LAMCE'S POINT OF VIEW
Pagod akong lumabas sa opisina bitbit ang mga importanteng gamit. Closing na ng Café y librería de L.M kaya uuwi na rin ako. Sa buong oras ko yata sa opisina ay hindi na ako nakapag-isip nang maayos. Naging ukupado ito dahil sa kanina at sa mga masasakit na namang alaala.
“Goodbye po Ma'am Lamce.” Rinig kong paalam ng ilang nagtatrabaho sa aking café. Lumingon ako sa kanila at nakita sina Caroline, Elisse, Wilmer at iba pa.
“Goodbye rin, mag-iingat kayo sa pag-uwi ah?” tugon ko saka ngumiti.
“Opo Ma'am Lamce. Ingat din po kayo sa pagmamaneho,” ani naman ni Elisse at kumaway pa sila bilang paalam. Saglit din akong kumaway bago tuluyang pumasok at nilagay sa passenger seat ang bag ko saka laptop.
Sisimulan ko na sana mag-drive nang marinig ko ang pag-ring ng phone ko kaya kinuha ko ito agad sa aking bag. Nakita kong si Mom ang tumatawag kaya kaagad ko 'tong sinagot.
“Hello Mom,” ani ko at sumandal muna sa kinauupuan ko.
“Hey, pauwi ka na ba anak?” tanong niya at rinig ko ang malalim niyang buntonghininga. Napangiti ako dahil alam kong nag-aalala na naman sa akin si Mom.
“Yes po and don't worry Mom at safe po ako. Mag-iingat po ako mag-drive tulad nang palagi niyo pong pinapaalala sa akin,” wika ko.
“Oh siya, nag-aalala lang talaga ako palagi sa iyo. Sige na anak, pasensya na at kailangan na naming matulog ng Dad mo. Goodnight anak!” tugon ni Mom sa akin.
“Goodnight din po Mom pati po kay Dad. Don't worry lalo na 'di rin naman po kalayuan dito ang penthouse ko,” sagot ko saka sinigurado ko na maayos na nakakabit sa akin ang seatbelt.
“Sige anak, makakarating. Love you anak, bye!”
“Love you too Mom! Ba-bye!” Pagkatapos ng aming pag-uusap ay kaagad kong binalik ang phone ko sa bag. Saka ako nagsimulang magmaneho patungo sa penthouse. Habang nasa byahe ay paulit-ulit na namang nasa isipan ko ang pangalan ng babaeng first love ko at first heartbreak ko rin.
“Bakit ba lagi kitang naiisip ngayon? Hindi ito tama, ayoko na maalala ka pa. Matapos ng nga ginawa mo at ng Sabrina na 'yon na panloloko sa akin, ang kapal naman na naiisip pa rin kita,” bulong ko at lumikha muli na malalim na buntonghininga.
Noong makarating na ako at nai-park na ang kotse, kinuha ko ang bag at laptop ko saka susi bago lumabas. Sinigurado ko ring maayos kong iniwan ang kotse ko bago tuluyang tahakin ang daan patungo sa aking tirahan. Nang makapasok ako ay katulad lang noon, napakatahimik. Nagprito na lamang ako ng hotdog at sinangag ang kaning natira ko kaninang umaga dahil 'di pa naman panis 'yon. Matapos ay sa lamesita ako kumain na naroon sa sala. Nakabukas din ang phone ko habang kumakain. Naisip kong mag-back read sa group chat.
Sam: Naks! Nandito na pala si Leana!
Yen: Kumusta naman diyan Leana? Balita namin yayamanin na ah?
Fritz: Naku mga beshies, happy ang marriage life niyan with Sabrina Stone!
Natigilan ako habang nagbabasa at mapait na natawa.
“Wow? Kasal na pala sila? Sana lang 'di mangaliwa ang Leana na 'yon,” bulong ko saka pinagpatuloy ang pagbabasa.
Leana: Hi guys! Ayos lang naman ako rito sa States kasama si Sabie. Kumusta na kayo riyan?
Catrina: Wow! Ayos lang din naman kami rito. Mukhang ang ganda ng buhay diyan sa States ah? Belated congratulations pala sa inyo ni Sabrina!
Glenda: Not so happy to see you here L.
Lalisa: Same. Tsk.
