LAMCE’S POINT OF VIEW
Habang busy ako magtrabaho ay nautusan ko ang aking sekretarya na dalhan ako ng kape at cookies. Kasalukuyang nag-iisip ako ng maaari pang idagdag sa menu ng Café y librería de L.M nang marinig ko ang munting pagkatok.
“Pasok!” saad ko nang malakas at pagtingin ko kung sino ‘yon ay ang aking sekretarya na si Caroline.
“Ito na po Ma’am Lamce ang latte at cookies, enjoy eating po,” ani niya pagkatapos ilapag nang maingat ang mga ‘yon sa aking table.
“Thank you, kumain ka na rin ng meryenda mo bago mo ipagpatuloy ang trabaho,” sagot ko saka kumuha ng isang cookie. Napapikit ako sa sarap niyon. Hindi naman ito sobrang tamis pero lasang-lasa ang dark chocolate na halo rito.
“Tapos na po ako Ma’am pero salamat po. Babalik na po ako sa trabaho,” tugon niya sa akin saka ngumiti.
“Okay, thank you ulit para rito,” wika ko saka sumimsim sa latte habang siya ay palabas na ng aking opisina. Saglit kong itinigil ang pag-iisip ng maaaring idagdag sa menu. Habang nagmemeryenda ay siyang pagbisita ko sa Bluebook account ko. Gamit ko ang laptop kaya naman kaagad bumungad sa akin ang group chat namin ng mga ka-batch noong high school.
Patt De Leon added Leana Portillo to the group
Iyon ang kaagad na bumungad sa akin kaya parang nanlamig ako. Muntik ko na matapon ang latte mabuti na lamang ay maayos ko pa rin itong nailapag sa table. Ang pagnguya ko ngayon sa cookie na kasusubo ko lang ay naging mabagal na.
“Bakit ganito pa rin ang epekto niya sa akin? Matagal na at akala ko wala na ang poot, pero narito pa rin pala . . .” bulong ko sa sarili. Bumabalik pa rin sa akin ang sakit sa puso sa tuwing naaalala ang naging relasyon namin noon.
Seven years ago . . .
“Mom, aalis lang po ako. Magkikita lang po kami ni Leana,” saad ko saka excited ako habang nag-aayos ng sarili. Masaya akong nakaharap sa salamin habang sinusuklay ang aking buhok. Kasalukuyang narito si Mom sa aking silid.
“Oh sige, basta huwag naman kayo masyadong aabutin ng gabi sa labas ah? Alam mo na, delikado anak kahit na sabihing nasa legal age na kayo,” sagot ni Mom sa akin.
“Oo naman po Mom! Saglit lang po, mag-aayos lang ako,” tugon ko at sinunod ko ang paglalagay ng simpleng kolorete sa mukha. Kitang-kita ko ang medyo chubby kong katawan sa salamin. Ang katawan na noon ay gustong-gusto ko magbago. Iyong maging slim kung tawagin nila, na flat ang tiyan at makurba ang baywang. Napakarami kong insecurities noon pero nagpapasalamat ako nang pumasok sa buhay ko si Leana. Ang babaeng nagpatibok ng puso ko mula nang sixteen years old ako. Two years ago na rin pala iyon at malapit na ang anibersaryo ng aming relasyon.
Ang suot ko ay puting blusa at pinarisan ko ito ng black short na ‘di rin naman sobrang ikli sa akin. Sunod ay nanatiling suot ko ang kwintas na regalo ni Leana, may kapares din itong porselas at ang pendant niyon ay ‘babe’ na siyang tawag namin sa isa't isa.
“Ang ganda-ganda talaga ng anak ko!” Nakangiti akong lumapit kay Mom at niyakap siya mula sa likuran.
“Syempre, nagmana po sa inyo eh!” wika ko na siyang nagpatawa sa amin. Noong tapos ko na ayusan ang aking sarili, nagpaalam si Mom na kailangan na rin niyang umalis para asikasuhin ang business kasama si Dad. Ginawa ko na lang ay dinala ang shoulder bag kong kulay puti rin na siyang kapareho din ng kulay ng flat shoes ko.
