Gino's POV
Habang nasa kasagsagan ako ng paghahanap ko ng susi ng kotse ko ay agad akong napalingon sa parking lot dahil nakarinig ako ng sigaw.
Unti-unti akong nakaramdam ng kaba ng mapagtanto kong boses ni Anna iyon. Mas binilisan ko pa ang paghahanap ko ng susi. Pero naiinis na talaga ako kasi kung kailan nagmamadali akong naghahanap saka ko naman hindi ito makita. Frustrated na talaga ako.
Nang makarinig na naman ako ng sigaw ay hindi na ako nag-dalawang isip na tumakbo papunta sa parking area.
Habang binabaybay ko ang daan patungo sa parking area ay hindi ko mapigilang hindi makaramdam ng kaba sa aking dibdib dahil sa mga sigaw na ito.
Pagkarating ko sa parking area ay agad kong nilibot ang paningin ko sa kabuoan ng lugar. Hinanap ko kung saan-saan at tinignan sa bawat sulok ng lugar kung saan may mga kotse pero walang Anna sa paligid.
Agad kong dinampot ang aking cellphone sa aking bulsa at mabilisan hinanap ang number ni Anna para tawagan. Mayamaya lang ay nagri-ring na ito pero walang sumasagot. Agad akong napabalik sa kotse ko ng makarinig ako ng tunog ng cellphone.
Pagkakita ko ng ilaw ng cellphone ay agad ko itong nilapitan at doon ko napagtanto na kay Anna ito.
Ang kabang bumabalot sa buong pagkatao ko kanina ay mas lalong nadagdagan ito.
"Anna. Saan kaba nagpunta?" Kabadong sabi ko habang patuloy parin sa paglibot ng aking paningin sa kapaligiran at nagbabaka-sakali na makita si Anna.
Subalit halos dalawang oras na akong naghihintay dito ay wala paring anino ng Anna ang nagpapakita. Agad kong tinawagan si Crizle at nagbabaka-sakali na nagpunta roon si Anna. Ilang ring lamang ito at agad na niyang sinagot.
"Hello! Gino napatawag ka?" Bungad nito sa akin pagkasagot ng tawag ko.
"Wala ba diyan si Anna?" Agad kong tanong dito.
"Wala. Akala ko ba kayo magkasama" sabi nito sa akin. Kinakabahan na talaga ako ngayon dahil sa nalaman ko kay Crizle.
"Sana hindi tama ang hinala ko na may nangyaring masama sa kanya dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko" sabi ko sabay hawak sa aking noo.
"Fahre wala ba diyan si Anna?" Agad kong tanong kay Fahre pagkasagot niya ng tawag ko. Siya ang agad kong tinawagan pagkababa ni Crizle ng Cellphone niya. Walang Hello/Hi dahil natatakot ako sa posibleng nangyari.
"Oh may problema ba?" Balik tanong nito sa akin na ikinaasar ko.
"Kapag tinanong ka. Wag mong isagot ang tanong din. Nandiyan ba si Anna?" Inis kong sabi rito.
"Oooh! Chillax! Wala si Anna dito. Akala ko ba magkasama kayo kanina sa field?" Sabi nito sa akin na may halong pagtataka.
"Sige salamat" pagkasabi ko nito ay agad ko ng pinutol ang tawag ko at hindi na hinintay pa ang sagot niya.
"Anna. Saan kana?" Bulong ko sa sarili ko habang nakaface palm.
Unti-unti akong humakbang papunta sa likod ng aking kotse. Subalit agad akong napahinto dahil may naapakan akong isang bagay na labis na nagpakaba sa akin.
Agad kong pinulot ang isang maliit na shoulder bag at nakita kong ito ang bag na ginamit ni Anna kanina.
"f**k!" Bulalas ko na lamang at unti-unting napasandal sa aking kotse. "Hindi pwedi 'to!" Galit kong sabi sabay sabunot sa akin buhok.
"Saan ka ba talaga nagpunta Anna?"
THIRD PERSON's POV
"Yaya hindi paba nakauwi si Marrie Anna?" Tanong ng Mama ni Marrie Anna kay Yaya Awring.
"Hindi pa po madam. Nag-aalala na ako sa batang iyon. Ngayon lang po kasi ginabi ng uwi" pag-aalalang sabi nito sa Mama ni Anna.
Agad naman napatingin ang Mama ni Anna sa wrist watch nito.
"Nakakapanibago" bulong nito at agad naman umalis at tinungo ang kwarto nila ng asawa niya.
