ang noo ng duktor. "No, you must not do that! Kailangan ng katawan mo kahit paano ng carbs, sir. Kung wala ito, you won't have any energy," sinulyapan nito si Amirah. Nginitian naman niya ito. "Kanya pala laging parang hinang-hina ka Papa dahil nasobrahan mo ang diet," nagtatawa si Amirah." Sinang-ayunan naman siya ng batang duktor. Matapos maresetahan ng duktor ang ama ay nagpaalam na sila rito. Nang maihatid ang ama sa bahay nila upang makapagpahinga ay dumeretso naman siya sa fast-food restaurant nila. Sinabihan na lang niya ang ina na huwag muna papuntahin sa hardware ang ama kahit ilang araw lang para makapag-relax. Doon na rin siya nag-lunch. Once a week kung bisitahin niya ito. Kinukumusta ang mga empleyado kung wala bang nagiging problema rito. Tiwala naman siya sa manager nito dahil bago ito naging manager ay nagsimula muna bilang isang waiter habang nag-aaral. Nang makapagtapos ay ginawang supervisor ng dating manager. Kaya nang magresign ang dating manager ay ready na ito para sa iniwang posisyon. Tinawagan na lang niya si Alota na hindi na makakadaan sa Omega dahil dederetso na siya sa Montelibano farm. Naisip na baka maghintay ang kaibigan sa kanya. Milya ang layo ng farm mula sa bayan. Kailangan pang maraanan ni Amirah ang isang baryo bago marating ito. Bagaman sementado ang kalsada ay maalikabok naman dahil ilang araw nang hindi inuulan ang kanilang bayan. Pumasok siya sa isang gate na kahoy. Ayon sa napagtanungang bata na naraanan niyang naglalaro sa kalsada sa harap ng huling bahay na pinanggalingan ay doon daw ang daan papunta sa bahay ng senyor. Mula sa gate na kahoy ay natatanaw na niya ang mga bahay sa di kalayuan. Hindi siya sigurado kung isa sa mga iyon ang sadya. Nagkamot ng ulo si Amirah. Dalawang bahay ang nasa kaniyang harapan. Sa palagay niya ay wala namang tao sa mga iyon dahil sa nakabibinging katahimikang bumabalot sa paligid. Hindi naman magkalayo ang mga ito. Mas mukhang bahay bakasyunan pa nga ang mga iyon. Ang isa ay may dalawang palapag. May palagay siyang old spanish style ito. Hindi siya interesado sa architectural aspect ng isang bahay pero napahanga siya sa pagkakayari nito. Ang ground floor ay gawa sa bato at gawa sa kahoy ang second floor. Tipikal na bahay ng mga Pilipino na may Spanish influence. Ang ikalawang bahay naman ay iisang floor lang na may wrap-around balcony. Ganoon pa rin. Bahay na common sa Pilipinas. Sari-sari ang mga nakatanin na bungangkahoy sa paligid. Ganoon rin ang mga bougainvilleas at paisa-isang puno ng croton plants na kung saan na lang itiulos ng mga may-ari. Matataas na ang mga iyon. Sa harap ng dalawang bahay ay may pabilog na swimming pool. May palagay siyang mga bata lang ang maaaring maglunoy doon. Sa di kalayuan ay may maliit na kubo na gawa sa kawayan. Kung para saan ang kubong iyon ay hindi niya mahulaan. Hindi niya alam kung alin sa dalawang bahay ang pag-aari ng Senyor. Inaasahan pa naman niyang mansion ang daratnan. Noon dumaan ang isang mama na kayag ang nakasingkaw na kalabaw sa kariton. "Naimbag nga aldaw mo manong,"wika niya sa dayalektong ilokano. "Kasta mut kinyam nining anya masapul mo," tinatanong nito kung ano ang kailangan niya. "Sadinnu