“Sa wakas, sa sobrang haba ng panahong busy kami ay muli kaming magkikita,” bulong ko saka ‘di nawala ang saya sa aking ekspresyon. Ginamit ko ang itim na sasakyan na niregalo nina Mom at Dad nang 18th birthday ko. Bago pa ako nagmaneho ay nag-text pa ako kay Leana na patungo na ako sa madalas naming puntahang kainan, sa Mang Inasal. Pagka-park ko ng kotse ay kaagad ko siyang natanaw na nakangiti habang nakatingin sa direksyon ko. Kumakaway pa siya kaya nagmadali akong lumabas at sinalubong namin ang isa’t isa ng yakap.
“Na-miss kita nang sobra babe!” wika niya at mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sa akin.
“I miss you too! Sobrang na-miss kita ang tagal din nating hindi nagkita!” tugon ko sa kaniya at ilang segundo pa ay naghiwalay na kami sa pagkakayakap.
“Tara na at papakyawin na natin ang unli rice ng Mang Inasal,” biro niya pa kaya naman natawa ako.
“Unli rice is one of our life babe!” ani ko kaya at masaya kaming pumasok sa loob. Nang makahanap kami ng maaaring puwestuhan ay siya na nag-volunteer na mag-order ng aming makakain. Busy ako mag-scroll sa Bluebook habang nakapila si Leana para mag-order nang makita kong may picture na naka-tag sa kaniya.
Picture iyon ng isang babaeng halatang may ibang lahi. Kulay brown din ang buhok at mahaba saka straight ito. Ang mga mata niya ay kulay green at sobrang ganda. Mahigpit itong nakayakap sa likuran ni Leana at halatang sobrang saya pa. Nang tumingin ako ulit kay Leana ay saktong lumingon siya nang nakangiti. Pilit din akong ngumiti at binalik kaagad ang atensyon sa phone nang umiwas na siya ng tingin. Tiningnan ko pa ang ilang photos at mayroon pang naka-kiss ang babaeng si Sabrina base sa name sa Bluebook. Sunod ay mas nawindang ako at nakaramdam ng matinding selos nang makita na si Leana naman naka-kiss sa pisngi ng babaeng si Sabrina. May picture din silang magka-holding hands at masayang-masaya habang parehong may hawak na popcorn. Nasa may malapit sila sa sinehan na pamilyar sa akin dahil doon kami palaging nanonood kapag may free time.
“Ano ang ibig sabihin ng mga ito?” pabulong kong tanong. Ayoko isipin na may iba na siya pero pakiramdam ko parang may mali na. Subalit ‘di muna rin ako magpapadalos-dalos dahil baka wala naman talaga itong malisya. Baka kamag-anak lang pero . . . lahat na yata ng kamag-anak niya nakilala ko na. Kaya sino ba talaga ang Sabrina Stone na ito?
“Babe, babe.” Kaagad akong lumabas sa Bluebook nang marinig si Leana na tinatawag ako.
“Ayos ka lang ba babe?” tanong niya sa akin at hinawakan pa ang aking kamay saka pinisil-pisil ito. Noon nagiging kalmado ako kapag ginagawa niya ‘yon. Ngayon, bakit hindi na? Hindi maganda ito.
“I’m sorry babe, ‘di lang ako makapaniwala sa news na n-nabasa ko. Hindi ko lang alam kung totoo o gawa-gawa lang,” sagot ko sa kaniya na siyang palusot ko. Noon naman dinidiretso kong tinatanong sa kaniya ang ilang babaeng halos makadikit sa kaniya ay wagas, pero ba’t ngayon nagbago na rin? Nagawa ko na magpalusot at sana ‘di niya napansin dahil medyo nautal pa ako.
“Akala ko kung napaano ka na babe, mamaya-maya darating na ang order natin okay? Picture muna tayo babe,” saad niya saka kinuha ang cellphone. Kaagad kaming nagtabi saka nag-picture. Nakailang pictures din kami na kung saan pilit ang ngiti ko at may pangamba pa rin. Hanggang sa dumating ang order namin ay kaagad kaming kumain. Tinapon ko muna lahat ng pangamba ko halos at nag-focus na lang sa kinakain ko. As usual ay nakailang rice kaming dalawa at pagkatapos ay kumain pa ng halo-halo. Busog na busog kami pareho at nag-uusap muli habang palabas.
“Nag-commute ka lang ba papunta rito babe? Ihatid na kita sa inyo kung gusto mo,” saad ko habang kinukuha na sa shoulder bag ang susi ng kotse ko.
“Nag-commute lang ako babe pero okay lang din naman na huwag mo na ako ihatid. May project kasi kami ng partner ko, si Sabrina. Kailangan na namin simulan para mas maaga naming maipasa. Don’t worry, ipapakilala kita sa kaniya sa susunod,” sagot niya at parang sinisigurado niyang ‘di ako magseselos dahil sa lambing ng pagkakasabi niya. Huminga ako nang malalim at kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko.
“Pero kung pwede ihatid na lang kita papunta roon para makatipid ka rin sa gastos? Please? Para mas marami pa tayong time makapag-usap kasi ang tagal-tagal na nating ‘di nagkita babe eh,” wika ko at binigyan siya ng ekspresyon na nagmamakaawa.
“Sorry babe, kahit hindi na talaga. Malapit-lapit lang naman ang apartment niya rito babe eh. Promise, tatawagan kita kapag nakarating na ako roon bago namin simulan ang project, please babe?” Napabuntonghininga ako at bumalik ang pagdududa ko na pilit kong winawaglit pero ‘di ko maalis talaga.
“S-Sige, hihintayin ko ang tawag mo ah? I love you babe,” tugon ko saka hinalikan siya sa pisngi. Ang ginawa niya naman ay halos beso-beso lang. Hindi man lang lumapat ang labi niya sa pisngi ko.
“Same babe, ingat ka sa pagmamaneho okay?” Dahan-dahan akong napatango at kumaway sa kaniya pabalik hanggang sa makaalis na siya. Tulala ako at napaisip sa sagot niya kanina. ‘Same babe’ lamang hindi tulad noon na sinasabi niya talagang ‘I love you too babe!’
Kahit sa tawag sa mga nakalipas na araw ay ganiyan na rin ang tugon niya na ‘di ko pinagdudahan noon pero ngayon labis na ang pagdududa ko. Nangangamba pa rin ako nang pumasok ako sa kotse at nagsimulang magmaneho. Hindi rin nagtagal ay bumuhos ang malakas na ulan kaya natagalan ako bago nakauwi sa mansion.
Ilang beses na akong napatingin sa phone ko kahit kaninang nasa byahe ako pero wala man lang akong na-recieve na call o text mula kay Leana. Kahit missed call man lang ay wala rin.
“Ma’am Lamce, nandiyan na po pala kayo. Pinapasabi po ng Mom at Dad niyo na ‘di sila makakauwi ngayon dahil sa lakas ng ulan. Mananatili raw po muna sila sa hotel ngayong gabi,” saad Ate Naida pagkapasok ko.
“Sige po, salamat po Ate Naida. Akyat lang po ako sa kuwarto ko.”
“Bago po pala ‘yon Ma’am, puwede po bang malaman kung ano po ang ulam na gusto niyo para sa hapunan po?”
“Kahit ginisang corned beef na lamang po Ate,” sagot ko saka nagpasalamat na rin bago tuluyang pumunta sa aking kuwarto. Pagkabukas na pagkabukas ko pa lang ng pintuan ay narinig kong nag-ring ang phone ko. Masaya ko itong tiningnan sa buong pag-aakala na si Leana iyon pero nagkamali ako. Napalitan ng pagtataka ang kasiyahan nang makita kong tumatawag si Lalisa.
“Hello, kumusta na? Napatawag ka yata? Hindi ka na busy?” tanong ko sa kaibigan ko.
