Third person's POV "Minahal kita gino pero bakit mo nagawa sa akin ito?" Iyak ni Marrie Anna habang puno ng dugo ang puting damit niya. Tila nabagabag naman si Gino sa sinasabi sa kanya ni Anna dahil nalilito siya sa mga kataga na lumalabas sa bibig niya. Pero mas lalo siyang kinakabahan dahil alam niyang patay na si Anna pero bakit nakikita at nakakausap niya ito gayon pumanaw sa siya. "Anong ibig mong sabihin Anna?" Nagtatakang tanong ni Gino na may halong pagkalito subalit hindi parin nagpatinag si Anna at lagi parin may luhang dumadaloy sa dalawang parehang mata. "Ikaw rin ang makakasagot sa tanong mo Gino. Tandaan mo... hindi ko kayo patatahimikin hanggat hindi ko kayo nauubos!" Sabi ni Marrie Anna na puno ng galit at poot sa mukha. Nanlaki naman ang mga mata ni Gino sa narinig a