Dina: Agree ako kina Glenda at Lalisa, period!
Napailing-iling na lang ako. Sina Glenda at Dina ang ilan sa ka-close ko rin noon. Nalaman din nila ang totoong nangyari pero 'di na namin sinabi ang totoong dahilan ng paghihiwalay namin nj Leana sa iba. Hindi ko naman kailangan pang ipangalandakan sa kanila iyon noon at 'di ko o namin utang na loob na sabihin pa.
Yen: Dina, Glenda at Lalisa, ano ba talaga problem?
Lalisa: Secret, but Leana knows why we're still mad at her. Congratulations nga pala sa kasal niyo, note the sarcasm please?
Glenda: (1)
Dina: (2)
Nasapo ko na lang ang noo ko. Na-focus yata ako masyado sa masakit na flashbacks kanina at hindi ko na napansin pa talaga ang conversation sa group chat.
Sa mga sumunod na usapan ay puro question marks ang reply ng iba na walang idea sa totoong nangyari. Puro seen na lamang din si Leana at 'di na nag-chat pa. Hanggang sa may bumasag ulit nang katahimikan. Ilang oras ang lumipas mula sa last message mula kay Fritz.
Sam: Guys, naisip ko lang. What if mag-reunion tayo?
Fritz: Ay mga baklesh, bet na bet ko iyan!
Sam: So guys, agree ba kayo?
Maraming sumagot na yes at kabilang na roon si Leana. Nag-yes din sina Glenda, Dina at Lalisa, halos lahat.
Fritz: Saan kaya maganda mag-meeting and sino willing na mag-manage para sa reunion? Iyong may free time talaga?
Lalisa: Puwede ako kung ang meeting day ay nakabalik na ako sa Pilipinas. Nandito pa rin ako sa Japan ngayon. Meeting place, pwedeng-pwede sa café ni Lamce. Pero wait muna natin response ni Lamce.
Yen: Ay oo! Matagal na rin pala nang huli akong bumisita sa brach ng café ni Lamce dito sa aming lugar!
Sam: Dito rin sa U.S.A palagi akong nag-breakfast sa café ni Lamce. Dito ko nga nakilala ang wifey ko eh . . .
Sunod-sunod na ayieeeeee! ang nakita kong reply kay Sam at may mga nag-react pa ng emoji sa message. Napangiti ako at na-heart react ang ilang message nila saka ulit nagbasa habang kumakain.
Henry: Wazzup guys! Katatapos ko lang mag-back read. Sang-ayon din ako na mag-volunteer sa pag-aayos para sa reunion. Isasama ko girlfriend ko, si Mariel. Siguro natatandaan niyo pa naman siya ano?
Dennis: Ngayon lang din ako naka-open, back read lang ako guys. Kauuwi lang galing work.
Tiffani: Same, katatapos ko lang din mag-back read. Syempre naman natatandaan namin si Mariel ano Henry! Siya lang naman ang ultimate crush mo noon! Naks naman! Nag-level up na pala ah? Girlfriend and boyfriend na pala kayo, congrats! By the way, sama rin ako sa pag-aayos for reunion. Pabor din sa akin nang super na sa café ni Lamce ang meet up para sa pag-uusap. Well, let's wait for Lamce's response and kung saang branch ng café tayo magkikita-kita.
Nag-si-reply naman ang iba na agree kay Tifanni. Iyon ang last chat at na-heart react ko rin tulad ng iba. Hanggang sa lumabas na typing si Fritz. Tinapos ko rin muna ang kinakain ko saka uminom ng tubig.
Fritz: Good evening Mars Lamce!
'Good evening din! Sorry, katatapos lang din kumain at kararating ko lang din kanina sa penthouse ko. Nakapag-back read na rin ako. Sang-ayon naman ako na ang meet up ay sa Café y librería de L.M. Dito sa branch sa Quezon City, ayos lang ba?'
Glenda: For me, ayos lang naman Bes!
Tiffani: Ayos lang din sa akin, sa iba ba? Oo nga pala Sam, nasa U.S.A ka pa rin 'di ba? Saka nasa Japan si Lalisa. So parang video call mangyayari para makausap din namin kayo?
Sam: Hmm, nope. Naisipan namin ni wifey na pumunta muna sa Pilipinas. Baka puwede ang meeting day kapag nasa Pilipinas na kami pati si Lalisa yata?
Yen: Agree, kapag nasa Pinas na sila. For now, mag-volunteer din ako at ayos sa akin talaga ang meeting place. May iba pa bang volunteer?
Glenda: Kami ni Dina, sasama rin kami. Matagal na rin nang huli ka naming makita @Lamce Gallardo.
'Ang tagal na nang huli tayong magkita-kitang apat, miss ko na kayo pati kayo guys! Oh siya, ba-bye muna at maghuhugas ako ng pinagkainan ko.'
Pagkatapos kong i-hit ang send button ay pinatay ko rin muna ang WiFi. Mabilis kong tinapos ang paghuhugas saka nag-shower din ako. Matapos mag-ayos ng sarili ay muli akong nag-open sa Messenger at nakita ang ilan pang nag-volunteer at pumayag sa meet up place. Nag-heart react lang ulit ako saka bigla ring nag-pop up ang call sa group chat kung saan kaming apat lang nina Lalisa, Glenda at Dina ang naroon. Kaagad kong sinagot ang tawag.
“Oh Gosh! Buti sinagot mo na Bes! Well, in-add pala ni Patt ang babaeng 'yon sa group chat ah? Magkaibigan nga naman,” saad ni Dina at napataray pa.
“Kasal na pala sila ng hitad na Sabrina na 'yon. Kalerkey!” wika naman ni Glenda.
“Kumusta ang heart Bes?” tanong naman sa akin ni Lalisa. Huminga ako nang malalim bago nagdesisyong sumagot.
“Ito, hindi ko ma-gets kung bakit naaapektuhan pa rin hanggang ngayon. Masyadong malalim ang sugat siguro lalo na first heartbreak. Naka-move on na ako pero sadyang 'di talaga mawawaglit 'yon sa isipan ko,” ani ko na may halong kasinungalingan. Sa mga nadama ko kanina, tingin ko sa sarili ay 'di pa rin talaga ako naka-move on nang bongga kahit pitong taon na ang nakalilipas.
“Sure ba 'yan?” tanong nila nang sabay-sabay kaya medyo natawa ako.
“Oo naman ano?! Wala na rin akong pakialam kung kasal na sila. Basta masaya ako ngayon dahil nakawala ako sa panloloko niya, nila, noon,” sagot ko saka ngumiti nang matamis.
“Loka ka! Well, I'm so glad ay mali we pala dapat. Masaya kami for you Bes at tama mas masaya na rin na nakawala ka sa panlokoko ng mga malalanding 'yon! Oh siya, kailangan ko na mag-sleep guys!” saad ni Glenda.
“Same thoughts kay Glenda. Goodnight mga Bes! See you soon! Nasabi ko na kay hubby ang tungkol sa reunion natin at sa meet up soon!” ani naman ni Dina na mukhang kinikilig pa. Masasabing sobrang ganda ng relationship nila ng asawa niya, hindi siya toxic na sana mangyari din sa akin balang araw.
“Goodnight sa inyo mga Bes! Sandali, huwag niyong kalimutang sunduin ako sa pag-uwi ko ah?! Limang araw na lang ako mananatili rito sa Japan dahil sa business din. Pagkatapos naman ay sabihin ko ang oras ng dating ng eroplano na masasakyan ko,” sambit ni Lalisa.
“Goodnight din! Oh siya, susunduin ka naman talaga namin Lisa! Sweet dreams guys, bukas ulit! Mag-bebe time na kayo Dina saka Glenda,” tugon ko naman na ikinatawa namin. Pagkatapos ng video call ay kinuha ko na ang laptop kong nasa sofa sa sala at dumiretso na ulit sa aking silid.
Hanggang sa makahiga ako sa kama ay bumalik na naman ang mga masasakit na alaala.
Kailan ba ito mawawala?! Okay na sana noon eh! Pero bakit tila bumalik na naman?! Anong gagawin ko kung sakaling makaharap ko sa reunion sina Leana at Sabrina kung isasama niya ito?! Pero bakit ko ba iniisip 'yon? Pitong taon na self, tigilan mo na! Ayoko na balikan nang balikan ang masakit na nakaraang pag-ibig. Sawa na ako.
Naiinis kong ipinikit ang mga mata ko at matagal bago ako tuluyang dinapuan ng antok.