"Hindi pa ba dumating ang Anak mo Isabel?" Unang bungad sa kanya ni Fernando na Tatay ni Anna sa asawang si Isabel pagkapasok nito ng kwarto nila.
Hindi agad sumagot ang babae at tumabi sa asawang nagbabasa ng dyaryo habang nagkakape.
"Hindi pa." Tipid na sagot nito.
Agad naman kumunot ang noo ng lalaki sa isinagot sa kanya ng asawa.
"Mag-aalas 10:00 pm na ng gabi pero hindi pa siya dumarating?" Takang tanong ni Fernando sa asawa.
Hindi umimik si Isabel at kitang-kita sa mukha nito ang labis na pag-aalala sa anak.
"Nag-aalala na ako Fernando. Sana walang nangyaring masama sa anak natin" labis na pag-aalalang sabi nito sa asawa.
"Hindi ba siya nagtext o nagpaalam sa iyo na hindi siya makaka-uwi ngayon dito sa bahay?"
"Hindi at ni isang tawag o text ay wala akong natanggap galing sa kanya. Wala rin siyang nabanggit sa akin kaninang umaga bago siya pumunta ng school" mahabang paliwanag sa asawa nito.
Namayani ang katahimikan sa pagitan ng mag-asawa dahil sa nangyari.
"Hindi mo ba natawagan ang isa sa mga kaibigan niya?" Tanong ni Fernando kay isabel. Kitang-kita na ang labis na pag-aalala sa mukha ng mag-asawa sa kanilang anak. Umiling lamang si Isabel sa tanong ng asawa at mabilisan kinuha ang cellphone at tinawagan ang isa sa mga malapit nitong kaibigan.
"Hello po tita. Napatawag po kayo?" Bungad ni Crizle dito pagkasagot ng tawag ni Isabel.
"Nandiyan ba si Anna sa boarding house mo Crizle?" Puno ng pag-aalalang tanong nito kay Crizle.
"Wala po tita. Hindi na po kasi kami nagkasama kaninang hapon na dahil busy po ako sa thesis ko. Bakit wala pa po diyan si Anna?"
"Wala pa Crizle. Nag-aalala na kami ng Daddy niya."
"Wala ka bang alam na ibang pweding matanungan kay Anna, Crizle?" Tanong ni Isabel kay Crizle.
"Mayroon po. Tatanungin ko na lamang po sila tita at agad ko po kayong tatawagan kapag may nalaman ako kung nasaan siya" sabi ni Crizle dito at agad ng nagpaalam kay Isabel.
Agad napabuntong-hininga si Isabel pagkababa nito ng Cellphone at unti-unting pumatak ang luha sa mga mata nito.
"Anong sabi?" Agad na tanong ni Fernando sa asawa. Pero pagkakita nito sa mukha ng asawa ay agad niyang nayakap ito.
"Ssshhh ok lang ang anak natin Isabel. Trust me!" Pagpapagaan loob ni Fernando sa asawa subalit kahit siya ay nakaramdam narin ng labis na takot sa anak.
"Sana nga Fernando dahil hindi ko kaya kapag nalaman kong may nangyaring masama sa anak natin" basag na ang boses nito pagkasabi niya dahil umiiyak na ito. Pilit naman siyang pinapatahan ng asawa dahil mas lalo lamang itong nakakaramdam ng takot sa buong pagkatao.
SOMEONE's POV
"Nakuha niyo na ba siya?" Tanong ko sa isa sa mga kaibigan ko pagkasagot niya ng tawag ko.
"Oo pare. Ang hot pala niya. s**t! Nag-iinit ang katawan ko" sabi nito na agad na nagpangiti sa akin.
"Gago! Wag na wag niyo siyang gagalawin hanggat wala pa ako diyan. Ako dapat makaka una sa kanya" sabi ko rito na ikinatawa lamang ng loko.
"Yes boss!" Napangiti ako sa tinuran nito. "Humanda ka ngayon Anna. Matagal ko ng gustong gawin ito saiyo pero hindi ako nagkakaroon ng pagkakataon dahil bantay sarado ka sarado ka ng bwesit na Gino na iyon" bahagya akong napahawak sa aking gitnang hita nang maramdaman kong bigla itong nabuhay.
"Just wait for a minute. Maangkin nadin kita Anna" agad akong napangiti ng nakakaloko pagkakita ko ng stolen pictire niya sa kamay ko.
"Akin ka lang Anna! Akin ka lang!"
***
Author note:
Sino kaya ang mga tao sa likos ng pangyayari?
Don't forget to vote and comment.
Just vote na lang kung tinatamad kayong magcomment ^_^
Gino's picture at the multimedia.
Thanks!