Dumiretso na kami papasok ni Trixie roon sa nasabing bar, mukhang kilala na talaga siya rito dahil hindi man lamang s'ya binalingan ng tingin ng mga gwardyang nandoon.
Bago ako pumasok, tiningnan ko muna ‘yung nakasulat doon sa ibabaw ng pinto nitong bar.
'Nightshifter's Nightingale'
Nakasulat doon gamit yung mga neon lights na may iba't ibang klase ng kulay.
Haba naman yata ng pangalan ng bar na 'to.
"Akala ko ba bagong bukas lang ‘to, eh bakit parang feeling ko isang dikada na ‘to dito, " bungad kong sabi sa kanya pagkapasok namin sa loob.
"Oo tama ka, 10 years na 'to nandito, pero nagsara sila 1 year ago, ewan ko kung bakit, tapos ngayon naman nagre-open na sila, kaya parang bago na rin 'to. Mga business tycoon lang ‘yung nakakapasok, dahil sa sobrang higpit ng security." —tumigil siya sandali dahil may kinakawayan pa siyang mga tao— "dito kita naisipang dalhin kasi para makarelate naman ‘yang nightlife mo sa iba at the same time nasa comfort zone mo pa rin."
Pansin ko ngang halos lahat ng nandito ay puro mga business men lang o kung hindi naman ay mga anak ng mga mayayamang pamilya. May mga nakikilala rin akong mga mukha.
Maganda ‘yung interior design nitong lugar, maganda rin ‘yung pagkaka-organize ng bawat pwesto. May nagsasayawan pero nasa iisang lugar lang sila, two story ito, my staircase na papunta sa ibabaw na bahagi at doon mo makikita kadalasan mga business men talaga na nakatingin sa ibaba. Habang ‘yung iba naman may mga babaeng kung hindi katabi ay nakaupo sa mga hita nila.
Pumuntang counter si Trixie kaya sumunod na rin ako sa kanya, umupo kami roon sa dalawang bakanteng upuan.
"One margareta, please," sabi niya sa bartender tapos tumingin s'ya sa'kin kaya umorder na rin ako.
"One Long Island iced tea, " sabi ko rin na ikinakunot ng noo niya.
"Seriously!? Yan lang oorderin mo, mahihilo ka ba nyan?"
"Di ako mahilig uminom kaya ‘yan lang ‘yung akin, 'di naman ako katulad mong ang taas ng toleration sa pag-inom, " sabi ko balik sa kanya.
"Argh! How boring your life really is!" sabi pa nito tanda ng pagsuko.
"A little bit," sarkastiko kong balik.
Pagkatapos mabigay sa'min nung drinks ay agad ko na itong ininom, 'di talaga ako mahilig sa party-party o bar hoping at low tolerate pa ako pagdating sa pag-inom kaya madali lang talaga akong malasing.
Makakapunta lang ako sa mga gantong lugar kapag binitbit ako ng sapilitan ng babaeng ‘to. Oo boring nightlife ko pero 'di ko naman ‘yun kailangan.
What's important for me, is to establish our company properly. 'Yon lang.
Hindi ko pa nauubos ‘yung una kong order pero si Trixie naka apat na baso na, pansin ko na yung pamumula ng ilong n'ya pero hindi pa naman siguro s'ya lasing base na rin sa kanyang pananalita, tuwid pa kasi.
[...]
"Eh ba't mo pa kasi pinapahirapan ‘yang sarili mo, pwede mo naman syang tanggapin agad, sabi mo nga pasok naman s'ya sa ilang standards mo, ba't di mo na lang hi-nire agad, pinapahirapan mo lang sarili mo, Lian, " wika nya.
Naikwento ko kasi sa kanya ‘yung nangyaring interview ko kanina kay Christian Drew ba yun.
"Oo nga pasok siya pero... two years lang kasi ang natapos nun kaya nagdodoubt ako sa kaya nyang gawin. At isa pa, ayaw ko sa klase ng tingin nIya, nakakailang," sagot ko sabay inom na naman ng maliit na porsyento sa drink ko.
"Ayun, sinabi rin ang totoo," —sabi n'ya tapos tumingin sa gawi ko— "umamin ka nga sa'kin, Lian, crush mo yung tao no? ayieee. Natamaan na rin sa wakas ang gurang na, Lian."
"Hoy, hindi ako gurang no, 21 pa ko. Tsaka anong sinasabi mong crush ko ‘yun, hindi no, 'di ko lang talaga gusto ang uri ng pagkakatingin n’ya...” tumigil ako saglit, “at isa pa, may kung ano sa kanya na hindi ko matukoy, hindi ko lang talaga alam kung ano ‘yun pero aalamin ko, at ikaw na rin ang nagsabi—" 'di ko na natuloy ang sasabihin ko dahil pagtingin ko sa gawi n'ya, nakatulog na pala ang gaga.
Mapapasabak ako sa buhatan nito ngayon. Sino na lang magmamaneho sa'min.
Agad kong kinalikot ang phone ko para tawagan ‘yung driver namin sa bahay.
"Hello, Kuya Greg, pasundo na ako, pakidalian lang dahil nakatulog na ‘yung kasama ko, o sige bye, isend ko na lang sa inyo ‘yung address, " sabay baba ng phone.
Habang iniintay kong dumating ‘yung driver ko, nilibot ko muna ang tingin ko sa buong paligid.
Ilang libot lang ang ginawa ko ay nahagip na ng mata ko ‘yung lalaking kanina pa tingin nang tingin sa'kin, siguro ay kaedaran ko lamang ito.
Simple V-neck T-shirt ang suot nito tapos kulay maroon na pants.
Lumapit sya sa'kin kaya nagkunwari akong hindi ko sya tinitingnan.
Pagkalapit niya ay bigla na lang syang nagsalita. Ako naman ay patay malisya lang, kunwari 'di ko sya naririnig pero di naglaon ay kinausap ko na rin siya.
"Ahm hi, I don't know how to say this without hitting your ego but, who are you?" tumawa sya ng payak.
"You don't remember me?"
"I'm sorry but—"
"Siguro nga nakalimutan mo na ako. By the way, I'm Vincent De Leo. Nagkita na tayo before sa isang business orientation, pero mukhang nakalimutan mo na ako... ako yung nakabangga sa'yo at nakahulog ng mga papel na dala mo, remember?" pinanliitan ko s’ya ng mata, ang formal nyang magsalita pero ramdam kong nasa loob yung kulo nito.
"Ahh, yung sa BGC, oh yes now I remember you, sorry, madali ko lang kasing makalimutan ‘yung mga taong 'di importante sa'kin."
Tumawa na naman siya as if hindi ko s’ya naprovoke.
"Okay so ngayon , pwede na ba akong maging importante sa buhay mo?" sabi n’ya na nagpalingon sa'kin.
"Huh?" confused kong wika kahit na narinig ko naman talaga.
Mag sasalita pa sana siya ng makita ko na si Kuya Greg sa labas.
Tinted kasi yung glass wall ng bar na 'to kaya nakikita ko ‘yung nasa labas pero ‘yung nasa labas hindi nakikita ‘yung nasa loob, gets?.
"Ahm, I'm sorry... Vincent, pero naghihintay na ‘yung driver ko sa labas, so next time na lang tayo mag-usap, okay?" sabi ko sa kanya, binalingan ko naman ng tingin si Trixie, pano ko ilalabas ang babaeng ‘to ngayon.
Nakuha n'ya siguro ang mensahe ng tingin ko kaya bigla na lamang nyang binuhat si Trixie.
"Anong ginagawa mo?" tanong ko.
"I'll accompany you, don't worry hanggang jan lang sa labas," sabi niya, wala rin na naman akong magagawa kaya 'di na ako pumalag pa.