“Bes! Seryoso talagang sitwasyon ito kaya bigla akong napatawag. Kanina lamang kasi ay habang nasa loob ako ng kotse ay nakita ko si Leana. May kasama siyang babae na brown at straight ang mahabang buhok. Parang green din ang mata? Nakita kong naghalikan sila, hindi lang sa pisngi kung ‘di pati sa lips! As in sa lips talaga Lamce! Naku! Sinasabi ko na sa’yo baka ang girlfriend mo ay niloloko ka na! Susundan ko pa sana sila pero nakita kong pumasok sila sa isang bahay na sa tingin ko pagmamay-ari ng babaeng ‘yon. Hindi naman kasi iyon ang bahay ni Leana eh. Ise-send ko sa’yo ang pictures at kung gusto mo samahan kita kung kailan mo gusto pumunta,” saad niya at ilang saglit lang na-recieve ko ang pictures at nanginginig akong tiningnan ‘yon. Namalayan ko na lang din na sunod-sunod na pumatak ang mga luha ko habang nakatingin pa rin sa mga larawan. Lahat nang nakita ko ay tugma sa mga sinabi ng kaibigan ko.
“Bes . . .”
“Sabihin mo ang lugar, pupunta ako ngayon mismo!”
“Pero Bes baka mapaano ka at ang lakas ng ulan ngayon,” tugon niya at alam kong nag-aalala siya pero parang sarado na ang utak ko kung anong puwedeng mangyari.
“Sabihin mo na sa akin, please?! Please Bes sabihin mo na, p-please . . .”
“Ako na pupunta riyan sa inyo at kinakabahan ako sa’yo lalo na kung ikaw magda-drive, malapit lang naman din ako sa inyo ngayon,” ani niya at nagpasalamat ako bago binaba ang tawag. Kaagad kong pinunasan ang mga luha ko pero patuloy pa ring may tumutulo. Alam kong nagtataka at nag-aalala ang ilan sa mga nakakakita sa aking katulong pero dire-diretso lang akong lumabas. Saktong naroon na rin si Lalisa at inalalayan niya ako hanggang makapasok sa passenger seat. Tahimik lamang ako buong byahe at ramdam kong palingon-lingon sa akin si Lalisa.
“Bes, kapag nangyaring niloloko ka niya hiwalayan mo kaagad. Nakakaloka ang Leana na ‘yon ah!”
“Talagang hihiwalayan ko siya kapag nalaman kong sinayang niya ang pagmamahal at tiwalang ibinigay ko!” sagot ko na may bahid na galit. Nagpatuloy si Lalisa sa pagmamaneho at halos kalahating oras din bago siya nag-park.
“Dito, Dito ang bahay na pinasukan nilang dalawa matapos masayang maghalikan ang mga loka-lokang bruha,” sambit niya saka agad kaming bumaba at nag-share sa payong.
“Mag-doorbell na tayo–”
“Huwag muna, susubukan ko muna siyang tawagan.” Pagkatapos ko maputol ang sasabihin sana ni Lalisa ay agad kong kinuha ang phone ko. Ilang ring at ilang tawag ang ginawa ko pero ‘di pa rin niya sinasagot. Umabot na sa puntong ‘di na siya matawagan pa kaya ako na mismo ang sunod-sunod na nag-doorbell.
Napatigil lamang ako noong makitang lumabas si Leana at sumunod ay ang babaeng si Sabrina nga at ang sweet-sweet pa nila sa isa’t isa. Nag-kiss pa muli sa labi bago humakbang. Nagtago muna kami ni Lalisa sa may halaman at nang makalabas sila ay nag-uusap pa.
“Goodbye baby, sige na, uwi ka na. Mag-iingat ka at maulan ah? I love you!” saad ng malanding si Sabrina.
“I love you too, baby! See you tomorro–”
“Ang kakapal ng pagmumukha niyong lokohin ako! May project pala ah? Project na landian? Project na manloko? Project na makipag-relasyon kahit alam ng may girlfriend na ang tao? Wow naman! Napakagandang project naman niyan, ano Leana?!” Gulat na gulat ang dalawa nang bigla akong magsalita at wala na akong pakialam sa payong na nabitiwan ko.
“Lamce . . .” sambit pa nilang pareho at mapait akong natawa.
