Episode 3

2516 Words
Lumipas ang mga araw na ganito lang ang nangyayari sa buhay ko. Para akong nasa isang bakasyunan na nasa loob lamang ng bahay. Kain, tulog, kain at tulog lang ang ginagawa. Walang palya na ganito ang ginagawa ko. Ngunit nang dumating ang ikalimang araw ay bumalik muli ang babaeng ito sa akin. “Magbihis ka,” utos niya sa akin. “Para saan?” “Basta, sundin mo ang utos ko kung ayaw mong mayare tayong dalawa kay Mr. M,” “Papatayin nyo na ba ako?” “Tigilan mo na ‘yang kakasabi mo nang papatayin ka dahil hindi ka nila papatayin,” “Eeeh ano? Ipagbibili sa iba?” “Hindi. Basta magbihis ka at may pupuntahan tayo,” “Wala naman akong choice ‘di ba?” “Wala.” Pumasok ako sa silid ko para magpalit ng damit ko at paglabas ko ay biglang tumawa ng malakas ang babaeng ‘to. “Ooh? Anong nakakatawa?” nakakunot na noo kong tanong sa kanya. “Your taste is f*****g panget talaga!” natatawang sabi niya sa akin. “Ano naman kung jeans at tshirt lang ang suot ko kung dito ako komportable,” “Alam mo girl leave it! Ako na mamimili ng susuotin mo. Mukha kang manang eww! Gross!” “Ang arte-arte mo!” “Ssshhh…” lapat ng daliri niya sa labi ko. “Pumasok ka na sa loob at maghahanap ako ng damit mo dito. Ang dami-daming magagandang damit dito tapos ganyan ang napili mo.” Natatawang sabi niya. Masungit akong bumalik sa silid ko at hinintay ang babaeng ‘to. Ilang minuto lang ay pumasok na siya dala-dala ang isang pares ng damit. “Short? Seryoso?” tanong ko sa kanya. “Oo! Aanhin mo ‘yan maganda mong legs kung lagi mong itatago ‘di ba?” “Saan mo ba talaga ako dadalhin at may pagantong get up ka?” “Okay fine! Pupunta tayo sa mall at mag papaganda tayong dalawa. Okay na? Masaya ka na?” “Talaga? Pupunta tayo ng mall?” masayang tanong ko sa kanya. “Surpresa ko nga dapat ‘to kasi pinaghirapan ko ‘to kay Mr. M tapos ganyan-ganyanin mo ko,” nakataray na sabi niya sa akin. “Sorry naman,” panlalambing ko sa kanya. “Sige na mag-bihis kana diyan para makaalis na tayo,” “Sige-sige.” Mabilis akong nag hubad sa harapan niya at sinuot ang mga damit na dala niya para sa akin. “Alam mo ilang araw na tayong magkasama dito pero hindi ko pa rin alam pangalan mo,” sabi ko sa kanya habang nagbibihis. “So? Anong meron?” “Ano ba kasing pangalan mo?” “Para saan?” “Syempre para naman alam ko kung paano kita tatawagin,” “Wag na,” “Bakit hindi pwede?” “Ayoko,” “Okay sabi mo eeh… ‘Di na kita kukulitin.” Pagkatapos kong magbihis ay may inabot siyang bag sa akin at ito daw ang gamitin ko. Nakakatuwa na kinakabahan ako kasi sa loob ng labingpitong taon ko ngayon lang ako makakapunta ng mall. First time ko. Naririnig ko lang ‘to noon sa mga kapitbahay namin pero ngayon mapupuntahan ko na. Umalis na kami sa silid ko at sumakay muli kami sa bakal na kwarto na gumagalaw. “Ano? Ano ba ‘tong sinasakyan natin?” “Huh? Anong ano?” “Ito ba? Itong bakal na kwarto na ‘to?” Ang babaeng ‘to ‘di na naubusan nang kakatawanan sa katawan. Ginagawa na niya akong payaso. “Ito ba? Spaceship ang tawag dito,” “Spaceship? Huy babae ka nakapag-aral naman