ti balay ni apu Agusto?" Itinuro ng mama ang nasa kaliwang bahay sa harap hrap niya. Ang may dalawang palapag. Matapos magpasalamat ay pinuntahan ang nasabing bahay. Napansin niyang may hagdanan sa tagiliran ng bahay papuntang balcony sa itaas pero nagpasyang sa pintuan sa ibaba siya magpapatao po. Tatlong beses siyang nagpatao po pero walang sumasagot. Naisip niyang baka nasa itaas ang matanda kanya itinulak niya ng tuluyan ang bahagyang nakasarang pintuang kahoy. Kung exquisite ang exterior ng bahay ay namangha naman siya sa nakita sa loob. Hindi hamak na mas malaki ang kanilang bahay ngunit maituturing niyang kayamanan ang tumambad na laman ng kabahayang napasukan. Ang interior ay may Filipino-European influence. Sa isang sulok sa tabing pintuan ay may maliit na mesa na may nakapatong na tea set. European style ang tea set. Sa katabi nito ay isang bilog na mesa may dalawang silya sa magkabilaang side nito. Pupusta siyang gawa sa mwebles materyales ang furniture na nakikita niya. Solid na hardwood ang mga iyon. Sa tabi ng isang upuan ay isang vintage electic fan. Iginala niya ang paningin. Sa isang bahagi ay naroon ang double-sized bed, framed with hardwood. Sa paanan nito sa may floor nakalagay ang mahabang sungka na gawa sa kahoy. Sa tabi ng bed ay may maliit na silid. Kahit nakasara ang pinto niyon ay sigurado siyang bathroom iyon. Sa tabing-dingding ay naroon ang grandfather's clock na nakaframe sa kahoy. Mas mataas pa ata ito sa kanya. Sa isang sulok naman ay may maliit na cabinet na may nakapatong na vintage type writer. Sa katabing mini table nito ay naroon ang vinyl records. Marami pang uri ng furniture ang nasa loob. Mayroon ding nakasabit sa dingding na isang painting. Ang lighting fixtures ay European influence. At ang panels ng bintana na nakapaikot sa kabahayan ay yari sa sinepa. These tiny windows allow for ventilation of fresh air. Nang malingunan ang staircase ay naengganyo siyang akyatin iyon. Gawa rin iyon sa kahoy at makintab. Nakakadalawang steps na siya nang makarinig ng mga tinig na nanggagaling sa itaas. Natigilan siya. "Hindi ako maaaring magkamali, Rustam. Naroon ka ng gabing iyon. Ikaw ang bumasag sa mukha ni Aaron." Boses ba ni Trisha ang naririnig niya? Humakbang pa si Amirah paakyat. Nag-ingat na makalikha ng ingay. "He deserved it. At kung hindi lang ako nag-aalalang lumaki ang gulo at masangkot ang kaibigan ko, hindi pakikinabangan ng lalaking iyon ang mukha niya," kay Rustam ba ang boses na nanggagalaiti na iyon. Umakyat pa siya. Nang tamang-tama nang makita ang mga nag-uusap ay huminto siya. Tama ang hinala niya. Ano ang ginagawa ni Trisha rito? Hindi ba dapat ay nakauwi na ito? At si Rustam? Hindi ba dapat ay busy ito sa kanyang kompanya? Spacious ang second floor ng bahay dahil sa pinakagitna ay naroon ang sala. May mga mesa at mga upuang kahoy. Mat tatlong pintuang kahoy rin. Ngunit nawalan na siya ng interes na hangaan ang mga mwebles na naroon dahil nakuha na ng dalawang nilalang na ito ang atensiyon niya. Na-intiga siyang mag-evesdrop. Naroon si Rustam na nakalikod. Nakatayo ito paharap sa malapad na pintuang konektado sa balcony. Nakapamulsa ito. Si Trisha nama'y nakahalukipkip