Third Person's POV Pagkauwi ni Mario, Alfred at Rodrigo sa bahay nila ay hindi mapakali ang magkakaibigan. Mataimtim na napatingin si Mario kay Alfred na hindi mapakali at kung anu-ano ang sinasabi niya. "Kailangan natin gumawa ng paraan para matapos na ang mga pangyayaring ito" palakad-lakad na sabi ni Alfred habang nakahawak ito sa kanyang baba. Hindi na lamang umimik si Rodrigo at Mario sa halip nagkatinginan ang dalawa dahil sa kakaibang kinikilos ng kanilang kaibigan. "Kailangan na natin itama ang mga maling nagawa natin" Naglalakad parin sabi ni Alfred. Habang si Rodrigo at Mario ay abala parin sa kanilang mga ginagawa. Agad naman napatigil si Alfred sa kakalakad nang marinig si Rodrigo na nagsalita. "Guys tignan niyo ito" Sabi ni Rodrigo sabay pakita sa kasamahan niya kung a