ako ng elementarya kaya alam ko naman ‘yan,” “Ayy ganun ba? Akala ko kasi no read no write ka,” “Grabe ka naman sa akin,” “Elevator ‘to para alam mo. Dito gumagawa ng bata ang magdyo-dyowa,” “Talaga ba?” “Oo,” natatawang sabi niya. “Ginagawa mo talaga akong katawa-tawa,” “De joke lang naman,” “Elevator nga ito? At sinasakyan ito ng mga mag sho-shota,” “Oo sige.” Nang nasa baba na kami pagbukas ng pinto nito ay nakita ko na naman ang mga lalaking ‘to. “Kasama sila?” “Oo,” “Bakit?” “Hayaan mo na.” Naglakad na kami papunta sa kotse na gagamitin namin at pagkatapos nun ay sumakay na kami. Seryoso lang na nakaupo ang babaeng ‘to sa tabi ko kaya natulog na lang muna ako sa tabi niya. Hindi ko na namalayan ang oras nito dahil ginising na niya ako. “Gising na Lydia, nandito na tayo.” sabi niya habang niyuyugyog ako. Idinilat ko ang mga mata ko at iniunat ang mga kamay ko sabay labas ng sasakyan. “Ito na ba ang sinasabi mong mall? Bakit puro sasakyan ang nandito?” tanong ko sa kanya. “Gaga nasa parking palang tayo,” natatawang sabi niya. “Aaahhh… Akala ko kasi ito na ‘yun.” Naglakad na kami papasok sa loob nito at ito na nga. Sa wakas! Nakaramdam na ako ng malamig sa katawan ko. “Nandito na tayo sa mall,” “Ito na ‘yun!” masayang sabi ko. Manghang-mangha ako sa mga nakita ko dito sa loob ng mall. Para akong bumalik sa pagkabata ko. Habang nag lalakad kami ng babaeng ‘to ay may mga lumalapit sa kanyang mga tao. “Si Anna! Si Anna!” Sigaw ng isang babae. “Anna? ‘yan pala ang pangalan niya.” sabi ko na lang sa sarili ko. “Huy Anna!” tawag ko sa kanya. “Ano? Bakit?” “Ahaa! Anna pala pangalan mo aah,” nakataray na sabi ko. “Ssshhh…” “Bakit?” “Dalian na natin,” “Bakit nga?” “Mga pinag kakautangan ko ‘yan baka singilin na nila ako,” “May utang ka?” “Oo kaya dalian mo na.” Nagmadali na kaming nag lakad ni Anna ang pangalan niya sa pupuntahan namin para matakbuhan namin ‘yung mga taong pinagkakautangan daw niya. “Dito na muna tayo,” sabay hinto sa isang tindahan. “Ano ‘to?” “Hair Salon,” “Beauty Parlor lang ‘to eeh,” “Ayy basta.” Binuksan na niya ang pinto at pumasok na kami sa loob. Pag-pasok naming sa loob ay agad na sinara ng mga tao ang buong parlor. “Bakit nagsara sila?” tanong ko kay Anna. “Kasi nga makikita ako nung mga pinagkakautangan ko,” “Aaah grabe naman pala ‘yung mga pinagkakautangan mo noh? Hindi ka na lulubayan. Sabagay ganyan din naman si Mr. M,” “Ssshhhh… Wag ka ngang maingay diyan,” “Di wag.” Lumapit sa amin ang isang babae at tinanong kung anong ipapagawa ko sa kanila. “What look do you want to achieve ma’am?” tanong niya sa akin. “Huh?” “Make her gorgeous,” “Ok ma’am, how about you?” “Just the old times,” “Ok ma’am.” Umalis na ang babaeng ‘to at ilang segundo lang ay may lumapit na sa aking isa pang babae. Hinawakan niya ang buhok ko at tinanong ako. “Ang ganda ng buhok niyo ma’am,” nakangiting sabi niya. “Ayy salamat.” nakangiting tugon ko. Hindi ko alam kung anong pinag gagawa niya sa buhok ko. Ang dami kasing pinaglalagay na mga gel. Tapos binabad niya at nilagay ang ulo ko sa isang bilog tapos umalis siya ulit at pag balik niya may dala-dala siyang batya na may lamang tubig. “Anong gagawin mo dyan sa batya?” tanong ko sa kanya. “Po?” gulat na tanong niya. “Anong gagawin mo dyan sa batya sabi ko,” “Ayy ma’am hindi po batya ‘to,” “Huh? Hindi ba?” “Ssshhh… Lydia… tumahimik ka muna.” utos sa akin ni Anna. Hindi na ako nag salita nito kasi pakiramdam ko na rin sa sarili masyado na akong patanga-tanga masyado. Ganito siguro kapag probinsyana ka na tapos hindi ka pa dinadala sa mga ganitong lugar. Ayun mag-mumukha ka talagang tanga sa lahat. Matagal ang proseso na ginawa sa akin ng babaeng ‘to kasi bukod sa buhok ko binabad pa niya sa tubig na may sabon ang mga paa ko. Nilinis niya din ang mga kuko ko sa kamay at ginuhitan at inayos ang kilay ko. May ginawa din siya sa pilik mata ko dinagdagan niya ng buhok. Ilang oras ang lumipas ay natapos na din akong pagandahin ng babaeng ‘to. “Ito na ang moment of truth mo, Lydia,” nakangiting sabi ni Anna. Itinapat nila ako sa isang malaking salamin at nakita ko ang sarili ko doon. Napaiyak ako sa sobrang tuwa dahil pati ako hindi ko nakilala ang sarili ko sa sobrang ganda ng babaeng nasa salamin na ‘to. “Ako na ba talaga ‘to?” naiiyak na tanong ko kay Anna. “Oo naman! May iba pa ba?” “Ang ganda ko!” Tuwang-tuwa na sabi ko. “Syempre naman.” Inabot ni Anna ang isang itim na card sa babae at ilang minuto lang ay umalis na kami. “Mag hahanap naman tayo ng damit na babagay sa ganda mo,” “Marami na sa kwarto ko,” “Malamang hindi na bagay ngayon ‘yun sayo,” “Pero hindi na kailangan Anna,” Pamimigil ko sa kanya. “Ssshhh… Ang sabi ko ‘di ba? Wag ka nang maingay? Ako na ang bahala sayo.” Tumango ako sa kanya. “Good.” Naglakad na kami ni Anna at sa paglalakad namin ay may mga taong kumukuha ng litrato sa kanya. Hindi kaya artista ‘tong si Anna? Bakit may mga taong kumukuha ng litrato niya? Imposible naman na may utang siya sa mga taong ‘to. Tanong ko na lang sa sarili ko. Pumasok muli kami ni Anna sa isang tindahan at katulad doon sa Parlor sinara rin nila ang tindahan para sa aming dalawa. Hinayaan lang akong magtitingin ni Anna ng mga damit dito at nakakagulat na lang na ang mga presyo dito ay isang daang libo. “Para sa isang damit gagastos tayo ng isang daang libo?” gulat na tanong ko kay Anna. “I said quiet,” “Okay.” Hindi naman ako ang gagastos pero nanghihinayang naman ako sa malaking pera na gagastusin niya para sa akin. Isa lang naman akong mahirap na tao kaya hindi ko deserve ang ganito. “Sukatin mo ‘tong gown na ‘to,” “Saan?” “Miss, tulungan mo nga ‘to,” “Okay po ma’am.” Inaya ako ng isang babae sa isang silid at pumasok kami doon. Tinulungan niya akong suotin ang magandang gown na ‘to at pagkatapos ay lumabas na ako. “Okay na?” “Hindi bagay sayo ang yellow. Hindi ka si Belle. Ito i-try mo.” Sabay abot ng isa pang gown. Pumasok ulit kami ng babaeng ‘to sa loob ng silid at tinulungan niya muli akong mag-alis at magsuot ng gown. Pagkatapos nito ay lumabas ulit ako. “Ayoko.” Pumasok ulit kami ng babaeng ‘to sa loob ng silid at nagpalit muli. At pagkatapos ay lumabas muli ako. “Next!” Ganun ulit walang katapusang labas pasok ko sa silid na ‘to para lang mag hubad at mag suot ng damit na pinapasuot niya sa akin. “Napapagod na ko,” Angal ko sa kanya. “Pwede ba! Ilabas niyo lahat ng mga best seller at newest designs ng mga gown nyo!” Sigaw niya. Kahit pagod na pagod na ako kakapalit ng damit ay sumunod na lang ako kay Anna hanggang sa mapunan ko ang kagustuhan niya. “Ito ba?” “Hmmm…” “Ano?” “Okay Cinderella,” “Will get the blue gown,” “Okay ma’am,” tugon ng babae sa kanya. “Cinderella? ‘Di ba children story ‘yun?” tanong ko sa kanya. “Yes, at babagay sayo ‘yun,” “Dahil ba sa nanggaling ako sa mahirap na pamilya at ngayon biglang nakaranas nang masagana? Ganun ba ‘yun?” iritableng tanong ko sa kanya. “Bakit may stepmother ka bang nananakit sayo? May mga stepsister ka ba at may palasyo ba kayo? Wala naman ‘di ba?” “Oo nga naman,” tugon ko na lang sa kanya. “Nagugutom na ako,” sabi ko sa kanya. “Later.” Umalis na kami sa tindahang ‘to at may pinuntahan na naman kaming isang tindahan. “Hindi pa ba tapos?” tanong ko sa kanya. “Malapit na Cinderella,” “Lydia, Lydia ang pangalan ko hindi Cinderella,” “Whatever.” Pumasok na kami sa tindahan na ‘to at ganun din ang nangyari sinara nila ang buong tindahan para sa aming dalawa. “Do her makeup and make her beautiful, May pupuntahan kaming party so she needs to be the best in the crowd,” “Okay ma’am.” Dinala ako ng babaeng ‘to sa isang pwesto at pinaupo sa upuan. Sinimulan niyang ilabas ang mga gamit niya na pang pinta sa mukha? Ayy hindi alam ko ang tawag dito. Nakita ko na ‘to sa bahay nila Aling Maria. “Me-makeup?” bigla kong nasambit. “Po?” gulat na tanong ng babae. “W-wala.” At talagang tumahimik na lang ako ng buong oras na ‘to at ramdam ko na naman ang katangahan ko. Pagkatapos akong ayusan ng babae ay inabutan nila ako ng salamin. May igaganda pa pala ako. Akala ko ‘yun na ‘yun. “So, okay na si cinderella. Now, makakakain ka na,” sabi niya sa akin. “Mabuti naman.” Umalis na kami ni Anna sa lugar na ‘to at bumalik na kami sa parking para sumakay muli sa kotse. “Ganito Lydia, Sa pupuntahan natin ayokong mag sasalita ka doon or may gagawin ka na kung ano,” “Bakit? Akala ko ba kakain tayo?” “Oo nga kakain tayo pero syempre magandang lugar tayo kakain at maraming mayayaman na tao doon,” “Aaah ganun ba?” “You have to wear this,” sabay abot ng maskara sa akin. “Para saan ‘to?” “Para hindi ka nila makilala doon kasi lahat ng mga tao dun nakaganyan din. Iniiwasan kasi nila ma-issue o ma-scandal sila kaya nag susuot sila ng ganyan,” “Aaah sige… pero paano ako kakain nito?” tanong ko sabay kuha ko ng maskara sa kanya. “Nakita mong half lang ‘yan ‘di ba? Ang gagita mo talaga,” “Ayy oo nga. Pasensya na at gutom na talaga ako.” Nakataray na ngiti ko sa kanya. Hinawakan ko na lang muna ‘to para hindi mamawis ang mukha ko. Lumipas ang ilang oras na biyahe namin ay nakarating na kami sa pupuntahan namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD