Sa araw na 'to. Kami lang ni Mommy at Cain ang nasa Mansiyon. Naging abala na kasi sila Daddy, Kuya Vlane at mga pinsan ko sa pag-aasikaso ng mga hindi nila nagawang meetings noong nasa ospital ako. Natambakan sila ng paper works kaya halos wala na rin silang time magpahinga. Si Lola Vicky naman ay parati nang kasama si Lola Amanda sa salon o pagsa-shopping. Noong maging close ang dalawang 'yon, hindi na namin mapaghiwalay. Silang dalawa lang daw kasi ang makakaintindi sa isa't isa. Parehas na daw kasi silang matanda. Natutuwa na lamang kami kasi nage-enjoy silang dalawa sa buhay nila. Hindi na rin nanghihina o matamlay si Lola Vicky kaya hinahayaan na lang din namin. Kahit papaano kasi nakakalimutan niya ang pagkawala ni Lolo. Binuhat ko si Cain nang abutan ko siyang naglalaro ng robot