at nakasandig sa hamba ng pintuan. Nakaharap sa binata. "Bakit may palagay akong hindi alam ni Amirah na ikaw ang nag-uwi sa kanya ng gabing iyon?" si Trisha. "How did you know na hindi umuwi si Amirah nang gabing iyon, Trisha?" Lumapit ang babae kay Rustam. Hinawakan nito ang braso ng binata at may ibinulong dito. Napatda si Amirah. Hindi niya alam na siya pala ang pinag-uusapan ng mga ito. Batay sa kanyang mga narinig, pinatutungkulan ng mga ito ang nangyari sa Revel five years ago. Napaatras siya pababa ng hagdan. Nang marating ang pinakababang step ay napadiin ang hawak niya sa balustre ng hagdan. Paano nangyari iyon? Hindi niya inaasahan ang mga rebelasyong katulad nito. Hindi siya naging interesadong alamin kung sino ang lalaking iyon limang taon na ang nakalilipas. No. Hindi maaaring si Rustam iyon. "Amirah, apo? Ikaw ba iyan?" Napatingin siya sa tumawag sa kanya. "Nasa kabilang bahay ako apo, wala ba rito si Rustam?" pagpapatuloy ng matanda ng hindi siya kumibo. "Kayo ho ang sadya ko, Senyor. Ipinabibigay ho ng Papa ito," iniabot sa matandang lalaki ang envelop. "Ako na ho ang nagdala dahil masama ang pakiramdam ni Papa." Hindi sigurado si Amirah kung nahalata ng matanda ang paggaralgal ng boses niya. "Naku! Bakit hindi mo na lang itinawag at nang si Rustam na ang kumuha. Kararating lang uli ng batang iyon noong isang gabi. Ito ang dahilan ng pagparito niya," na itinaas ng matanda ang envelop na iniabot dito. "Dadalhin din niya ito pag-uwi ng Maynila." "Sige ho, Senyor. Tutuloy na ho ako," ibig na niyang makaalis agad sa lugar na iyon . Pakiramdam niya'y para siyang nauupos na kandila. "Bakit hindi ka pa rito maghapunan. Magpapahanda ako kay Lydia. Nasa kabilang bahay lang din siya." "Naku huwag na ho kayong mag-abala, Senyor. Nagluto ho ang Mama. Magtatampo ho iyon kung hindi ko papansinin ang mga inihanda niya." Wala siyang balak maghapunan kasama ang mga impaktong nasa itaas. Noon pa niya pinagtatakhan kung bakit ganoon na lang siya pakitunguhan nito. Kung bakit kung umasta ito ay para siyang pag-aari nito. Dahil... dahil... aaahhh hindi niya malubos maisip kung bakit nangyayari ang lahat ng ito sa kanya. Nasa loob na siya ng kotse ay nanginginig pa rin siya. Hindi malaman kung ano ang unang dadamputin. Nahampas niya ang manibela ng sasakyan niya na naging dahilan ng pagtunog ng busina niyon. Noon lumabas sa balcony ang binata, Nang makita ito ay nagmadaling pinaandar ni Amirah ang kaniyang sasakyan. Habang daan ay umiiyak siya. Nagpapalahaw. Wala siyang pakialam. Wala rin namang nakaririnig sa kanya at wala ring nakakakita. Sa nanlalabo niyang mata ay kinapa ang cellphone sa bag. Nang mahawakan iyon ay itinabi sa gilid ng kalsada ang kaniyang kotse. "Hello, Alota," humihikbi siya. Pinatatahan siya ni Alota para makapagsalita siya nang maayos. Mariing pumikit si Amirah at nagpatuloy. "Si Rustam ang lalaking iyon, Alota. Siya ang kasama kong lumabas ng Revel five years ago," nagpalahaw na si Amirah." Nabigla rin ata ang kaibigan at ilang segundong natigilan. "Narinig kong nag-uusap sila ni Trisha. Naroon siya sa kanila. Magkakilala sila, Alota." Sinabihan siya ni Alota na pakalmahin ang sarili at baka mapaano