Binuhat niya na ‘yung tulog na tulog na katawan ni Trixie palabas nung bar, agad naman kaming nakita ni Kuya Greg kaya tumulong na rin ito.
"Thank you," sabi ko kay Vincent noong naisakay na niya si Trixie nang maayos sa Van namin.
"No problem, basta ikaw, " sabi n’ya pero hindi ko na lang pinansin. Sumakay na rin ako sa van saka sinabihan si Kuya Greg na umalis na.
Hindi pa kami nakakalayo ay narinig ko pang sumigaw si Vincent, naka-bukas kasi ‘yung bintana nung van kaya naririnig ko.
"Bye, Lian, see you next time, " sigaw nya.
Bakit alam niya ang pangalan ko, wala naman akong nabanggit kanina ah?
Baka stalker ko lang o baka naman narinig n’ya sa orientation, bahala na nga.
Medyo malayo-layo rin ‘yung exclusive subdivision namin sa bar kaya medyo mahaba rin ang naging byahe namin, bandang alas onse na kami ng gabi nakarating sa mismong bahay dahil inuna pa naming ihatid sa bahay nila si Trixie.
Yung isang kapatid lang n'ya yung naabotan ko roon kaya sa kanya ko na lang ibinilin si Trixie.
Pagkatapos nun ay tumuloy na kong umuwi.
Nakabukas pa yung ilaw sa leaving room ng bahay kaya sigurado akong may gising pa sa pamilya ko. Pagkapasok ko sa bahay, ay kaagad kong nabungaran si Ate Elle na naka-upo sa isang sofa sa leaving room.
"Ba't ngayon ka lang?" bungad n’ya.
"Niyaya pa kasi ako ni Trixie lumabas kaya nalate ako ng uwi—"
"Yang babae talagang ‘yan, kahit kailan napaka-B.I (bad influence) sa'yo, humanda sa'kin yan pagnagkita kami."
"Hayaan mo na, Ate, ngayon lang naman eh tsaka pinagbigyan ko na, ramdam ko kasing may pinagdaraanan."
"O s’ya, may pinabibigay pala yung sekretarya mo sa'yo, hindi raw s'ya makasend sa email mo kaya sa akin na lang ito naki-usap, oh ito, " sabi n'ya sabay abot nung isang USB.
Ito na siguro ang financial report na ibinilin ko kay Olive kanina.
"Salamat, " sabi ko saka akmang aakyat na sana ng hagdanan nang tawagin n'ya na naman ako.
"Tsaka may sinabi rin sya sa'kin, may bago dawng aplikante pero sabi niya mukhang malabo mo rawng tanggapin, bakit?" tanong niya sa'kin kaya nilingon ko sya.
"Di pa rin pasok sa standards ko," usual kong sabi.
"Kunin mo na—"
"What?"
"Ang sabi ko kunin mo na ‘yung applicant bilang bago nyong I.T specialist. Tiningnan ko yung background n'ya at nakita ko namang okay ito, kaya kunin mo na 'yon, dahil baka kapag nagtagal pa ‘yang problema n'yo nang hindi pa naaayos baka lumala lang," pagpapaliwanag niya, pag siya talaga nag-utos sa'kin 'di ko talaga kayang tanggihan.
"Pag-iisipan ko."
"Okay, pero I don't take nos, kaya kung ako sa'yo 'wag ka na lang mag-isip tanggapin mo na lang agad. Good night," sabi niya saka ako nilayasan.
"Good night... " pabulong kong wika pabalik saka bumuntong hininga at nagpatuloy sa pag-akyat.
Pagdating ko sa kwarto ko ay agad na akong umupo sa kama, iniisip kung tatanggapin ko ba talaga ang lalaking 'yon o hindi.
Pero... makalipas ang ilang minuto ay namalayan ko na lamang ang aking sarili na kinukuha ‘yung phone ko para tawagan yung aking secretary.
Agad din naman itong sinagot.
"Hello, Olive—"
______________________