“Wow! Kilala mo ako, Sabrina tama? Ang Sabrina Stone na nakita kong na-tag si Leana sa Bluebook at may mga pictures pang kaduda-duda. Pictures na aakalaing may relasyon, pinilit kong kinubli sa isipan ko na baka mali ang iniisip ko pero tama pala talaga! Lalo na nalaman ko lamang kay Lisa na nakita pala kayong naghahalikan at sobrang saya pa! Huwag na ring itanggi pa dahil may ebidensya, malinaw na malinaw na! Hay*p kayo! Mga malalandi at manloloko!” Hinihingal ako matapos n’on at sumasabay ang buhos ng ulan sa pag-iyak ko.
“Lamce, magpapaliwanag k-kami. Mali ang nakita m–”
“Ano Leana?! Mali ang nakita ko, ha?!”
“Oo, mali dahil–”
“Wow! Wow lang! Maliwanag na maliwanag na niloloko niyo ako! Imposible ring ‘di alam ng hitad na Sabrina Stone na ‘yan na ang sarap pukpokin ng bato na wala tayong relasyon? Kilala nga ako eh, hahahaha!” Galit na galit kong binitiwan ang mga katagang ‘yon at sinampal nang malakas si Leana, magkabilaang pisngi ko siyang sinampal sabay tumingin ako kay Sabrina.
“Bes, basang-basa ka na baka magkasakit ka,” wika bigla ni Lisa.
“Hayaan mo muna ako rito Lalisa.” Nahihirapan na akong huminga nang maayos kaiiyak pero hinarap ko pa rin ang dalawang taong nanloko sa akin. Wala na rin akong pakialam kung umiiyak sila sa harapan ko ngayon.
“Bakit hindi niyo na lang kasi aminin na niloko niyo ako? ‘Di iyong bibigyan niyo ako ng mga rason kahit maliwanag naman na ang lahat!”
“Oo na! May relasyon kami! Happy?!” Gigil na gigil ko na sinampal bigla si Sabrina at maririnig talaga ang lakas na pagdapo ng palad ko sa kaniyang magkabilaang pisngi.
“I’m sorry, I-I’m sorry Lamce . . .” sambit pa ni Leana habang nakaluhod na ngayon da aking harapan. Si Sabrina naman ay hinahaplos pa rin ang magkabilaang pisngi.
“Sorry not sorry pero kahit kailan hindi ko kayo mapapatawad sa panloloko niyo sa akin!” tugon ko sabay na binagsak sa harapan nila ang necklace at bracelet na bigay ni Leana sa akin.
“Sa’yo na iyan, ‘di ko na kakailanganin pa. Aalisin ko sa paningin ko at alaala ang lahat ng mga pinagsamahan natin at mga ibinigay mo dahil ‘di ko na kakayaning manatili sa buhay ko ang mga ‘yon. Nagsisisi akong minahal at pinagkatiwalaan kita sa loob ng dalawang taon. Magpakasaya kayong dalawa, goodluck din sa’yo Sabrina. Tingnan natin kung ‘di ka rin niya ipagpalit. Ako nga ay nagawang lokohin, ikaw pa kaya? Congratulations kung papanindigan ka niya,” ani ko saka kinuha ang payong na nabitiwan ko at binasag ang phone ko sa galit na nadarama. Sigurado ring nasira na ‘yon dahil nabasa na ng ulan.
Pagkatapos ay inalalayan ako ni Lalisa makasakay sa kotse at tuluyang nagmaneho pauwi sa amin. Hindi na rin ako nagpaligoy-ligoy pa dahil lahat ng gamit na mula kay Leana ay sinira, sinunog at itinapon ko sa sobrang galit ko sa kaniya.
Nalaman din nina Mom at Dad ang lahat-lahat nang makauwi sila kinaumahahan. Wala akong tinago, lahat ng pangyayari ay aking inilahad habang umiiyak sa pagkadurog ng puso ko sa unang pagkakataon dahil sa pag-ibig.
___
Namalayan kong tumulo na naman pala ang luha ko at tila bumalik ang sakit sa puso na nadarama ko dahil doon. Hinayaan ko muna ang sarili na umiyak bago naisipang bumalik sa trabaho at nag-out muna sa social media kahit ‘di ko pa nababasa ang mga chat nila sa group chat.