siya sa daan kung ganoong nag-iiiyak siya. Siniguro nito sa kaniyang maghihintay ito sa malaking bahay upang pag-usapan nila ang bagay na iyon. Wala na si Alota sa linya ay nananatiling walang kibo si Amirah. Tumatangis siya pero wala nang luhang lumalabas sa mga mata niya. Nahilam na. Bukod doon ay walang laman ang kanyang isip kundi ang isiping niloko siya ni Rustam. Nang maipayapa ang sarili ay nagpasyang lisanin na ang lugar na iyon. Higit kailanman ay ayaw na niyang makita ang mga Montelibano. Lalong higit si Rustam. She felt betrayed by him. BAGO siya pumasok ng bahay ay inayos muna niya ang kaniyang sarili. Naglagay ng powder sa mukha at pinasadahan ng lipstick ang mga labi. Tiniyak na hindi mapapansin ang namumugtong mga mata. Nadatnan na ni Amirah ang kaibigan sa sala ng kanilang bahay. Hindi nagpahalata sa kaniyang ina na naroon rin sa sala. Para walang anuman siyang bumati rito. Ipinaalam na nakauwi na siya. Iniiwasan niya ang nga mata nito. Inakala ng ina na tungkol sa trabaho sa opisina ang sadya ng dalaga. Lihim niyang sinenyasan ang kaibigan na sumunod ito sa kwarto niya. "Hindi ko alam kung ano ang iisipin sa bahaging iyan, bes. Mabuti na rin sigurong nalaman mo na si Rustam nga ang lalaking iyon," si Alota na nasa tabi at masuyong pinatatahan si Amirah. Nasa mga mata nito ang pag-unawa sa nararamdaman niya. "Hindi mo naman siya maaring iwasan habang buhay kung iyon ang balak mo. Magkikita at magkikita kayong tiyak." "Ang inaaalala ko ngayon, bes, e paano ko pakikiharapan ang lalaking iyon na hindi ko naaalala ang nangyari." "Nakaraan na iyon. Isa pa, bakit hindi kayo mag-usap upang matiyak mo kung ano ang talagang nangyari ng gabing iyon? Ang sabi mo nga ay wala kang natatandaan," suhestiyon ni Alota." Hindi rin siya sigurado doon. Nang magising siya ay suot pa niya ang mga damit. Wasak ang makeup at naaamoy pa niya sa sarili ang mga alak na nainom. Nanlalagkit ang pakiramdam at sabog ang buhok. Sa madaling salita ay mukha siyang bilasang isda ng umagang iyon. Hindi pa nga nakilala ang sarili nang mabistahan sa salaming naroon sa hotel room. Mabuti na nga lang at ang lalaking nasa shower na hindi niya alam ay ang lalaki ring hindi niya maamin sa sarili na may gusto siya. Dapat nga ba niyang ipagpasalamat iyon? Nang maipanatag ang loob ni Amirah ay nagpaalam na rito si Alota. Ipinagpasalamat niyang laging nasa tabi ang kaibigan. Napakatiyaga nitong makinig sa mga heartaches niya. Inimbita itong kumain na sa kanila ng dinner pero tumanggi ang huli. Ayon dito ay umiingit ang bunsong kapatid na kumain sila sa Jollibee. Lingid sa kaalaman ni Amirah, makaraan lamang ang kalahating oras ay dumating sa kanila si Rustam. Si Amalia ang nagpapasok rito at inutusan ang binatang akyatin na ang asawa sa study room. Marahil alam nitong wala namang ibang sadya ang binata kundi ang kanyang asawa. HINDI na bumaba si Amirah sa hapunan. Ang dahilan sa ina ay tumigil sa naraanang cafe nang pauwi na ito galing sa farm ng Senyor Agusto. Nang maghahatinggabi ay nakaramdam ang dalaga ng pagkalam ng sikmura. Nagpasyang bumaba sa kusina. Baka may naitabing leftovers si Nelia sa refrigerator. Iinitin na lamang niya. Nasa punong hagdan na siya nang mapansin ang bahagyang liwanag sa may dulong pasilyo. Hindi na niya pinagkaabalahang buksan ang ilaw sa dinaraanan. Baka nakalimutan lang ng amang magpatay ng ilaw sa study room. Tinalunton ang nasa dulong silid. Bago makarating doon ay mararaanan muna niya ang kwarto ng kaniyang kapatid na wala namang gumagamit dahil nasa Batangas ito. Nagpasyang puntahan muna ang silid na nasa dulo upang sana ay patayin ang ilaw. Nagulat pa siya ng sa pagtulak niya ng bahagyang nakabukas na pinto ay mabungaran ang lalaking laman ng kaniyang isip buhat kanina. Nakaupo itong nakatalikod at nakaharap sa laptop na nasa ibabaw ng table na naroon. Nang makarinig ng pag-ingit ng pinto ay napalingon rito. Napanganga ito nang makilala siya. "Ano'ng ginagawa mo rito?" nang makabawi ay wika ni Amirah. Ilang segundo rin siyang natulala. Hindi akalaing makikita roon ang binata. "Tinatapos ang site plan ng residential housing na itatayo sa nasasakupang property niyo," mataman siyang pinagmasdan nito. Pinaglakbay ang mga mata mula ulo.... sadyang itinigil ang mga mata sa tapat ng kanyang dibdib at bumababa pa. Na-conscious siya sa ginawa ng binatang pagbista sa kabuuan niya. Naipag-krus niya ang mga braso sa dibdib. Nakalimutan niyang manipis lang ang suot na two-piece lingerie. Mas mukha namang lingerie ang suot at hindi lang basta pambahay. A pair of spaghetti strap na pang-itaas at short shorts iyon. Huli na para itago ang mga nakahulmang mga kurba sa suot lalo at wala naman siyang suot na bra. Wala namang ibang tao sa bahay nila. Ang ama lang ang nag-iisang lalaki at sigurado siyang natutulog na ito sa ganitong oras. "Isn't it too late para takpan ang mga iyan," nakakalokong ngumisi ito sa kanya. Napaatras si Amirah. "Bakit dito mo ginagawa iyan?" Tumayo si Rustam at tinalunton ang kinaroroonan niya. Sumenyas ang dalaga na huwag siyang lalapit. "Kailangan kong hingin ang opinyon ng Papa mo para rito. Narito siya kanina," si Rustam na hindi pinansin ang babala ng dalaga. "Galing ka pala sa farm kanina?" Nang makalapit ay hinawakan siya sa braso at hinila siyang palayo sa pintuan. Sinipa ng isang paa nito pasara ang pinto. Hindi kayang salubungin ni Amirah ang mga mata ng binata. Ibinaba nito ang paningin sa sahig. Naramdaman niyang itinulak siya ni Rustam paatras sa likod ng pinto. Inipit siya ng katawan nito. Mataas si Rustam kanya tumama ang mukha niya sa matigas na dibdib ng binata. Napasinghap siya. "Bakit mo ba ako pinahihirapan ng ganito, love? You're a tease. Alam mo ba iyon?" Tiningala niya ang binata. "Ano ang ginagawa ni Trisha sa bahay mo?" out of nowhere ay nanulas sa kanyang bibig. Kawalan ng maisagot sa tinuran ng binata. Kumunot ang noo ng binata. Sigurado siyang nasa kanila si Amirah kanina dahil nang makarinig ng busina ay lumabas siya ng balcony upang alamin kung saan nanggaling iyon. Nakita niya ang kotse ni Amirah hindi kalayuan sa kanilang bahay. Bababain sana niya ito pero umandar na iyon paalis. Ang sabi ng lolo niya ay iniabot lamang ni Amirah ang envelop rito at umalis na rin agad. Paano niya nalamang nasa kanila si Trisha? Nasa daan na siya pauwi sa Quirino nang tawagan siya ni Trisha na may kailangan itong ikonsulta sa kanya. Balak ng kaibigan nitong nasa America na magpatayo ng bungalow sa loteng nabili nito sa lugar malapit sa farm nila. Hinihingi ang kaniyang opinyon para sa disenyo ng bahay na ipagagawa. Personally, hindi sila magkakilala ng babae at sadya siyang nagulat nang maging bisita nito ang babae kaninang makapananghali. "Paano mo nalamang nasa amin si Trisha?" idiin ni Rustam ang pang-ibabang bahagi ng katawan nito sa kanya. Naramdaman pa niya ang matigas na bagay na natapat sa tiyan niya. "Hindi mo sinabi sa akin na nagkita na tayo dati pa?" angil niya na hindi tumitingin sa binata. Ipinulupot ng binata ang isang braso nito sa beywang niya at hinuli ng kanyang mga labi ang mga labi niya. Tigas ang pag-iwas ng dalaga sa mukha ng binata. Naramdaman niyang ibinababa ng isang kamay nito ang isang strap ng manipis niyang pantulog at nahantad ang isang dibdib. Dinunggil ng binata ang isang n****e na nakahantad. Mariin siyang napapikit sa sensasyong naidulot niyon. "Ano'ng ginagawa mo?" hindi mabigkas ni Amirah ang sinabi. Nangangatog ang kanyang tuhod. Masuyong ihinaplos ng binata ang palad sa kanyang dibdib. Kinilabutan siya at napahawak sa mga braso ng binata. "I'm glad that you remember me now? Nasaan na ang dalagitang nakita ko sa isang night club five years ago. Hindi ka lang..." "May nangyari ba sa atin ng gabing iyon, Rustam?" "Ngayon nagagawa mo nang tawagin ako sa pangalan ko, love. Hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya," bumubulong si Rustam sa mukha niya at tumatama ang mabangong hininga nito sa kanyang ilong. Nanatiling walang kibo ang dalaga. "Nakaalis ka ng hindi man lang nasabi sakin kung ano ang pangalan mo. Hindi mo lang alam kung gaano ko gustong basagin ang bungo ng lalaking iyon na balak kang gawan ng hindi maganda." "Hindi kita naiintindihan." Pero sa halip na sagutin siya ay hinalikan siya nito. Naiyakap ni Amirah ang mga braso sa katawan ni Rustam sa ilalim ng mga braso nito. Sinalubong ng kaniyang mga labi ang nagbabagang mga labi ni Rustam. Naramdaman niyang bumababa ang mga labi nito sa kanyang leeg. He showered her wet kisses. Hanggang sa bumaba ang mga iyon sa kanyang dibdib. Habang ang isang kamay nito ay nasa kaniyang puson. Napa-oh pa siya nang maramdaman iyong bumaba sa gitna ng kanyang mga hita. Awtomatikong naitaas niya ang isang paa para biglang laya itong makapanaliksik sa munting perlas na naroon. "You're ready, love." Napamulagat siya nang maunawaan ang mga nangyayari. Nasa kahiya-hiya siyang sitwasyon. Napatingin siya sa mukha ng binata. Naroon pa rin ang pagnanasa sa mga mata nito at mukhang hirap na hirap. "No. Ano na lang ang sasabihin nila Mama?" naiiyak na wika ng dalaga. Naunawaan naman ni Rustam ang ibig sabihin ng dalaga at siya na ang kumalas dito. Inayos pa nito ang spaghetti strap na suot niya. "Mag-uusap tayo Amirah," mariin nitong bulong sa kanya. "Bumalik ka na sa kwarto mo habang kaya ko pang pigilin ang sarili ko" nasa tinig ni Rustam ang awtoridad. "Sisiguraduhin kong hindi ka makukuha ng iba. " Hindi na narinig ng dalaga ang huling sinabi nito dahil nagkumahog na siyang nakaalis sa harap ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD