Chapter 1
Honey tingnan mo maganda diba?" Turo ng dalagang si Ivy sa isang simpĺeng gown na nasa magazine kasalukuyan silang tumitingin ng mga gown na isusuot ng dalaga para sa kanilang nalalapit nang kasal.
Si Zachary ay isang pilipino half American.
At ang girlfriend naman niya ay isang pilipina na nakilala niya noong mag trabaho ito bilang isang stewardess sa company niya. anak ng may ari ng airline company ang binata na, na love at first sight sa dalaga ng magkita sila sa eroplano. gwapo ang binata. taglay nito ang mga katangiang hinahanap ng babae sa pisikal na anyo. mula sa mga malalantik nitong pilik mata at ang kulay bughaw nitong mata na animoy inaakit ang sino mang tumitingin. idagdag pa ang matipuno nitong pangagatawan na masasabi mong alaga sa ehersisyo.
At the age of 23 isa nang CEO ng family company nila ang binata. at dahil sa likas na matalino at magaling ang binata ay mabilis nitong napalago ang negosyo na pamilya nila. kaya masasabi ng dalaga na siya ang pinaka maswerting babae sa lahat dahil siya ang tanging babaeng minahal ng binata.
"Hmmm ... yeah its nice hon! I think babagay yan sayo I Can't wait to see you walking down the aisle wearing that gown." aniya sa babae niya sa babaeng mahal. napangiti ang dalaga sa kanyang pag sang ayon. ang sino mang makakakita sa kanila ay masasabing nakakakilig silang panoorin.
" I love you so much Zachy ko." Lambing ng dalaga sa binatang iniibig , hinawakan niyan ang pisngi ng lalaki at hinalikan ng mabilis sa labi na ikinangiti nman ng huli.
" Maam my napili na po ba kaung designs? " kinikilig na tanong ng gown designer ng naturang shop sa dalaga at binatang naglalambingan.
Sabay naman silang humarap sa bakla at nakangiting sinabi sa baklang designer napiling desinyo ng gown. matapos nilang pag usapan ang detalyi ng gown at nakasundo sa presyo ay kaagad na sinukatan ng bakla ang dalaga.
matapos masukatan ang dalaga at gawin ang mga kakailanganin nila ay pumunta muna sila sa restaurant at kumain. pagkatapos ay nanood ng seni at namasyal ang dalawang irog bago nag pasyang umuwi.
"Hon."
" ano yun hon?"
" Are you sure that you dont want to go with me? You know naman na hidi ako mapakali pag dika kamasama honey."
Saad ng binata dahil kina bukasan ay lilipad ito pabalik ng America upang asikasuhin ang negosyo. kasalukuyang nagmamaneho ang binata ng sasakyan pauwi ng tinanong niya uli ang dalaga kung buo naba ang desisyon nito na magpa-iwan nalang sa pinas.
gustuhin man ng binata na hindi umalis ay hindi niya magawa dahil sa daming trabahong nakabinbin sa states na kailangan niyang ayusin bago ang araw ng kanilang kasal.
"Yes hon Im sure about it. gustuhin ko man pero kailangan kung mag stay dito hon. I need to stay here for our wedding preparations. and we only have 3 months to prepare what if magkaroon ng hindi inaasahang problema sa preparations Who will be there to attend to? You know that hon. kaya please dito nalang ako ok?"
Napabuntung hininga ang binata at tumango tanda ng pagsuko sa pamimilit sa nobya.
"Hon. kahit magkalayo man tayo always remember one thing, na mahal na mahal kita at mag hihintay ako dito sa pag balik mo"
napangiti ang binata sa sinabi sa kanya nang dalaga. kahit madalas niya u***g naririnig sa babae ay hindi parin niya maiwasang kiligin sa tuwing magkasama sila.
" Hon what if something will happen unexpectedly tapos bigla nalang akong mawawala sayo."
" What? hindi ka mawawala sa akin hon. Im not gonna let it happen."
"for example lang hon. what if namatay ako?"
"No that's not gonna happen honey. and stop thingking negatives."
" What if nga lang. pero kahit mamatay naman ako I'll make sure naman na my heart will stay to love you hon. I promise that this heat of mine is only your honey."
Inis na itinigil ng binata ang sasakyan.
sa tabi ng kalsada at hinarap ang kasintahan. hindi niya maintindihan kung bakit ipinagpipilitan ng babae ang ganong klase ng usapan. ni isipin na mamatay ang babae ay hindi na niya alam kung makakaya niyang mabuhay nang wala ang dalaga.
" Hon. stop that nonsense, ayokong naririnig kang nagsasabi ng ganyan. in 3 months time ay gagawa na tayo ng sariling pamilya at tatanda tayong dalawa na magkasama kasama ang mga magiging anak natin. Ok?" anito habang hawak-hawak ang magkabilang pisngi ng dalaga.
" Hahahaha hey! Too serious. hindi ako mamamatay ok? , sinasabi ko lang yan kasi kung if ever man na mawala ako sa mundo. ibibigay ko ang puso ko sa sino mang mangagailangan nito."
" kahit na! ayoko paring marinig na sinasabi mo ang ganyan. you promise me that honey."
anito sa mahinahong boses.
"Ok! I promise you that honey!" pag sang ayon ng dalaga sa binatang kaharap sabay kinintalan ng halik ang labi nito. kaya naman napangiti narin ang binata at naiiling na inistart ang sasakyan upang ituloy ang pagmamaniho.
hinatid muna ng binata ang kasintahan bago umuwi sa kanyang condo. Pagkarating ng kanyang condo unit ay kaagad niyang inayos ang mga gamit na kakailanganin niya sa kanyang pag alis kinabukasan.
Ivy Rose point of view.
"Hi mom!"
bati ko ky mommy ng makita ko siyang abala sa kusina.
nilapitan ko si mom at humalik sa kanyang pisngi at nag mano.
" Hi honey! Kmsta ang lakad nyo ni Zach?"
" Ok nmn po mom. everything is set. by the way where is Farrah mom?"
tanong ko ng mapansin na nag iisa lang si mommy sa bahay.
" Oh! Nasa room niya, nag aayos at gigimik dw sila ng kaibigan niya." saad ng mommy niya na mahihimigan ang pagkaka dismaya sa kapatid niyang babae.
" Hayaan mo mom kakausapin ko nlng po si Farrah. "
saad ko kay mommy alam kung na na ees-stress na si mommy sa kaka consumision sa kapatid ko dahil wala na itong ibang ginawa kundi ang gumimik at mag barkada, ni hindi nito inaayos ang pag-aaral.
"Salamat anak."
"Segi po mom. aakyat lng po ako"
paalam ko kay mommy na tinanguan naman ng niya. kaagad na umakyat ako sa kwarto upang maligo at nang ma preskuhan ako. sa dami ng ginawa nmin kanina no Zach ay pakiramdam ko nalalagkit na ako sa dumi.
kaagad na kinuha ko ang tuwalya at pumasok ng banyo upang gawin ang ritwal ko. matapos kung mag half bath. kumukuha ako ng pares ng pantulog na damit nang may kumatok sa pintuan ko.
Knock ! Knock ! Knock !
"Pasok ! " Sigaw ko upang marinig ako ng sinu mang nasa sa labas.
" Hi ate Ivy" bati ng kapatid kung si Farrah. bihis na bihis na ito at kon todo make up ang mukha na animo isa na rin sa mga GRO ng club. napa iling muna ako sa nakikita kung ayos ng kapatid ko. bago ako nag salita
"O h Farrah ikaw pala, my kailangan ka?"
tanong ko rito. dahil hindi naman ito papasok sa kwarto ko kung wala itong kailangan
"Oh yeah meron. Can i borrow your car?"
" Bkit ka manghihiram ng sasakyan ko? Asan yung sasakyan mo?"
nagtataka kung tanong sa aking kapatid dahil sa pareho naman kaming may sasakyan kaya nakapagtataka na hihiramin pa ng kapatid ko ang sasakyan ko.
" Ayokong gamitn yung car ko ksi po nasiraan yun kanina kailangan ko pa pong ipaayos, kaya please ate pahiram ng kotse mo."
Napa buntong hininga na lamang ako sa kapatid ko bago pumayag na ipagamit sa kanya ang sasakyan ko.
"Thanks ate, bye! don't worry ibabalik ko po kaagad yung kotse mo bukas."
anito at umalis na. huli na nang maalala ko na kakausapin ko pa pala si Farrah. pero narinig ko nalng ang ugong ng papalayong sasakyan ko. kaya nag bihis na lamang ako at nag handa na sa pag tulog.
kinabukasan ay maaga akong gumising upang mag handa at ito ang araw ng alis ni Zach.
kaagad akong nagpaalam ky mommy ng matapos na ako sa mga kailangan kung gawin. minaniho ko ajg aking kotse papuntang Airport upang kitain ang binata bago ito umalis ng bansa. pagkarating ko ng airport ay masaya akong sinalubong ni Zach ng yakap at halik bago kmi nag paalaman na maghihiwalay na. siya upang pumunta ng America para sa negosyo at ako na magpapa-iwan dito at maghihintay sa kanyang pag babalik.
