Episode 2

2153 Words
Habang nag pupumiglas ako sa dalawang lalaki na ‘to ay binunot ng isang lalaki ang baril sa beywang niya at itinutok sa sentido ni itay. “Sasama ka o papatayin namin ang tatay mo?” tanong sa akin ng lalaki. “Lydia anak!” Sigaw ni itay sa akin. “Ayoko! Hindi ako sasama sa inyo!” Sigaw ko sabay tingin ng masama sa lalaking ‘to. Walang pag dadalawang isip ay binaril ng lalaking ‘to si Itay Narsing. Napapikit ako sa sobrang takot ng marinig ko ang putok ng baril niya pag tingin ko sa tabi ko nakita ko ang itay na dahan-dahang papabagsak sa sahig at naliligo ng sarili niyang dugo. “Kunin niyo na ang babaeng ‘yan bago pa dumating ang nanay niya!” Galit na sabi ng lalaki. Umurong ang dila ko at hindi ko na magawang makapag salita pa. Patuloy na dumadaloy ang mga luha sa aking mata. Hindi ako makapaniwala na sa isang iglap ay mawawala ang itay. Isang bala lang ng baril ay panghabang buhay na siyang mawawala sa mundo. Ang tapang-tapang ko pa kanina hindi ako nag isip na ang mga taong kaharap namin ay mga taong masasama. Sa katabilan ng bunganga ko isang buhay ang nawala. Hindi ko maramdaman ang katawan ko parang umalis ng bahagya ang kaluluwa ko sa katawan ko dahil sa gulat. Sobrang nanlulumo ako sa nangyayari kaya iyak na lang ang tanging nagagawa ko ngayon. Hindi ko lubos maisip na dahil sa mga salita ko ay mamamatay ang itay. Dapat pala pumayag na lang akong sumama sa kanila kanina pa lang para hanggang ngayon buhay pa ang itay kaso bakit kasi kailangang ako ang ibayad para sa utang niya? Paano umabot ng sampung milyon ang utang ni itay kay Mr. M? Naguguluhan ako sa mga oras na ‘to at hindi ako makagalaw nang maayos at makapag salita kaya hinila na lang ako ng dalawang lalaki na ‘to papunta sa kotse nila. Iyak lang ako nang iyak sa mga oras na ‘to hanggang sa makasakay ako sa kotse nila. Gusto ko sanang sumigaw ng malakas pero may baril na nakatutok sa tagiliran ko. Wala ring kapitbahay ang nagtangkang lumabas ng bahay nila dahil alam nilang pati sila mapapahamak kapag tumulong sila sa akin at sobrang layo ng barangay o pulisya dito sa lugar namin. “I’m dead.” Malungkot na sabi ko sa sarili ko. Patingin-tingin ako sa paligid nito kahit pa may baril na nakatutok sa tagiliran ko. “Mamamatay na lang rin naman ako bakit hindi ko pa susubukan ‘to.” sabi ko sa sarili ko. Napatingin ako sa likuran ko at nang makita ko si inay ay sumigaw ako nang sobrang lakas. “Inay! Inay! Tulungan mo ako!” Sigaw ko habang umiiyak. Kinalampag ko ‘yung bintana ng kotse habang nag-sisisigaw ako. Nakita ako ni inay nito kaya kahit pa may dala siyang malaking banyera na may lamang mga damit ay binitawan niya ito para takbuhin ako. “Anak! Anak! Anong ginagawa nyo sa anak ko!” Sigaw niya habang kinakalampag ‘yung sasakyan. “Nay! Tulungan mo ako!” Sigaw ko. Pilit na binubuksan ni Inay ‘yung pintuan ngunit mabilis na pinaandar ng driver ang kotse at umalis na kami. Tinalian ng lalaki ang mga kamay ko upang hindi ako makagalaw nang maayos at binusalan ang bibig ko para hindi ako makagawa pa nang ingay. Patuloy na umaagos ang luha sa aking mga mata hanggang sa manakit ito. “Ito na ang katapusan ko.” sabi ko na lang habang papapikit ang mga mata ko. Katapusan ko na! Anumang oras ay mapapasakamay na ako ni Mr. M. Kukunin ba nila ang mga lamang loob ko? Papatayin din ba ako gaya nang pag patay nila kay itay? Unti-unting bumibigat ang talukap ko kaya unti-unti din akong nakakatulog sa upuan ko. Lumipas ang mga oras. “Gising na! Gising!” Panyuyugyog sa akin ng lalaking katabi ko. Pagmulat ng mga mata ko ay nagulat akong nakangiting nakatingin sa akin ang mga lalaking ito. “Ano?” galit na tanong ko sa kanya habang nakataas ang isang kilay. Matapang ba talaga ako o may saltik lang ako minsan. Kasi alam ko nang mamamatay tao ang mga kasama