Prologue
Prologue
***
"Pare, anong nagyari kay Mario?" Gulong-gulo na tanong ni Alfred kay Rodrigo pagkalapit rito.
Natagpuan lang kasi ang malamig na bangkay nito sa isang abandonadong kwarto na nakabitay sa alambre. Halata sa mukha nito ang pagmamakamatay na may halong kakaiba.
"Hindi ko alam pare. Sabi kasi ng mga pulis kanina ay Suicidal case daw ang dahilan ng pagkamatay ng biktima" hindi makapaniwalang salaysay ni Rodrigo sa kaibigang labis na nag-aalala sa sinapit ng kanilang kasamahan. Unti-unting napatignin ang dalawa sa kamay ng kaibigan nang makita nila ang nakaukit na sulat rito.
Nanlaki ang mata ng dalawa ng mapagtanto nila ang nakalagay rito.
"Pare, hindi maari ito!" Bulalas ni Alfred pagkakita nito.
"Pare, kalma lang. Wala tayong kinalaman dito" pagpapagaan-loob ni Rodrigo kay Alfred. Subalit ang kaibigan ay hindi nakinig rito at halata sa mukha nito ang kaba at takot. Mabilisan itong tumakbo ng hindi tumitingin sa dinaadaanan mula ng makita ang isang misteryo na bumalot sa loob ng kwarto.
"Nooo! Lumayo ka sa akin!" Sigaw ni Alfred habang tumatakbo palayo sa pinangyarihan ng insidenti. Nagimbal si Rodrigo sa inakto ng kaibigan kaya agad itong napatingin sa kaibigan. Nanlaki ang mga mata niya at nakaramdam ng kaba at takot dahil sa nakikitang takot na rumehistro sa mukha nito.
"Alfreeed!" Tawag ni Rodrigo rito habang hinahabol ang kasama. Hindi magkandamayaw-mayaw ang kaibigan si Alfred dahil bakas sa mukha nito ang takot. Nabigla ang kaibigan sa inasal nito dahil parang may nakikita itong tao na hindi nakikita ni Rodrigo.
Sa bilis ng pangyayari ay hindi namalayan ni Alfred ang isang kotseng rumaragasa sa kalsada nang mabilisan tumakbo si Alfred dito pagkalabas ng bahay ni Recardo.
Pagkalabas ni Rodrigo ay agad siyang napahinto at napasigaw nang makita ang mabilis na takbo ng sasakyan na patungo sa kinaroroonan ni Alfred.
"Nooo! ALFREEEDD!" Tanging sigaw na lamang ang nagawa nito ng hindi na niya mapigilan ang isang rumaragasang sasakyan na patungo sa kinaroroonan ng kaibigan.
Sa isang iglap ay tanging huni ng gulong na kumikiskis sa sementong daan ang narinig. Isang trahedyang hindi kanais-nais ang sinapit ng kanyang kaibigan. Matapos makita ang isang hindi kanais-nais na nilalang sa loob ng kwarto.
Agad na natapon sa malayo si Alfred ng mabilisan siyang nabangga ng sasakyan at sa isang iglap ay parang isang lata ng sardinas si Alfred na natapon sa isang alambreng bakod malapit sa kalsada na nakasabit sa poste ng kuryente.
Agad na napatakbo si Rodrigo sa kaibigan at unti-unting napaupo pagkakita sa kaibigan na lumuwa ang dalawang mata bunga ng pagkalakas-lakas na pagtama nito sa poste ng kuryente, sabog ang ulo at labas ang utak nito sa na basag at hindi na makilala ang hitsura. Ang kanang kamay nito ay hindi makita dahil naputol ito sa kanyang balikat.
Nakita ang kaba at sobrang lungkot sa mukha ni Rodrigo at pasigaw na umiyak habang hawak-hawak ang matalik na kaibigan.
"Hindiiii!"
***
Isang insidenti na nangyari na naghatid ng matinding kamalasan na dumating sa buhay ni Rodrigo, Rico at Recardo ang pagkamatay ng dalawang kaibgan.
Ano nga ba ang dahilan ng lahat?
Ano nga ba ang misteryo na bumabalot sa pagkatao ng magkakaibigan at misteryo sa pagkamatay ni...
MARRIE ANNA DELA CRUZ??