" Have a safe flyt hon." Ani ko sa kasintahan sabay yakap at halik sa mga labi nito. At nakangiting bumitaw.
"I love you hon!"
"I love you too!"
"Are you sure that your not coming with me?" muling tanong nito na ikinaikot ko ng eyeballs ko.
" Hon I told you in so many times, I will stay and wait for you to come back here. right?"
" But hon? What if I stay? I think I dont want to go."
anito na parang nagdadalawang isip na sa kanyang pag alis
"No honey ! you should go. Okay? , I'll be fine"
"Are you sure?"
"Yes hon, Il be fine"
"huah! Ok! if you insist then, I have to go. drive safely when you go home. ok?"
"I will honey"
tugon ko kaya naman wala na itong nagawa at sinunud nlng ang gusto ko na magpa iwan nlng. sumakay na ito ng private plane at naiwan ang akong tinatanaw ang pag angat ng sasakayang pang himpapawid at ang paglipad nito palayo sa paningin ko hanggang sa hindi ja maabot jg tanaw ko ang eroplano kasama ang taong mahal na mahal ko.
Zachary Hades point of view
Habang inililipad ako ng eroplanong sinasakyan ko ay hindi ako mapakali, I feel like there's something bad will happen. that's the reason why I want my girl to go with me. but she was quite persistent when she insisted to stay. And I don't have any choice but to let her.
Ivy is my everything, she's sweet, caring and thoughtful, hindi siya kagaya ng ibang babae na ang tanging alam ay ang mag party, si ivy ay napaka responsible, mahilig din siyang sumali sa mga pagkakawang gawa. Lagi siyang present sa mga charity events, kapag off niya sa airline.
The first time I saw her I knew she's the woman that I am looking for a partner. at first she seems so aloof with guy's, but I never lost hope that she will fall in love with me. that time that I was courting her.
I was the luckiest man on earth when she finally accepted my love. And my happiness becomes double when she agreed to marry me after 3 yrs that we've been together.
Finally we are both agreed to seal our love by marriage.
but for now I need to clear all my workload before we get married. I'll definitely gonna miss her but I promise to myself na kung makaka uwi na ako ng pilipinas ay babawi ako sa mga araw na malayo ako sa kanya.
natigil ako sa pag-iisip sa babaeng mahal ko ng lumapait ang stewardess upang ibigay ang dish na kakainin ko for my lunch.
And started to eat. After kung kumain ay binukasan ko ang loptop para simulan ng ei check ang mga emails upang simulang pag aralan ang mga kailangan kung gawin pag dating ko ng America dahil alam kung tambak na ako ng trabaho hindi paman naka lapag ang eroplanong sinasakyan ko. ng mapansin ko na my isang file na hindi naman related sa negosyo. Dahil curious ako binuksan ko ang file
Napangiti ako ng makita ko kung ano ang laman ng naturang file, Isang vedio na ginawa ni Ivy. I ddnt know kung kailan niya sinave ito sa loptop ko pero napapangiti ako ng makita ko ang vedio, its a recorded vedio habang namamasyal kmi.
Napapa ngiti ako habang pinapanood si Ivy sa vedio.
" Hi honey! Smile! Oh so handsome, how to be you po? why so gwapo ka po?"
" Hahahahah im handsome because i have you" sagot niya sa dalagang kinukulit siya habang nakaharap sa camera.
"Oh he's so charming."
dagdag pa ng babae sa harap ng camera na anyong kinikilig, habang siya naman ay hindi mawala ang tawa dahil sa kalukuhan ng girlfriend.
After non ay my iba pang mga vedios na naka save sa file. Patuloy ko itong pinapanood hanggang sa mapunta na ito sa pinaka last na naka save.
" Hi honey! I love so, so so much don't even doubt it your the only man that I would love forever mhwuua..." ani ng dalaga sabay flying kiss sa camera napailing nlng ang binata sa ka sweetan ng kasintahan.
"I love you to honey, and im missed you already!" aniya sa monitor na animoy naririnig dn siya ng kinakausap.
Pagkatapos niyang mapanood ang laman ng files ay nag pasya siyang isarado ang loptop at nag pahinga, dahil mahaba-haba pa ang kanyang magiging byahe.