ko pero maangas pa rin akong makitungo sa kanila. Ito na ata ‘yung tinatawag nilang mamamatay kang may dangal. Habang nakangiti ang mga lalaking ‘to sa akin ay nakaisip ako ng pang-asar sa kanila ‘yung tipong mabubwisit sila sa akin at papatayin na lang ako bigla para matapos na ‘tong lahat. Wala na rin namang saysay ang buhay ko ngayon. Sigaw ako nang sigaw sa kanilang lahat para magalit sila sa akin at patayin na lang din ako tulad ng ginawa nila kay itay pero kahit pa sigaw ako nang sigaw ay hindi nila ako pinansin pang muli. “Ayusin niyo nga ‘yung takip sa bibig ng babaeng ‘yan baka bigla kong mapatay ‘yan,” galit na sabi ng isang lalaki. “Dalian n’yo!” dagdag pa niya. Tinanggal niya ang busal sa bibig ko at inayos ang tupa sa panyo. Habang tinitiklop ng lalaki ang panyo ay doon naman ako gumawa nang ingay. Nag sisisigaw ako sa loob ng kotse na ito kaya nagmadaling nagbukas ng pintuan ang isang lalaki at tinulak ako palabas ng kotse. Ngumudngod ako sa sahid at madaling tinali ng mga lalaki ang paa ko kasabay ng pagtakip sa bibig ko. Nagpupumiglas pa ako nito sa kanila ngunit malalakas sila kaya wala rin akong nagawa. Tapos nagasgasan ‘yung tuhod at siko ko dahil sa pagkakangudngod ko sa sahig. Hangga’t kaya ng katawan kong pumiglas ginagawa ko talaga sa kanila ‘yun kahit anong mangyari sa akin ngayon. Nakakapagod! Nakakapagod pa lang ipaglaban ang kalayaan mo! Matagumpay na natakpan ng lalaki ang bibig ko sabay tali sa paa ko ng ibang lalaki. Wala na akong palag ng mga oras na ‘to kahit ano pang gawin ko sa kanila. Pagkatapos nila akong talian sa paa ko ay binuhat na ako ng isang lalaki papasok sa isang building. Nakatingin lang ako nito sa kanya. Nang malapit na kami sa pintuan ay binaba na niya ako at hinayaan na akong maglakad sa sarili ko. Habang sinusundan ko ang mga lalaking ‘to ay nag iba ang t***k ng puso ko. Dahil habang papalapit kami sa pintuan ay mas lalong bumibilis ang t***k ng dibdib ko. “Ano kaya ang susunod na mangyayari?” tanong ko na lang sa sarili ko. Sa pag pasok namin sa pintuan ay may isa pang pintuan sa loob. Isa itong pintuan na may pindutan sa labas. Iba talaga ang mga gamit ng mga mayayaman. Kahit nakapunta na ako ng bayan ay hindi pa ako nakakapasok sa mga mall doon lagi kong nakikita ‘to kapag kasama ko ang inay pero ni minsan ay hindi kami nakapasok dito. Pumasok kami sa isang silid na bakal at nagulat ako ng bigla itong gumalaw. Napaupo ako sa kinatatayuan ko at madiin kong sinandal ang katawan ko sa haligi nito. Takot na takot ako at kinakabahan dahil dito. Mabilis lang ang pangyayari at bumukas na ang pinto at isa-isa na silang lumabas. Pag labas ko ng pinto ay kinaladkad naman ako ng isang lalaki papasok sa isa pang silid. Pag-pasok namin sa loob ng isang kwarto ay nakita ko ang isang matabang matandang lalaki na nakaupo sa isang upuan. May nakapasak na matabang sigarilyo sa kanyang bibig at dalawang babae sa magkabilang gilid niya. “So, you must be Lydia.” nakangiting sabi niya sa akin. Nakatingin lang ako sa kanya nito at inaaral ko ang kanyang ugali. “Pakitanggal ang kanyang takip sa bibig para makausap ko siya.” utos niya sa lalaki. Agad na tinanggal ng lalaki ang takip sa bibig ko kasama ang tali sa paa ko. Pagkatanggal ng takip sa bibig ko ay agad akong lumuhod at humingi nang tawad kay Mr. M. “Babayaran ko po lahat ng utang ng tatay ko pakawalan niyo lang ako dito.” pakiusap ko sa kanya. Tumawa siya nang sobrang lakas sa akin. “Tumayo ka diyan iha,” nakangiting sabi niya sa akin sabay tayo sa kanyang kinauupuan. “Sige na! Iwan niyo muna kami dito,” Utos niya. Umalis na ang mga lalaking ito at iniwan na lang kaming apat sa kwarto. “Hubaran niyo na siya.” Utos niya sa dalawang babae. Agad na lumapit ang dalawang babaeng ito sa akin kaya nagpupumiglas ako sa kanila. Sigaw ako nang sigaw para marindi silang dalawa sa akin at sipa ako nang sipa para lumabayan nila ako. “Tumigil ka!” galit na sigaw ng babae sa akin. Hinablot niya ang buhok ko at winagwag ito. Pinag sasampal niya ako para matigil ako sa ginagawa ko. “Wag! Wag! Pakiusap! Gagawin ko ang lahat wag nyo lang akong galawin!” pakiusap ko sa kanila. Habang hinuhubaran ako ng isang babae ay nakadagan naman ang isa sa akin. Hindi nila ako pinapakinggan at patuloy pa rin sila sa ginagawa nila sa akin. Sumalampak ako sa sahig nito at pilit na tinago ang katawan ko sa matanda ngunit malalakas ang mga babaeng ito. “Wag! Pakiusap! Wag!” Sigaw ko habang umiiyak. Sinipa ko at pilit na kinakagat ang mga babaeng ‘to hanggang sa lumapit na sa akin si Mr. M at bigla akong sinapak sa aking tiyan. Natigilan ako sa ginawa niya at napahawak na lang sa tiyan ko habang iniinda ang sakit nang sapak na ito. “Papatayin mo na ba ako?” galit na tanong ko sa kanya. “Hindi pa,” nakangiting tugon niya. “Patayin mo na lang ako kaysa magdusa ako sa ginagawa mo sa akin!” Sigaw ko sa kanya. “Gagamitin muna kita at ipapagamit ka sa iba ko pang kaibigan at ipapagamit pa kita sa lahat ng mga kakilala ko!” natatawang sabi niya. “Bastos! Demonyo! Baboy! Matandang baboy!” Sigaw ko sa kanya. “Say whatever you want! Wala ka nang magagawa pa,” pang-aasar niya sa akin. “Alam mo kung anong sabi ng tatay mo sa akin?” tanong niya sa akin habang nakataas ang isang kilay. “Wala ka daw kwentang anak! Ikaw ang malas sa buhay nila ng asawa niya kaya tama lang na ikaw ang ibinayad niya sa akin para magkaroon pa ng saysay ‘yang buhay mo!” Maangas na sambit niya. “Wala na akong pake sa sasabihin mo! Wala na akong pake sa buhay na meron ako ngayon!” Sigaw ko sa kanya. Matalim ang tingin ni Mr. M sa akin nito sabay labas ng dila niya. Bumalik siya sa pwesto niya kanina at may bagay na kinuha. Mabilis na bumalik si Mr. M sa tabi ko at sabay tutuok ng baril sa sentido ko. “Isa pang ingay na manggagaling sayo sa impyerno ang tuloy mo!” galit na sabi niya sa akin habang nakatutok ang baril sa sentido ko. “Hindi ka pa patay pero bulok na sa impyerno ang kaluluwa at laman mo! Baboy! Baboy! Matandang Baboy!” sigaw ko sa kanya. Galit na galit si Mr. M sa akin kaya ipinukpok niya ang baril niya sa ulo ko sabay lukot ng kamao niya. Inilapit niya ang mukha niya sa akin. Malapit na malapit sa akin ilang sentimetro na lang ay mahahalikan na niya ako. Pilit kong nilulukot ang bibig ko ngunit sa sobrang kaba ay naibuga ko ang isang mainit na likido mula sa bibig ko. “Putang ina mo!” Sigaw niya sa akin sabay sampal sa magkabilang pisngi ko. “Kung pwede lang kitang patayin ginawa ko na!” dagdag pa niya. Parang mababale ang leeg ko sa lakas nang sampal niyang ito. Gigil na gigil si Mr. M sa akin kaya sinampal niya muli ako at pinag tatadyakan sa katawan ko. Sobrang sakit, Sobrang nanlalambot ang mga buto ko dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Pero kahit pa bugbugin niya ako mas masakit pa rin ang ginawa nila sa ama ko. Pinatay na walang kalaban-laban. “Ano? Matapang ka pa?” tanong niya. “Oo!” sagot ko. Nanlaki ang mga mata ni Mr. M sa akin ngunit napangiti rin siya ng bahagya kaya inutos niya sa kanyang babae na kunin ang kanyang patpat. Itinukod niya ang stick na ‘to sa dibdib ko at tinanong akong muli. “Ano? Matapang ka pa?” “Oo! Baboy!” Sigaw ko. “Talagang matapang ka aah… ‘Yan ang gusto ko palaban!” galit na sabi niya sabay hampas ng patpat sa akin. Napasigaw ako sa sobrang sakit ng lapat nito sa katawan ko. Pinipilit kong itago ang mga luha ko ngunit sa bawat hampas ng patpat na ito ay bawat tulo rin ng mga luha ko. Patuloy lang akong umiiyak at sumisigaw dahil sa mga palo niya sa akin hanggang sa mawalan ako nang malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD