Nagising akong hindi na mag-isa sa kwarto. Nag-inat ako at napahikab. Nakatulog pala ako? "Hello, sleepyhead..." Kaagad akong dinaluhan ni Skyrile at tinulungang umupo kahit hindi naman kailangan. Ngumiti ako at niyakap siya sa leeg. "Buti pinayagan kang pumasok dito?" Antok ko pang tanong. He chuckle. "Dumaan pa ako sa butas ng karayom, baby. Hindi naging madali ang lahat." Madramang sagot niya. Marahan ko siyang tinulak palayo. "Drama." Natatawa akong umirap. "Anong oras na pala? Kanina pa kayo dumating?" Tanong ko. Nagsuklay ako ng buhok gamit ang kamay 'tsaka bumaba ng kama. Todo alalay naman siya sa 'kin na para bang anumang oras ay mababasag ako. "Halos kadarating lang namin. Kumakain na pala sila sa baba." Sabi niya habang nakasunod sa ginagawa ko. Lumapit ako sa study table

